Chapter 71

1105 Words

“Ligaya! Nasaan ka!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Mang Buro sa labas pa lang ng kanilang bahay ng siya ay dumating buhat sa kung saan siya nanggaling. Ang mukha niya ay seryoso ngunit mahahalata ang galit at handang manakit kung may sasalungat man sa kanyang daraanan. “Ligaya!” ang malakas ulit na tawag ni Mang Buro sa pangalan ng asawa. Walang kahit na anong katok na binuksan agad ni Mang Buro ang pintuan sa harap ng kanilang bahay at malakas din na binalibag pasara. “Ligaya! Ano ba?! Hindi ka ba lalabas?! Alam kong naririnig mo ako kaya lumabas kang babae ka!” ang tawag na naman ni Buro sa kanyang asawa. Maya-maya nga ay bumukas na ang kanilang pinto sa silid nilang mag-asawa. “Ano ba Buro? Bakit ka ba sigaw ng sigaw na para bang may kaaway ka?” mga tanong agad ni Aling L

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD