Chapter 24

1580 Words

“Saan ka na naman pupunta niyan, Buro?” ang tanong ni Ligaya sa kanyang asawa ng makita itong bihis na bihis at kinuha pa ang susi ng sasakyan sa sabitan nito. “Saan pa ba, Ligaya? Saan pa ba ako nagpupunta kung hindi sa mga kasosyo lang natin sa trabaho,” ang sagot ni Buro sa asawa at hindi man lang tumigil sa paglalakad at nagtuloy lang palabas ng bahay. “Saan naman kayo magtatagpo-tagpo at bakit kailangan na bihis na bihis ka pa at nagwisik ka pa ng pabango?” patuloy na pagtatanong pa ni Aling Ligaya dahil alam niya at nararamdamann niyang may babae ang asawa ngunit hindi niya lang mapatunayan dahil wala siyang makitang ebidensya. “Ano ka ba naman, Ligaya? Ang aga mo naman sirain ang araw ko? Dapat ba gusgusin ko ang itsura ko kapag nakikipagkita at nakikipag usap sa mga kasama natin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD