Chapter 20Ngayon ang unang beses na kinailangan kong tumanggi sa alok na samahan si Millie. May importante kasi akong kailangang gawin, at hindi na ’to makakapaghintay. Matapos nung kagabi, at nang makita ko ang lagay ni pareng Mike, nalaman ko agad na ako na lang ang makakagawa ng paraan para mapabuti pa siya. Kaya’t muli kong kinuha ang aking phone, nagdasal na hindi maling tao ang sasagot, at tinawagan ko si Ria. Sugal kung sugal, at mahilig din naman ako sa mga bagay na medyo delikado, pero eto na nga malamang ang pinakadelikado kong bagay na gagawin sa ngayon. Apektado na kasi rito hindi lang ako, kundi pati ung damdamin ng mga iba’t-ibang tao. Gusto ko sana iwasan ’to kung pwede lang, pero alam ko nang eto ung dapat kong gawin. Ilang segundo lang siguro ang tinagal mula sa pag-d

