“Anong akala ng Nonong na yan? Na palalampasin ko lang ang mga ginawa niya? Maghintay lang ang tarantadong yan at mahahanap ko rin siyang animal siya,” ngitngit ni Mang Buro dahil hindi lang ang pagsunog sa manukan ang nagawang perwisyo ni Nonong dahil marami pala itong sinirang mga pananim na malapit na sanan anihin gaya ng mga sagin na pang import ay pinagpuputol. “Tandaan niyong lahat na ngayon pa lang kung ayaw niyo ng pamamalakad ko sa rancho ay pwede kayong lumayas basta siguraduhin niyong bayad lahat ng mga utang niyo! Hindi ko kayo pipilitin na paglingkuran ako dahil maraming nangangailangan ng trabaho!” malakas na bigkas pa ng among lalaki na galit na galit pa rin sa pinagkatiwalaang kanang kamay ngunit nangunang nanira ng kabuhayan sa rancho. Tahimik lang ang lahat at nakikinig

