ESMERALDA Nagising ako na mag isa na lamang sa kwarto. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto ang ganda at ang laki laki . Ang lambot lambot pa ng kama. Hindi ko kanina napansin nang magising ako. Sapagkat gulong gulo pa ang aking isipan sa nagyari. Naalala ko naman ang nangyari sa akin kahapon sa mga kamay ni Arvey. Pero bakit kahit ganun hindi ako nakaramdam ng pagsisi. Na siya ang naka kuha ng aking pinaka ini ingatang pagka babae. Kahit ganun ang ginawa niya sa akin. Mahal ko pa rin siya, pero hanggang duon nalang ' yun. At kapag magkita ang aming mga landas muli, iisipin kong hindi ko siya nakilala. Hindi ako papayag na maging api muli sa kanyang harapan. Ngunit mas lalong nagpa gulo sa aking isipan ang mga sinabi ni Kuya Harlem kanina nang magising ako. Naalala ko nuon ang

