Chapter 10
[ Luna Pov ]
10:00am when I woke up.
I check My side to see miguel but his not there,
Thanks god at wala siya, Saan kaya ito natulog?
Hindi ko na alam kung pumasok ba ito kagabi o hindi, dahil nakatulog na ako. Napapaisip tuloy ako kung bakit niya ako hinalikan.
Pero napapaisip din ako sa sarili ko dahil tumugon ako sa halik niya, Tsk Nadala yata ako sa kagwapuhan nito.
Pati ang labi niya napakalambot sobrang lambot talaga, Para bang wala pang nakahalik dito ni isa.
D*mn luna, Bakit mo pa iniisip iyon!
Erase erase na iyon dapat!
Bumangon ako at hinawi ang kurtina para tumingin sa labas, Mabuti na lang at hindi mainit ngayon. Siguro makakapag swimming pa ako.
Nagtungo muna ako sa banyo para maghilamos,
saan na kaya sumiksik ang lalakeng iyon?
Maaga yata siyang naglakad lakad.
Pinilig ko ang ulo ko para makalimutan na ito, kakagising ko pa lang siya na ang unang iniisip ko. Tsk hindi maganda ito, baka magka gusto pa ako sa kanya!
SH*T!
Imbes na siya ang magkagusto sakin ay baka bumaligtad pa! Pagtatawanan siguro ako ni vivian pag nangyari iyon! Dapat siya ang unang mainlove sakin!
Yeah! Dapat siya ang unang magka gusto!
Pero hinalikan niya ako, Imposible kayang wala siyang gusto sakin?
D*MN It! Mababaliw ako kung magiisip lang ako dito! I need fresh air!
Lumabas na ako ng banyo at kumuha ng bikina na dinala ko, Ilang buwan na ba akong hindi nakakapag suot ng swit suit.
Nilock ko muna ang pinto at doon na lang nagbihis, Two peace ito kaya kumuha ako ng cardigan lace para pagtakip saking katawan.
Malinaw lang ang cardigan kaya kita parin ang bikining suot ko sa loob, Type kaya ni miguel ang mga nakabikini?
Dapat magustuhan niya ito,
dapat rin na magustuhan niya ako! Hahaha Am luna nieves villamor swerte na siya kung magustuhan ko ito.
Tinali ko na lang ang buhok ko at agad ng lumabas, Dumiretso na ako sa baba ngunit nalukot ang mukha ko dahil sa nakita.
Kaya pala wala na siya ay nakikipag chitchat na ito sa receptionist! Tsk, Mukha naman palaka ang babaeng yan kung makangiti.
Sarap lagyan ng glue sa bibig!
Inis akong naglakad at balak sanang lagpasan sila ng tawagin ako ni miguel, Tiningnan ko naman ito ng masama.
"Come here.." anas niya pa.
"WHAT! Im going to swim!" asik ko, ngunit hindi nito ako pinansin at muling humarap sa receptionist.
Tang*na siya!
Tumalikod na ako at nagmartsa papunta sa puting buhangin, pabagsak akong naupo sa mahabang upuan at binuklat ang lotion na dala ko.
Nakakaimbyerna siya! Mahilig lang siguro siyang magnakaw ng halik! Napaka manyakis niya kung ganon!!!
"Luna.." dinig ko ang pagtawag nito kaya nilingon ko siya.
Naglalakad ito papalapit sakin at doon ko lang nakita ang suot niya, Nakapolo shirt siya na nakabukas ang butones, Wala itong suot pangloob kaya nakaexpose ang katawan niya.
Terno ang suot niyang summer outfit kaya sobrang hot nito,
D*mn bakit bigla yatang uminit sa pwesto ko.
Lumapit ito at doon ko lang napansin ang shades niyang nakalagay sa ulo niya, Napatingin naman agad ako sa labi nito at naalala kung gaano ito kalambot.
Sh*t,
"Luna enough! Your wasting your lotion.." anas nito na nagpabalik sakin sa reyalidad.
Napatingin pa ako sa kamay ko na puno na ng lotion, maging sa legs ko ay meron na rin!
D*mn it luna, Nakakahiya.
"Buti hindi laway ang tumulo.." bulong nito napatingin naman ako.
"May sinasabi ka?!!" singhal ko, umiling naman ito at umupo sa kabilang upuan.
"Kinausap ko na ang receptionist, at ipapaalam daw nito sa manager niya ang balak natin, Gaya ng sabi ni mam miranda ay dodoblehin natin ang bayad para pumayag sila.." mahaba nitong wika habang kinukuskos ko ang natapon na lotion sa legs ko.
"Okay, but I want a simply party. Simply but rock you know what I mean?!" taas kilay na tanong ko.
"Yes,"
"And I want some lights here.." Turo ko malapit sa dagat, "Kung gusto nilang lumangoy pag gabi na, para naman may kaonting liwanag dito.." ani ko, tumango lang siya habang nakatingin sakin.
"Basta masarap lang ang mga pagkain na ihahanda mo okay na, Gusto ko rin ng barbeque stand para sa mga umiinom.."
"Hmmm." tango na naman niya.
"Nakikinig ka ba? puro ka lang tango! Baka magkasakit ka ng tango diyan!!" singhal ko, ngunit hindi man lang nagbago ang reaksyon niya.
"Natatandaan ko naman, Sabihin mo lang kung may idadag ka pa. Lets go.." tumayo ito kaya napataas ako ng kilay.
"Saan?!"
"Your not eating yet right?" tanong pa nito, naramdaman ko naman ang tiyan ko na nagrereklamo na.
"Tara nagpa handa ako ng pagkain.." tumalikod na siya kaya sinara ko na ang lotion, Buti na lang at hindi pa ako nakakapag lotion sa buong katawan.
Sumunod naman ako sa likod nito kaya nakikita ko ang mga babaeng napapatingin sa kanya, Ngumingiti lahat ng babaeng masasalubong namin at halos nagpapacute sa lalakeng parang model na naglalakad sa harap ko.
Hmm, Gwapo kasi! Tapos pinakita pa ang katawan. Sinong babae ba naman ang hindi mapapalingon dito.
Hindi ito pumasok sa hotel na nilabasan namin kanina kundi lumiko ito at pumasok sa isang magarbong kainan, Napawow na lang ako.
Salamin ang wall at kitang kita dito ang mga tao sa labas, Sobrang ganda maging ang mga table ay salamin except lang sa upuan.
"GoodMorning mam and sir, Have a nice day.." bati ng babaeng sumalubong samin, agad niya kaming iginaya sa upuan na pang-apatan.
"I'll served your food in 5minutes, Excume me.." anas nito at tinalikuran na kami.
"On the way na sila mam miranda.." biglang saad ni miguel, nilingon ko naman siya.
"Okay, ilang days ba tayo dito?"
"Uuwi din tayo bukas.." sagot nito kaya napanguso ako.
"Bukas na agad?" tumingin ito sakin ngunit agad rin niyang iniwas iyon at umayos ng upo.
"Y-yeah, why?"
"Tsk! Sayang naman! Hindi ko man lang naenjoy.." giit ko, kung uuwi na kami bukas dapat magbawi na ako sa tubig kaso nga lang mainit na pala.
"Edi maiwan ka.." sagot nito ngunit hindi parin nakatingin sakin,
"Wala naman akong kasama.." ani ko at sumandal sa upuan, Sakto din naman na sumandal siya kaya nagkadikit ang braso namin.
Hindi naman ako kumibo at nanatiling walang imik, Paano kaya siya bilang boyfriend? Hindi kaya maiinip ang girlfriend niya dahil hindi man lang nagbibigay ng topic.
Tsk, Para talaga siyang robot.
Tumunog naman ang phone nito kaya umayos siya ng upo bago niya iyon sagutin.
"Yes Sir villamor?" tanong nito, tsk close na talaga sila ni daddy.
