“Bayuhin mo, Kanor!”
Pagod na pagod na sa pagbubuhat ng mga sako-sakong palay sa halos buong maghapon ay hjndi pa rin nakakapagpahinga si Kanor dahil sa panay sigaw sa kanya ng amo para utusan.
Kahit hindi na makahinga sa pagod ay pilit pa rin naglakad ang lalaki para sundin ang utos sa kanya.
Hinawakan ang kahoy at inilagay na ang mga palay sa lalagyan at saka inumpisahan ang pagbayo upang mahiwalay ang ipa sa bigas.
Bayo lang ng bayo si Kanor at hindi alintana ang pagal na pagal ng katawan.
“Kanor, bakit hindi ka pa nagpapahinga?”
Mula sa walang kibo na patuloy sa pagbayo ng mga palay ay nataas ang malamlam ng mga mata ni Kanor sa nagtanong.
Ang babaeng amo na si Ligaya na asawa ng lalaking amo na si Mang Buro.
“Mamaya na lamang, Aling Ligaya at pinababayo ni Mang Buro ang mga palay na ito dahil wala na raw ho kayong isasaing,” mahina at magalang na sagot ng binatang si Kanor sa among babae.
“Babayuhin mo bang lahat yan?” tanong ulit ni Ligaya na lumapit pa ng konti kay Kanor na hubad baro. Nangingislap ang bala sa pawis dahil sa walang humpay na pagbayo ng palay.
“Pawis na pawis ka na, Kanor,” ani ni Ligaya na bahagya pang pinunasan ang dibdib ng trabahador na bahagyang nagulat sa ginawa ng among babae.
“Ano ka ba? Huwag ka ng mahiya sa akin at matagal ka na rin namang nagtatrabaho sa amin hindi ba?” giit pa ni Ligaya na pinagpatuloy ang pagpunas ng pawis ni Kanor.
“Ang laki pala ng katawan mo, Kanor. Ang lapad ng dibdib mo at ang lakas mo siguro dahil sa lakas din ginagawa mong pagbayo,” komento pa ni Ligaya.
“Matagal ko na ho kasing ginagawa ang pagbayo ng palay kaya sanay na ho, ako,” tugon pa ni Kanor na matagal na nga namang naninilbihan sa mag-asawang Ligaya at Kanor. Labing-walong taon pa lamang siya ng ipasok sa kanyang tiyuhin sa rancho para magtrabaho at mabayaran ang mga utang ng sariling tiyuhin kay Mang Buro.
“Halata naman sa batak na batak mong katawan. Ang tigas ng kalamnan mo, Kanor,” pabulong pa na sambit ni Ligaya na pinagapang ng mabagal ang daliri sa braso ni Kanor.
“Sigurado akong sobrang naliligayahan ang iyong kasintahan sa tuwing yayakapin mo sa tigas ng mga braso at lapad ng dibdib mo,” dagdag sabi pa ni Ligaya.
“Wala akong nobya, Aling Ligaya,” ang sagot naman ng inosenteng binata na hindi pa rin natitinag sa pagbayo ng mga palay.
Wari namang kumislap ang mga mata ni Ligaya at naglaro ang isang misteryosong ngiti sa sulok ng kanyang mga labi.
“Talaga ba? Bakit naman? Sa kisig mong yan ay hindi ako naniniwalang walang dalaga ang nagpapansin sayo,” saad pa ng among babae na nasa kwarenta na ang pataas kagaya ng edad ng kanyang asawang lalaki.
“Hindi ko ho alam, Aling Ligaya. Hindi ko rin kasi nabibigyan pansin kung meron dahil narito naman ho ako para magtrabaho at makabayad ng utang ng aking tiyuhin,” magalang na paliwanag ni Kanor.
“Oonga pala, ano? Ikaw ang pinadala ng Tsong Mando mo para magtrabaho kahalili niya dahil nagkasakit siya, hindi ba?”
