“Malaman-laman ko lang kung sino ang pumukpok sa akin ay lintik lang walang ganti!” bulalas ni Nonong ng magawa ng tumayo at makisalamuha sa iba pang mga tauhan ng rancho. Walang kumikibo dahil takot kay Nonong sapagkat malakas nga ito sa kanilang amo na si Mang Buro. “Kaya kung may alam kayo ay sabihin niyo na sa akin para naman huwag na kayong madamay pa kung kilala niyo ang walang hiyang taong patraydor akong tinira,” ani pa ni Nonong dahil hanggang ngayon ay walang balita kung sino nga ba ang nanakit sa kanya. Wala pa rin kibo ang lahat at tuloy lang sa mga kanya-kanyang ginagawa. Si Kanor matapos linisi ang dumi ng mga kabayo ay siya namang pagsukbit ng kanyang karit sa katawan para manguha ng mga sariwang damo para pagkain ng mga alagang hayop. “At saan ka pupunta, Kanor? Nagsas

