Chapter 8Kahit na napilitan ako na tigilan ang operasyon ng “Daniel’s Daily Doses of Wisdom” dahil sa pagtulong ko kay Millie, nakaipon pa rin ako ng sapat na pera para makabili na ng gitara. Hindi ko kasi ginalaw ung pamasko ko mula nung sa huling Pasko, at maging ung nakuha kong pera nung birthday ko ay tinabi ko lang nang maigi para mismo sa pagkakataong ito. Lingid man sa kaalaman ng nakakarami dahil sa aking nakakabilib na kaalaman tungkol sa Julie Tearjerky, ang totoo ay wala ako ganong alam tungkol sa mga gitara. Mismong ang pagpili man lang ng isa na babagay sa akin ay mahirap na gawin. Sinundo ko si Mike sa bahay niya at nagpunta kami sa mall. Siya lang ang talagang kakilala ko na sobra ang hilig sa pagtutog, at ang maganda pa ay talagang may abilidad siya pagdating dun. Madal

