“Cha, totoo ba na may nangyari Kay Nonong?” tanong ni Aling Ligaya sa kanyang kasambahay na naghahanda ng lulutuin. “Oho. May pumali po sa kanyang ulo habang nasa loob siya ng bodega ng mga palay. Hindi niya nakita kung sino dahil nga nakatalikod siya,” ang sagot ni Cha-cha. “Bakit daw? Anong dahilan? Wala man lang bang nakakakita?” sunod-sunod na mga tanong ni Aling Ligaya. “Wala raw po dahil abala po sa pagkain ng almusal ang iba habang ang iba naman po ay nasa kanya-kanyang gawain. Ang hula po ay baka taong labas na magnanakaw ng mga palay pero dahil nasa loob ng bodega si Nonong kaya pinatulog. Ngunit ng bilangin naman po ang sako ay tama naman daw po ang bilang,” paliwanag ng dalaga. “Ganun? Kung ganun ay talagang intensyon lang na saktan si Nonong ng kung sinong nanakit sa kanya?

