Esmeralda "Mommy kamusta po ang pakiramdam niyo? Anong gusto n'yong kainin? ipagluluto kita Mommy." Kanina lang lumabas si Ma'am Jasmine sa ospital. Sobra ang kaba naming lahat nang makita siya namin na karga karga ni Sir James galing sa kanilang kwarto. Nagtaka ako sa kinilos niya, pagka galing namin sa birthday celebration ni Mrs. Weinstein. Naging matamlay siya at hindi lumabas sa kanilang kwarto. Hanggang sa nakita nga namin na buhat siya si Sir na walang malay. Nandito ako ngayon sa kanyang kwarto dahil pinatawag niya ako. May gusto daw siyang sabihin sa akin na importante. Hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti. "Ayos lang ako Eme. Salamat! May gusto lang sana akong sabihin na importante sayo, Eme. Sana pumayag ka. Labis labis na itong pakiusap ko sa'yo." Naguguluhan ako sa sin