"Ganun po ba? Okay sir, no problem .." dagdag pa nito umusog naman ako sa kanya para marinig ang pinaguusapan nila.
"Dont worry sir she's he--."
Hindi nito natuloy ang sasabihin dahil sa biglang paglingon niya, Sobrang lapit tuloy ng mukha namin dahil sa ginawa kong paglapit.
D*MN,
"She's here sir.." tuloy nito sa sasabihin habang nakatingin sakin.
"Yes sir, thankyou.." binaba na nito ang tawag kaya medyo umusog ako, Sh*t bakit kumakabog ang puso ko ng ganito kalakas?
Magkakasakit na yata ako sa puso.
"Hindi na daw sila makakatuloy dito.." biglang saad niya kaya napatingin akong muli.
",Why?"
"May problema daw sa kumpanya, hindi ko na natanong kung ano.."
Problema? Ano naman kayang problema doon?
Ngayon lang yata nangyari ito.
Dumating naman ang inorder ni miguel kaya hindi na ako nakasagot, Dahil nga sa pang-apatan ang inorder niya ay sobrang dami ng nakahain.
Paano ko pa huhubarin ang lace ko kung mabubusog ako?
Sayang naman ang outfit ko.
"Let's eat.." anas ni miguel, kumuha lang ako ng seafoods at halos ulam lamang ang nasa pinggan ko, baka mamaya na lang siguro ako magkakanin.
"Aren't you going to eat rice?" tanong niya pa, umiling lang ako dahil may laman ang bibig ko.
"Kaya ang payat mo.." dagdag niya pa, napatingin naman ako dito.
"Hindi ako payat, sexy ako!" asik ko, nakita ko nman ang pag ngisi niya.
D*MN Miguel! Why do you need to smirk in a handsome way, Tsk!
"Just eat luna.." biglaang wika nito kaya napaiwas ako ng tingin,
Argh! Kainis bakit ba lagi na lang akong natutulala dito? Kailangan ko na yata ng salamin!
Tinapos ko na lang ang pagkain ko para mauna na ako sa kanya, Ayaw ko munang mag stay ngayon dito na kasama siya. Baka matulala na naman ako at ano ang isipin niya!
SH*T may hipnotismo yata ang mata niya kaya nagkakaganon ako!.
"Tapos ka na?"
"Y-yeah, Excuse me aakyat lang ako, thankyou for the food." hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmadali ng maglakad palabas.
Naiiling na lang ako habang tinatahak ang daan patungo sa room namin, Bakit kailangan mong magpanic luna?
Bakit nagkakaganyan ka?
Dahil ba yan sa halik niya kagabi?
"F*ck, This can't be!" sigaw ko ng makapasok sa room, dumiretso ako sa gamit ko at kumuha ng sunglasses. Doon narin ako naglotion dahil balak ko na lang magbabad sa pool hanggang mamaya.
May nakita naman akong pool kanina at hindi gaanong mainit sa pwesto nito dahil maraming halaman na nakapalibot.
Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko at humiga muna saglit para pakalmahin ang sarili ko, Mamatay na yata ako ngayon.
Wala naman siguro akong gusto sa kanya diba?
Nakakahiya iyon pag nagkataon na mangyari nga ang iniisip ko, Mas lalo na siyang magyayabang!
Gumulong ako sa kama at sinubsob doon ang mukha ko, Dapat siya ang unang magkagusto sakin e! kung magkakagusto na ako sa kanya failed na ang mission namin ni vivian. Yung mapangiti ko siya at dapat siya ang maghabol sakin!
D*MN Lokaloka pa naman ang babaeng iyon!
Inis akong nagsisipa at muling gumulong ngunit sakto naman na nahulog ako sa kama.
"Ouch sh*t bwist ka miguel!!" inis na bulong ko pa, bumukas naman ang pinto at niluwa nito si miguel na agad tumingin sakin.
F*CK the temptation is here ! Leave me! Leave me!
"Luna what happen?"
"Oppps diyan ka lang!" pigil ko sa pagtangkang paglapit niya, josko tukso leave me!!
"Why?"
"Basta! wag kang lalapit saken!!"
"Huh?" nagtatakang ani niya, tumayo naman ako habang hawak ang aking likod.
"Kasalanan mo 'to e!!" asik ko pa na mas lalong nagpakunot ng noo niya.
"Ako? Anong kasalanan ko?" tanong niya pa, umiling naman ako at nilagpasan na siya para lumabas.
Nakakainis, bakit bigla na lang siyang sumusulpot, Para siyang kabute!
Dumiretso ako sa baba at nagtungo na sa pool, Napatingin pa ako sa paligid dahil marami din tao dito, halos babae lahat dahil nagkalat ang mga hot boys dito sa pool.
Kung nandito lang sana sila vivian at antonette paniguradong may kasama ako, sigurado din na may kalandian na sila ngayon.
Kumuha ako ng floating bed at itinabi muna saglit iyon sa upuan, binitawan ko rin ang hawak kong sunglasses para mahubad ang balot ko.
Naagaw ko naman ang atensyon ng isang hot guy na nakaupo sa gilid ng pool, Marami naman lalake dito ngunit siya ang nakaka-angat.
Ngumiti ito sakin kaya nginitian ko rin siya bago magdive sa pool. Pahaba ang pool na ito at medyo malapad, Balak kong pumunta sa dulo at bumalik muli.
Nang makarating sa dulo ay sakto naman na nandoon na ang poging guy na ngumiti sakin kanina, nakangiti parin ito sakin hangga ngayon.
"Hi miss, Can i know your name?" tanong nito, d*mn bakit ang gwapo naman niya.
Para siyang young version ni aga mulach,
"Yeah, Im luna.." nakangiting sagot ko, nilahad nito ang kamay kaya humawak ako sa gilid ng pool.
"Im Jasper, Nice to meet you luna. Your beautiful.."
"Thankyou.." sagot ko, binitawan ko na ang kamay niya at ngumisi dito bago magdive pabalik sa pinanggalingan ko.
Kukunin ko lang ang floater ko at muling babalik sa kanya
Para naman kahit papaano ay mabura sa isip ko si miguel, Sh*t kung may young version ni aga mulach may young version din na zoren legazpi at si miguel iyon.
F*ck.
Umahon ako ng marating ko ng muli ang dulo ngunit saktong pagmulat ko ay mukha na naman ni miguel ang nakita ko, D*mn anong ginagawa niya dito?
Nakatopless na ito at tanging shorts na lang ang suot niya, nakaupo siya sa inuupuan ko kanina habang nakatingin sakin.
"What?!" mataray na tanong ko, tumayo naman siya at nilahad ang kamay sakin kaya napataas ang kilay ko.
"I'll help you.." anas nito, kaya inabot ko ang kamay niya at hinila ako na para bang isa lang akong papel na bagay.
"Nakausap ko na ang manager maayos na ang lahat.." saad niya pa ng maangat ako, napatingin pa siya sa katawan ko ngunit umiwas rin ito ng tingin.
"Okay, Pwedi na siguro akong maligo dahil wala na tayong aasikasuhin diba?"
"Hmmm." tumango ito at umupo sa mahabang upuan sabay kuha sa cardigan ko, Napapikit naman ako ng itapon niya iyon sa mukha ko.
"Problema mo?!" asik ko, ngunit tumayo ulit siya.
"Hindi ka ba sisipunin sa suot mo? Baka mamaya magubo ubo ka na mahawa pa ako.."
"What? Ang kapal mo ha, paano kita mahahawa hindi naman ako lumalapit sayo!" singhal ko humarap naman siya sakin.
"Magkatabi naman tayong matutulog mamaya.."
"E ano ngayon?! Hindi naman kita hahalikan, makarekl---"
hindi ko na natuloy ang sasabihin ng maalala ko ang nangyari kagabi, Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko namumula ako dahil sa sinabi ko.
D*MN luna, Hindi ka marunog magbanayad sa pananalita.
Hindi ko na ito pinansin at kinuha na lang ang floating bed, Ramdam ko naman na nakatingin siya sakin kaya sinuot ko ang salamin ko.
"Bakit hindi mo muna suotin yan?" tanong niya pa na nakaturo sa lace ko.
"lalangoy pa ako!"
"lalangoy ka sa floater?" tinaas ko naman ang salamin at tiningnan siya ng masama.
"Ano bang problema mo sa suot ko?!"
"Wala, Kasama kita at hinabilin ka sakin ng dad mo, ayaw ko naman na umuwi kang nilalagnat.." sagot niya kaya napataas ako ng kilay.
"Yun lang?"
"Meron pa ba?" tanong niya pa, nanatili naman akong nakatingin dito.
Ang sarap niya talagang kausap kahit kailan.
Umikot lang ang mata ko at muling bumaba sa pool, kung sasabihin niya lang sana na ayaw niya sa suot ko edi okay ang lahat. Once na sinabi niya iyon mapapatunayan kong may gusto siya sakin, pero wala siyang kwenta. Automatic robot talaga ang lalakeng yan!
Lumangoy na ako sa gitna habang nakahawak sa floater nakita ko pa na nandoon pa si jasper kaya napangisi ako.
Magseselos kaya siya kung may kasama akong guy?
Masubukan nga.
Lalangoy pa sana ako doon ng may marinig na nagdive sa pool, nilingon ko ang pwesto ni miguel ngunit wala na siya.
"Huh?" nilibot ko pa ang pool pero wala siya, Saan naman nagpunta iyon.
Sinulyapan ko naman si jasper na may kausap ng lalake, nahiya naman akong lumapit kaya sumakay na lang ako sa floating bed at sinuot ang salamin ko.
Dinig ko naman na may sumipol ngunit hindi ko na ito nilingon, Napapangiti na lang ako habang winawasiwas ko ang kamay sa tubig.
Ngunit hindi pa man ako tumatagal ng limang minuto ng tumaob ang aking floater kaya halos makainom ako ng tubig.
What the H*LL, Who is that?!
Tumaas ako at humawak agad sa pool para kumuha ng hangin, sakto naman ang paglapit ni jasper na nakalahad agad ang kamay.
"Are you okay?" tanong pa nito, inabot ko naman iyon habang hinihingal parin.
Sino ba ang baliw na nagtaob sa floating ko.
Lilingon pa sana ako sa pool ng may sumapol sa mukha ko, Isa iyong puting tuwalya kaya tiningnan ko kung sinong naghagis nito sakin.
Nakita ko naman si miguel na nilagpasan kami habang bitbig ang floating bed ko, D*MN Problema ng Mr'fierce na 'yon? Siya siguro ang nagtaob sakin.
"You know him?" tanong pa ni jasper kaya nilingon ko siya.
"Yeah." sagot ko lang at binalot ang towel saking katawan.
"Boyfriend mo?"
"No, Im single.." ani ko, nakangiti naman itong tumango kaya napatingin pa ako kay miguel.
Ngunit nangunot lang ang noo ko ng makita ang babaeng sumalubong sa kanya, Agad siya nitong niyakap kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko.
"Anong ginagawa niya dito?" mahinang bulong ko pa, bumitaw naman siya kay miguel.
"Imiss you miguel.." dinig kong saad niya, napaismid na lang ako.
Imissyou daw? hahaha, E hindi naman sila.
"What are you doing here selena?" tanong ni miguel kaya napatingin ako.
"Nasabi mo sakin kagabi na nandito ka kaya dumaan muna ako bago umuwi.."
"Tapos na ba ang photoshoot niyo?" tanong pa ni miguel, Photoshoot?
"Yeah, Sayang at hindi mo nakita ang mga beach dress na gawa ko.."
Hmm, Fashion designer pala siya?
Hindi halata.
"Let's go, May pakikita ako.." nilahad niya ang kamay kay miguel kaya napatingin ako doon.
Bakit ganyan ang trato nila sa isat isa?
