Chapter 5

1302 Words
“Saan ka na naman ba nanggaling, Kanor? Kanina pa ako hanap ng hanap sayo!” bulalas ni Mang Buro ng makita na si Kanor na kanina niya pa nga hinahanap. “Pasensiya na po, Mang Buro. Hinanap ko po ho kasi iyong mga alagang itik na napahiwalay sa kanilang mga kasamahan,” sagot ni Kanor na putikan nga naman ang laylayan ng lumang pantalon na hindi na malaman kung ano ang tunay na kulay. “Bakit naman napahiwalay? Ang tagal ko ng pinapapastol ang mga itik na yan hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin alam kung paano ang gagawin mo? Paano kung hindi mo na natagpuan yan at makatawid sa kabilang rancho? Nalugi na naman ako ng hindi ko alam? Kapag talaga nawala isa man sa mga alaga ko ay ililista kong utang mo,” saad ni Mang Buro. “Baka kaya nahiwalay ay hindi niya masyadong binabantayan, Mang Kanor. Baka nangangarap na naman ng gising yan si Kanor,” sabay tawa pa ni Nonong na sinabayan pa ng ibang mga kalalakihang trabahador ng marinig ang sinabi niya. “Malamang na ganun nga ang nangayari. Kanor, huwag kang nangangarap ng masyadong mataas at habang mahaba ang listahan ng pagkakautang ng tiyuhin mo sa akin ay hanggang sa pagbabayo ka lang ng palay,” pang iinsulto pa ni Mang Buro at binatok-batukan pa ng mahina ngunit ilang beses ang likod ng ulo ng binatang si Kanor. “Baka po pangarap niyan magka racho rin at maging amo gaya niyo, Mang Kanor,” sulsol na naman ni Nonong para mas mapahiya si Kanor. “Paanong magmamay-ari ng rancho yang si Kanor na ultimong bagong tsinelas ay hindi naman makabili tapos mangangarap pa ng isang rancho? Lupa na kumakapit sa butas niyang tsinelas lang magkakaroon siya,” sabay tawa ni Mang Buro na sinundan na naman ng lahat lalo na si Nonong na mas malakas pa ang hagalak ng tawa. Wala namang magawa si Kanor na nakayuko na lang ang ulo at hindi na lang kumibo. “Magbayo ka na lang ng palay para sigurado pang magiging bigas kaysa mangarap ka ng napaka imposible,” utos ni Mang Buro na itinuro pa ang kaban-kabang palay na mag-isa lang babayuhin ni Kanor. “Kayang-kaya lahat bayuhin ni Kanor yan, Mang Buro,” waring pang-aasar pa ni Nonong na masyadong sipsip sa kanyang among lalaki. “At kahit hindi niya kaya ay dapat lang na kayanin niya dahil sa laki pa ng utang na dapat niyang bayaran,” tugon ni Mang Buro na namaywang pa at pinapakita na siya ang amo at dapat na katakutan at sundin sa rancho. Maya-maya pa ay isa-isa ng umalis ang lahat ng mga lalaki sa kubo na pahingahan ng mga trabahador. “Kanor, ikaw na naman pala mag-isang bumabayo ng palay?” si Cha-Cha na may dala na namang tasa ng mainit na kape at pagkain kay Kanor. “Wala naman akong magagawa, Cha. Walang gustong bumayo ng palay at ako lang din ang uutusan ni Mang Buro,” sagot ni Kanor. Lumapit ang dalagang si Cha-cha sa binata at pinunasan ang butil-butil na pawis ni Kanor sa mukha at leeg. “Pawis na pawis ka na, Kanor. Dapat ay hindi ka napapatuyo ng pawis lalo na sa likod. Baka pulmunyahin ka. Mahirap magkasakit lalo pa at walang pakialam si Mang Buro kung may sakit ang kanyang mga tauhan,” pag-aalala ni Cha-cha sa anong pwedeng mangyari sa binatang tulad niya ay nagtatrabaho sa mag asawang Buro at Ligaya. Binatawan ni Kanor ang kahoy na pambayo ng palay at saka na muna hinubad ang kanyang suot na lumang tshirt. Namilog ang mga mata ni Cha-cha dahil nasilayan na naman niya ang malapad na dibdib ng binata at ang patag na tiyan. “Kanor, ang ganda talaga ng katawan mo. Mga ganyang katawan ay nakakaakit ng mga babae,” komento ni Cha-cha. Si Kanor ay kinuha ang