ARVEY "Whoaaa, congratulations bro! finally ikakasal na rin kayo ni Eme este Shanti pala. Grabi natagalan lang kami sa Hong Kong ni misis pagbalik ko, ikakasal kana. Tapos may triplets pa. Hanep bro." Napa iling nalang ako sa malakas na boses ni Brent. Narito ako sa aking opisina tatapusin ko ang lahat para maayos ko na ang aming kasal. Gusto ko pa rin mag propose kay Shanti, sa harap ng mga tao. Lalo na sa pinaka mahalagang tao sa buhay niya. Sana masaya siya, sa ibibigay kong regalo sa kanya. "Muntik ko na nga 'yan hanapan ng mental hospital, ang akala ko matutuluyan na eh. Mabuti nalang dumating si Shanti. Kaya ayun umayos ang pag iisip. " Sabi naman ni Harvey na pinaningkitan ko ng mata kaya nag senyas na parang ginawan zipper ang kanyang bibig. "Sana sinabihan mo ako brad, nang p

