DICKSON SERIES 2 PROBLEM

1535 Words
Loren's POV "LOREN!" NAIMULAT ko ang aking mga mata ng marinig ang boses ni Haden. Damang-dama ko ang sakit ng ulo ko. Tumambad sa aking harapan ang aking asawa. Umiigting ang kaniyang panga at nakakuyom rin ang kaniyang mga kamao. "Haden..." sambit ko. Nahihirapan pa akong gumalaw dahil sa kirot ng ulo ko. Bakit ba galit na galit yung awra ng kaniyang mukha? Tsaka ko lang na-realized ang lahat. Puting kisame, puting bedsheet at puting kumot ang bumabalot sa aking katawan ngayon. Kaagad nanlaki ang aking mga mata. Paglingon ko sa aking tabi ay muling nanlaki ang aking mga mata at bumilog ang aking bibig. Halos hindi ako makapaniwalang may katabi akong lalaki sa kama. Humihikab pa ito na para bang wala lang sa kaniya. Umalis ako sa kama balot ng kumot ang aking katawan. Wala akong matandaan kung anong nangyari? Bakit may katabi ako sa kama at kung paano ako napunta rito? Muling nanlaki ang mga mata ko ng sugurin ni Haden ng suntok ang lalaking katabi ko. "H-Haden!" sigaw ko tsaka ko siya pilit na hinihila palayo sa lalaki. "Loren?" Kumurap-kurap ang mga mata ko ng marinig ang pagtawag ni Inay sa pangalan ko. Nasa pintuan na pala ako ng bahay. Nawala ako sa aking sarili ng maalala ko ang nangyari bago ang hiwalayan namin ni Haden. Galit na galit si Haden ng mga araw na iyon. "Ayos ka lang ba anak?" Inilapag ko ang karton na dala ko. Iyon yung groceries na ibinigay ng tauhan ni Haden sakin. Hindi ko nasagot ang tanong ni Inay. Naglakad ako patungo sa sofa para umupo. Hanggang ngayon naninikip pa rin ang dibdib ko. Ang sakit makitang mayroon na kaagad ibang ipinalit sa iyo ang asawa mo, EX-husband ko na pala. Lumapit sa akin si Inay at hinaplos ang likod ko. "Ayos ka lang ba anak?" muli ay tanong niya sakin. Hindi ko na napigilan pa at isinubsob ko ang aking mukha sa dibdib niya. Humagulhol na ako ng tuluyan. "Anak, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" dama ko ang pag-alala ni Inay. Wala na akong ginawa kundi ang umiyak. Binibigyan ko lang sila ng stress ni Itay. tumingala ako. Pinunasan ko ang aking mukha na napuno ng luha. "Si Haden po, Nay. Nakita ko siya kanina." "Ang walang hiya mo na asawa? Huwag mo ng isipin pa ang lalaking yun anak. Masasaktan ka lang kung palagi siya ang iniisip mo. Kaya mo naman mabuhay kahit wala ang lalaking 'yon. Bubuhayin natin ang anak mo na hindi kailangan ang tulong niya." Hindi na ako nakapagsalita. "Hindi nga natin nakita ang mga magulang ng lalaking 'yon. Nagpakasal kayo ngunit wala siyang magulang na ipinakilala sa 'yo, sa atin. Masyadong mesteryoso ang buhay ng lalaking 'yon. Kung gaano ka niya kabilis pinakasalan. Ganoon ka rin niya kabilis binitawan." Walang alam sila Inay sa nangyari. Hindi nila alam na natagpuan ako ni Haden sa isang hotel na may katabing lalaki. Kaya galit na galit sila kay Haden dahil hindi nila alam ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Haden sakin. Muli kong niyakap si Inay. Totoo rin naman ang sinabi niya, ilang araw pa lang kami magkasintahan noon ng alukin niya ako ng kasal. Ganoon kabilis ang pangyayari. Kung gaano kabilis namin magpakasal, ganoon din kabilis kaming naghiwalay. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Inay at inayos ang sarili. Tumayo ako para ayusin ang groceries na dala ko. "Aayusin ko na po ang dala kong grocery, Nay." tuluyan kong pinatuyo ang aking mukha gamit ang aking mga palad. "Saan nanggaling ang grocery na iyan? Hindi ba bigas iyong binibili mo?" "Mula po ito sa pamigay ng tumatakbong bagong Gobernor." hindi ko na lang sinabi sa kaniya na galing ito kay Haden. Hindi alam ni Inay na tumatakbo ngayon si Haden bilang Gobernor. "Ganoon ba? Mabuti kung ganoon anak. Mukhang mabait ang Gobernor na iyan." "Magsasaing na po ako Inay." paalam ko. Iniba ko na lang ang usapan. "O sige, parating na rin iyon ang tatay mo. Nag-aani iyon ng palay natin. Kanina pa nga iyon hindi kumakain. Umalis lang na hindi kumakain." Ganito kaawa ang buhay ko. Nag-iisa akong anak, pero naghihirap pa rin kami. Tanggap ko naman. Katatapos ko lang ng highschool noon ng pinaksalan ako ni Haden. Hindi pa ako nakakapasok ng kusina ng makarinig kami ng ingay sa labas ng bahay. "Aling Linda! Aling Linda!" sunod-sunod na tawag mula sa labas ng bahay. Pareho kaming napatingin ni Inay sa pintuan ng makita namin ang hinihingal na si Mang Ando. "Ando, anong nangyayari? Bakit hingal na hingal ka?" buong pagtataka na tanong ni Inay. "Si Mang Lucio!" hingal