Tumango si Kanor.
“Ulila ka na nga pala at si Mando ang kumupkop sayo at dahil nga nagkasakit siya at maraming utang sa asawa ko kaya ikaw na lang ang pinahalili niya para makabayad ng mga atraso niya,” paglilinaw ni Ligaya kung bakit napunta sa rancho ang binatang si Kanor.
Tumango lang si Kanor at hindi nagsalita dahil patuloy lang siya sa pagbayo na ginagawa.
“Gusto mo bang makabayad agad ng utang sa asawa ko, Kanor?” tanong ni Ligaya sa binata.
“Oho, naman. Kaya nga kahit pagod ay patuloy pa rin ako sa pagbayo nitong mga palay. Gusto ko na hong makabayad at makahawak ng sariling pera. Marami ho kasi akong nais na bilhin para sa sarili ko,” maagap na saad ni Kanor dahil halos wala namang ibinibigay na bayad ang among lalaki dahil nga sa laki ng iniwang utang ng kanyang Tsong Mando.
“Talaga? Ano bang gusto mong bilhin para sa sarili mo?” tanong na naman ni Ligaya na para bang nais talagang marinig ang sasabihin ng binatang trabahador.
“Marami, Aling Ligaya. Gusto ko ng mga bagong damit, shorts, mga brief, tsinelas o kaya ay sapatos,” pahayag ni Kanor.
“Iyon lang pala ang gusto mo, eh. Hayaan mo at sa pagpunta ko sa bayan ay bibilhan kita.”
Nahinto ang pagbayo ni Kanor sa kanyang narinig sa among babae.
“Nakakahiya naman po, Aling Ligaya. Wala pa ho talaga akong pambili dahil wala pang sobra sa nagiging sahod ko sa laki pa ng utang na dapat kong bayaran sa asawa niyo,” kontra ni Kanor.
“Maliit na bagay lang ang sinasabi mong mga nais mong bilhin, Kanor. At saka, bayad ko na rin sayo dahil sa sobrang sipag mo,” ang paliwanag naman ni Ligaya.
“Talaga ho? Ang bait niyo naman ho, Aling Ligaya. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na po ako,” waring tuwang-tuwang sambit ni Kanor dahil kahit kailan ay hindi talaga siya nagkaroon ng kahit na anong bagong gamit na sadyang binili para sa kanya. Madalas ay pinaglumaan at bigay lang ng ibang tao sa kanya.
“Basta ba lagi kang magiging mabait at masunurin ay bibigyan pa kita ng ibang nanaisin mo. Napapahanga mo kasi ako sa kasipagan at sa galing ng pagbayo na ginagawa mo sa mga palay,” pagpuri pa ni Ligaya sa kasipagan ng binata.
“Gaya po ng sabi ko, matagal ko na hong ginagawa ang mga gawaing ito lalo na po itong pagbayo ng palay,” nakangiti pang sabi ni Kanor.
Tumango-tango si Ligaya at saka muling binistahan ng tingin ang namumutok at pawis na pawis na katawan ni Kanor.
“Magaling ka talaga sa pagbayo ng palay, Kanor pero mas gusto ko yatang malaman kung mahusay ka rin kaya sa pagbayo ng ibang palay,” makahulugang pananalita ni Ligaya.
“Ho? Ano hong ibig sabihin niyong sabihin? May iba pa ho bang palay na dapat bayuhin?” kunot-noong mga tanong ni Kanor sa sinabi ng babaeng amo.
“Oo, Kanor. May ibang palay na masarap na binabayo na makakaramdam ka ng kakaibang kiliti na hahanap-hanapin ng katawan mo na parang gusto mong ulit-ulitin ang pagbayo ng pagbayo,” bulong ni Ligaya sa kanang tainga ni Kanor habang ang kanang kamay ay humahaplos sa puson ng binatang si Kanor.