Esmeralda "Ang ganda ganda mo Shanti. Parang totoo ka talagang diyosa na bumama dito sa lupa. Isa ka talagang prensisa." Papuri sa akin ni Ate Kany na sinang- ayunan naman ni Ate Laisa. Nandito kami sa salon kasama si Ate Laisa. Maaga pa lang kanina nasa mansyon na sila. Mag girl bonding daw kami. Sina Mommy at Daddy ni Arvey kasama din si Mommy at Daddy, mag bonding din daw sila. Ang mga asawa at anak namin mayruon din daw lakad. Kaya heto kami ngayon sa salon. Kanina gumala muna kami sa ibat mall hanggang sa sumapit ang alas singko ng hapon. Kaya nagpunta na kami dito sa salon para daw magpa ganda. Pero nagtaka ako na parang ako lang ang inaayusan ng mabuti. Silang dalawa ay light make up lang. Naging close na kaming tatlo simula ng magkakilala at nalaman ko din ang buong katotohan. Na