na sagot nito. Halos hindi na nga niya mabanggit ang pangalan ni Itay. Kaagad na umakyat ang kaba sa dibdib ko ng sabihin niya iyon. "B-bakit? A-anong nangyari sa asawa ko?" dama ko ang kaba sa boses ni Inay. Ako rin naman ay naghihintay sa sagot ni Mang Ando. "Bigla na lang po nangisay habang nag-aani kami ng palay!" Kaagad nanlaki ang mga mata ko. Nabitawan ko ang aking hawak at kaagad na tumakbo palabas ng bahay. Ganoon din si Inay. Tumakbo siya palabas at doon namin nasilayan ang Itay. Wala itong malay habang buhat-buhat ng iilan sa aming mga kapitbahay. "Itay!" sigaw ko ng makalapit. Sobra-sobra ang kaba na nararamdaman ko. Walang malay at lupaypay ang mga kamay. "Dalhin natin sa ospital ang asawa ko!" sigaw ni Inay. Kumilos ang iilan na nagbuhat kay Itay para isakay ito sa trysikel. Habang ako sunod -sunod ng tumulo ang luha ko. Sumama na rin ako para malaman ang kalagayan ni Itay. Pagdating ng hospital ag marami pa na itinanong ang nga nurse sa amin. Kailangan pa namin magbigay ng kalahating bayad para ma-confine si Itay. Emergench na nga ang nangyayari pero marami pang gagawin para lang ma-confine ang aking Itay. Umuwi si Inay para ibenta ang palayan. Wala kaming choice kundi ibenta na lang ito para pambayad ng hospital. Wala talaga kaming ibang matatakbuhan. Na-stroke si Itay at hindi pa alam kung kailan ito magkakamalay. Naiwan ako sa hospital para magbantay. Nakaupo ako habang sunod-sunod pa rin na tumutulo ang mga luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ito. "Anong gagawin ko para makatulong sa inyo?" tanong ko sa walang malay kong ama. Pinagmasdan ko ang kamay niyang madumi dahil sa mga lupa na tumigas na sa kaniyang palad. Ang kuko niyang walang gupit na may dumi na sumiksik kaya ito nangitim. Ganoon siya kasipag na kahit sarili niya ay hindi niya na naaasikaso. "Napakasipag niyo po. Hindi niyo na nagawang isipin at alagaan ang sarili niyo para makakain lang tayo ng tatlong beses sa isang araw." Umiiyak na sabi ko. "Mahal na mahal ko po kayo, Itay. Magpagaling po kayo...please...gumising po kayo." muli kong pinisil ang kamay niya at dinala ito sa aking labi para halikan ito. Maya maya din ay dumating si Inay. Naibenta niya ang palayan namin para pambayad ng hospital ngunit tila kulang pa. Pagkatapos ng dalawang linggo ay nadagdagan pa ang bill sa hospital kaya ubos rin ang pera na hawak-hawak ni Inay. Pambili ng pagkain at kung ano-ano pa. Habang tumatagal kami sa hospital ay mas lalo rin lumalaki ang bill ni Itay sa hospital. -------- Third Person's POV "KAMUSTA ang pangongompanya mo sa Probinsya?" Hades asked his son Haden. They were all at the dining table. Ngayon lang ulit nakasama ni Haden ang kaniyang pamilya na kumain ng sabay-sabay dahil sa sobrang abala niya sa pangongompanya sa nalalapit na halalan. "It's fine." tipid na sagot niya. "Why do you want to be the Governor instead of just managing our company? Helios needs you. The two of you should run the company." "The company is not my line, Dad. Just let me do what I want to do. I'm already twenty-five years old. Let me decide for myself." "Dapat siguro mag-asawa ka na. Bakit hindi mo pakasalan si Jamaica." "Hades?" kaagad naman na saway ni Athena sa asawa. "Just let Haden decide for himself. Let him choose the woman he wants to marry. Hindi ko gusto ang nasa isip mo, Hades. Ayaw kong ma-arrange marriage ang anak natin sa babaeng hindi niya naman gusto." kaagad na tumutol si Athena sa kagustuhan ng asawa. "What exactly did you do in the Province? Why did you stay there for almost six months? Baka naman may iba kang pinagkakaabalahan sa probinsya, tol." tanong naman ni Helious. Natahimik si Haden. Hindi alam ng mga ito na nagpakasal siya at nauwi rin naman sa annulment dahil ang babaeng pinakasalan niya ay nahuli niyang may katabing ibang lalaki sa kama. Habang kumakain sila ay nagsalita naman ang maid na kapapasok lang sa kusina. "Excuse me po, Ma'am. Ilalagay ko na po ba ang hiring sign na ito ngayon sa labas?" tanong ng maid kay Athena. "Sige po, Manang. Pakilagay na lang po." "Ano 'yon?" kaagad na tanong ni Hades sa asawa. "Umalis kasi ang isa nating maid kaya nagpagawa ako ng sign para maghanap ng bagong maid na papalit kay Michie." sagot ni Athena. Si Michie ang ang kanilang maid na kaaalis lamang. Napatayo si Haden. "Tapos na akong kumain. I need to go. I have a lot of things to do now." paalam ni Haden tsaka nilisan ang dining area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD