Niel’s POV:
.
Pagpasok namin ni Mac sa amin claasroom ay wala na si Kylie.Kaya lumingon sakin si Mac at nagtanong.
“Nasan si Kylie......Niel...?.”tanong ni Mac na nagtataka.
“Ewan.....sabi ko umupo na siya at hintayin na lang niya ako dito.....”Tumingin naman ako sa mga kaklase naming babae na lagi niyang kasama pagnagpapaalam siya sa akin.
Tumingin din ko sa mga upuan ng kabarkada ni Ian ay naduon naman sila maliban lang sa kay Shan at Ian.
Pero nakita ko naman si Shan na pumasok kanina.Bakit wala siya dito.Imposible namang mag-isa siyang nasa labas dahil ang lagi niyang kasama ay kabarkada niya.
Hindi kaya...........
Wag sana mangyari ang iniisip ko.
“Mac diyan ka muna ha lalabas lang ako........”sabi ko at hindi ko na inintay ang kaniyang sagot.
Alam ko na kung saan ko sila titingnan dahil alam kong dun lang sila nagkikita.
Parang may sumusunod sa akin pero diko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglakad ng mabilis papuntang likod ng eskwelahan na ito.
Pagdating ko sa likod ng eskwelahan ay hindi nga ako nagkamali naduon nga sina Kylie at Shan sa pinagtatambayan nila pagkasama ang mga babaeng kaibigan ni Kylie.Umakyat ako sa may puno ng mangga para hindi nila makita.
May mahalaga silang pinag-uusapan pero hindi ko marinig dahil malayo ako sa kanila.At nagulat pa ako sa ginawa ni Shan hinalikan nito si Kylie sa pisngi.
-
-
-
Mac’s POV:
.
Pagkasabi ni Niel na lalabas muna siya ay hindi ako na niwala dahil ramdam kong nagsisinungaling siya.Kaya sinundan ko siya at napag-alamanang kong sa likod ng eskwelahan siya pupunta.
Dahil narin sa tinatahak niyang daan habang ako'y nakasunod.Tumigil siya sa may puno ng mangga at ito ay umakyat.Parang may tinitingnan siya,kaya tingnan ko ang tinitingnan ni Niel.Nagulat ako sa aking nakita ng may humalik kay Kylie na lalaki.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumugod na ako.............
-
-
-
Niel’s POV:
.
Napabaling ang tingin ko sa baba dahil napansin kong may pasugod na lalaki kina Kylie at walang iba kundi si Mac.Sinapak nito si Shan sa mukha kaya ako ay nagmadaling bumaba.Nag-susuntukan na sila,wala namang kakayahan si Kylie para awatin ito ang naririnig ko lang sa kaniya ay mga salita.
“Mac........ano ba!!!....tama na!!!!....”sigaw ni Kylie at natinag naman si Mac kaya tumigil ito sa pambubugbog kay shan na nakahandusay na ngayon.
“Ano.....Kaya ka nakipaghiwalay dahil....!!.diya sa hayup na lalaking yan...?”umiiyak na sigaw ni Mac.
“Hiwalay na tayo bago pa ako makipagrelasyon sa kaniya....!!”sagot ni Kylie.
“So.....dalawang araw kalang naka move on...?!ambilis.....?”sarkastiko pero nagluluha paring sabi ni Mac.
“Oo....dahil hindi kita sobrang mahal!!...”-Kylie.
Mas lalong nasaktan si Mac sa huling sinabi ni Kylie kaya tumakbo ito paalis sa aming kinatatayuan.Kaya nauna na rin ako at naiwan sina Kylie at Shan.
.
.
.
Pagdating ko sa aming classroom ay wala si Mac siguro ay umalis na ito.
.
***********
.
Pagdating ko sa aming barangay ay naalala ko nga palang wala akong uuwian kaya pumunta na lang ulit ako sa barong-barong na tinulugan ko kagabi.
Pagdating ko doon ay nagpalit na ako ng pambahay na damit at pupunta akong parang para manood ng nagvovolleyball.
Pagdating ko doon ay nakita kong marami ng tao ang nanood ng volleyball.Napabaling ako sa nakatingin sa akin at nakilala ko ito at ito ay si Rex.Lumapit siya sa kin ng may ngiti sa labi.
“Musta kana.....matagal nating hindi nagkita ahhhh.....”bati nito sa akin.
“Isang araw lang naman.....”biro ko.
“Matagal nadin yun.....kamusta ka na...??”ulit na tanong niya.
“Okay lang.....”sabi ko.
“Saan ka nga pala dito nakatira.....?”tanong ko.
“Diyan lang....”sabi niya.
“May ganyang bang sagot.....??”nakangiti kong sagot.
“Oo meron.....bago lang naman ako dito....edi di ko masyado alam kung saan eksaktong lokasyon....”kibit balikat nito.
“Sa bagay.....”
Naalala ko nga pala na may assignment kaming gagawin kaya nagsalita na ako para makapag paalam kay Rex.
“Bye.....may gagawin pa nga pala ako.....”sabi ko.
“Ahhh...sigeh”sabi niya.
Umalis na ako at pumunta sa barong-barong na tinitirhan.Pagdating ko doon ay kinuha ko na aagad ang bag ko.
.
.
.
Natapos ang pagsasagot ko ay gabi na.Bigla ko naisip si Mac.
‘Kamusta na kaya siya’tanong ko sa aking isip.
Habang iniisip ko si Mac ay biglang kumulo ang tiyan ko.Naalala ko nga pala na hindi pa ako kumakain.
Lumabas na ako sa bahay na tinitirhan ko at habang ako ay naglalakad ay may nakita akong 50 pesos na kalaglag sa daan.Kung sineswerte ka nga naman.
Buti na lang may maiibibili ako ng kanin at ulam sa karinderya.At may mapambabaon pa ako dahil sa may natira pa akong pera na pingtrabahuhan ko kahapon sa bayan.
.
.
.
Pagkabili ko ng Kanin at ulam ay pinagsama ko ito sa isang plastic dahil wala naman akong pinggan kay dito na lang sa plastic ko kakainin.
Pagkatapos ko kumain ay humiga na ako.Nakatulog naman ako agad dahil siguro sa pagod...........