mainit na tasa ng kape at ang pinggan na pinaglalagyan ng mainit at mabangong kanin na may kasamang pritong daing. “Salamat sa pagkain, Cha,” ani muna ni Kanor at saka na nagsimulang kumain kahit hindi pa naghugas ng kamay. Gutom na gutom na kasi siya sa pagod ng maghanap sa mga itik na napahiwalay sa mga kasama. “Kumakain ka pala kahit walang hugas, Kanor?” tanong ni Cha-cha. Simpleng tanong ngunit sa isip ng dalaga ay may iba siyang ibig sabihin. “Oo naman, Cha. Lalo na kung gutom na gutom na ako gaya ng ganito,” inosente namang sagot ni Kanor. “Ganun ba? Ang sarap mo sigurong kumain kasi wala kang pakialam kung walang hugas, kung mabaho ba o kung anong lasa,” mga tanong na naman na may ibang ibig sabihin sa isip ni Cha-cha. “Kapag gutom talaga ako wala akong pakialam kung ano amoy o ano lasa. Basta galing sayo, Cha kakainin ko yan.” Napangiti pa si Cha-cha sa narinig. “Talaga ba? Basta galing sa akin kakainin mo, Kanor?” paninigurong tanong ni Cha-cha. “Oo, kahit anong pagkain basta ikae ang naghain kakainin ko at paka sisimutin ko hanggang mawalan ng lasa,” nakangiting tugon ni Kanor. “Weh? Paano kong sarili ko ang ihain ko? Kakainin mo ba at pakakasimot hanggang mawalan ng lasa?” mga tanong na naman ni Cha-cha. “Bakit mo naman ihahain ang sarili mo sa akin, Cha? Paano kita makakain? Puro ka talaga biro. Parang mas gutom ka pA kaysa sa akin ha? Kumain ka na ba? Parang iba ang mga sinasabi mo ngayon?” mga komento ni Kanor. Umiling si Cha-cha. “Wala lang. Nagtanong lang baka gusto mong kumain ng kakaibang pagkain kaya ihahain ko ang sarili ko makain mo lang,” ani ni Cha-cha na iba ang nasa maruming isip. “Cha, baka naman talagang gutom ka? Mahirap niyan sa halip na ikaw ang maghahain ay ako ang iyong kainin,” sapantaha pa ni Kanor. “Hindi malayo, Kanor. Baka nga sa sobrang pagkagutom ko sayo ay madamba na lang kita at malapa,” birong ganti ni Cha-cha pero matagal niya na rin talagang pinagnanasaan si Kanor kahit pa may nobyo na siya. “Nakakatakot ka naman pala, Cha. Nanlalapa ka naman pala. Mabuti hindi mo nalalapa ang nobyo mong si Nonong?” inosente na namang tanong ni Kanor na hindi makuha ang ibig sabihin ng biro ng dalagang nagdadala sa kanyan araw-araw ng pagkain. “Sawa na akong lapain ang isang yon, Kanor. Ikaw nga sana ang nais ko ng lapain kaso baka ayaw mo naman,” giit ni Cha-cha na gustong-gusto sunggaban ang matipuno at makisig na katawan ni Kanor. “Sawa ka na kay Nonong kaya ako naman ang nais mong lapain, ganun ba yon?” Tumango ang dalaga. “Hindi naman kasi masarap si Nonong. Napipilitan lang talaga akong lapain ang lalaking yon dahil baka kapag nakipaghiwalay ako sa kanya ay siraan ako kina Mang Buro at Aling Ligaya. Mahirap mawalan ng trabaho. Kawawa naman ang pamilya ko kapag nagkataon na paalisin ako rito,” katwiran ni Cha-cha. “Ganun ba? Kaya mo lang sinagot si Nonong ay para huwag kang mawalan ng trabaho?” pag lilinaw ni Kanor. “Oo, Kanor. May itsura naman si Nonong pero sobrang yaban na daig ang tagapagmana. Para bang sa sobrang pagkasipsip niya kay Mang Buro ay pamamanahan siya ng isang libong ektaryang lupa,” nayayamot pang kwento ni Cha-cha. “Marami ka pa naman sigurong mahahanap na trabaho, Cha,” giit ni Kanor. “Malaki na rin ang utang ko mga amo natin, Kanor. Kaya hindi na ako basta makakaalis pa. Kaya kahit sobrang liit at payat ng pinagyayabang ni Nonong ay nagtitiis na lang ako.” Napakunot ang noo ni Kanor dahil sa sinabi ng kaibigan. “Ha? Anong maliit at payat?” takang tanong pa ni Kanor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD