“Ano?! May nanakaw na naman?!” ang galit na tanong ni Mang Buro ng malaman na may nawawala na namang siyang mga baka ng sabihin sa kanya ng mga tauhan. “Ang dami niyo rito pero mga wala kayong silbi! Paano nakapasok ang magnanakaw na hindi niyo man lang nakita!” asik pa ni Mang Buro na kung nakakamatay lang ang mabalasik niyang tingin sa mga tauhan ay kanina nagsitumba. Lahat naman ay hindi makapagsalita at tameme lang. Si Kanor ay nasa isang sulok lang at pinapapatuloy ang paghasa ng karit na ginagamit niya panguha ng mga sariwang damo. “Nasaan ba si Nonong at hindi nya nasabi agad sa akin to?!” sigaw na hanap ng among lalaki sa kanang kamay niya na hindi makita kung nasaan. “Wala pa ho si Nonong, Mang Buro,” ang sagot ng tagapangalaga ng mga baboy. “Lintik ang lalaking yan, ha! Ang

