Namamaga pa ang mukha at sariwa pa ang mga sugat ngunit kailangan ni Kanor na magtrabaho dahil kung hindi ay malalagot na naman siya sa lalaking amo. “Masyado kasing nagnamagaling, Kanor. Kung ikaw kasi ay nanahimik na lang ay hindi sasakit ang katawan mo at mababangasan ang mukha mo,” ani ni Nonong na tulad ng dati ay wala na namang ginagawa habang ang ibang mga trabahador gaya ni Kanor ay pawis na pawis na sa pagtatrabaho. Hindi na lang pinapansin Kanor si Nonong at nagpatuloy sa pagbubuhat ng palay at pinapasok sa malaking bodega at itagago muna. Patataasin mo na ni Mang Buro ang presyo ng bigas bago niya ilabas ang mga ito. Ganun din ang ibang produkto na inaani sa rancho. “Ang bagal mo naman, Kanor. Karami mo pang dapat ipasok sa bodega kaya bilisan mo ang kilos,” utos ni Nonong na

