“Kanor, bilin ni Mang Buro dalhin mo raw lahat ng mga ani na yan sa bahay nila,” ang utos ni Nonong kay Kanor na kagagaling lang sa pagpapakain ng mga manok. “Ha? Hindi ba pwedeng ikaw na lang, Nonong? Hindi ko pa kasi tapos pakainin ang iba pang mga manok,” suhestiyon ni Kanor dahil wala namang ginagawa si Nonong. Mula sa tasa ng kape na kanina pa nito iniinom ay wala pang nagagawa sa mga gawain sa rancho. “Inuutusan mo ba akong gawin ang inuutos sayo, Kanor? Dapat nga ay ikaw na ang gumagawa ng lahat ng mga trabaho dito dahil sa laki ng utang ng Tiyo mo. Magpasalamat ka nga at ganyan lang ang mga trabaho mo,” sermon ni Nonong. “Hindi ko naman kakayanin ang lahat ng mga gawain, Nonong. Patapos ka ng magkape kaya pabalik ka na sa bahay ng mga amo natin kaya pwede mo na sigurong bitbitin