Matagal na ba silang magkakilala.
Tumango si miguel at inabot niya iyon, napanguso na lang ako habang tinitingnan silang maglakad palayo.
Tsk, Meron pa siyang nalalaman na HINABILIN KA NG DAD MO! Tch! Eng eng niya nakita lang nito ang impakta sumama na!
Leche sila.
"Luna, Hindi ka ba lalamigin niyan? magpalit ka kaya?" biglang tanong ng katabi ko kaya napatingin ako dito.
D*MN nakalimutan ko ng may kasama ako.
Bwist kasi silang dalawa,
Bahala siya kung may selena siya may jasper naman ako.
"Okay, Tara samahan mo ako sa taas.." ani ko, nakangisi naman siyang tumango kaya lumakad na kami.
"Ilan taon ka na luna??" tanong nito habang naglalakad kami.
"Im turning 25 this coming 2weeks.." nakangiting sagot ko, tumango naman siya.
"Matanda pala ako ng isang taon sayo.."
"Ah? 26 ka na?" tanong ko.
"Yeah."
"Okay, dito ka nakatira?" karagdagan tanong ko habang paakyat kami sa second floor.
"Hmm May rest house kami dito pero taga manila talaga ako.."
"Wow, parehas lang pala tayo manila rin ako.."
"Hmm really? Can I get your number para matawagan kita pag nasa manila na ako.." tanong nito kaya natuwa ako, huminto naman ako sakto sa pintuan ng room namin.
"I dont have phone, but I'll give you this number para makuha ko ang number mo.." kinuha ko ang phone nito at sinave doon ang number ni vivian.
"Okay thanks, Hihintayin na lang kita dito.." anas niya pa kaya pumasok na ako sa loob.
"Stop this selena.." napako naman ako sa kinatatayuan dahil sa naabutan ko, nakasandal si miguel habang hinahalikan siya ng babaeng impakta.
Hindi naman ako makapag salita dahil nanatili akong shock sa nakita.
F*CK, Bakit ganito ang naramdaman ko.
",Luna.." agad nitong anas at nagmadaling tumayo, napapakurap na lang ako.
"S-sorry.." naibigkas ko lang at agad ng lumabas, nagtaka naman si jasper ng makita ako.
"Oh hindi ka magbi---"
"Lets go, Maglakad lakad muna tayo.." putol ko sa sasabihin niya at nagpaunang naglakad.
D*MN, Im not jellous right?
"Luna wait.." dinig kong tawag ni miguel ngunit hindi ko ito pinansin, bakit niya pa ako hinahabol para saan. Kainis siya.
"Luna.." nahawakan nito ang kamay ko kaya nahinto ako, kinalma ko naman ang sarili bago siya lingunin.
"Bakit?" tanong ko, hindi ko naman mabasa ang ekspresyon nito sa mukha dahil nanatili itong nakatingin sakin.
"May sasabihin ka?" tanong ko pa, Pinatili kong kalmado ang sarili kahit na mabilis ang pagtibok ng puso ko.
"Hindi ako ang humalik sa kanya.."
"Okay.." sagot ko, bakit kailangan niyang mag explain para saan?
"You dont need to explain, Wala akong pakielam kung sinong kahalikan mo, Gawin mo ang gusto mo.." tumalikod na ako dito at naglakad patungo sa baba, Ramdam ko naman ang presensya sa likuran ko ngunit hindi ko na iyon pinansin.
Paglabas namin ng hotel ay lumiko lang ako sa maraming coconut tree dahil hindi gaanong mainit doon.
"Wait luna, Hindi ka ba muna magbibihis??" nahinto naman ako paglalakad at hinarap si jasper.
"Hindi na, Mainit naman.."
"Saan ka pupunta?" tanong pa nito, nagkibit balikat naman ako at tumingin sa asul na tubig.
"Tara pumunta na lang tayo sa resthouse namin, malapit lang iyon dito.." anas niya pa, Tumango naman ako dahil wala naman akong alam na pupuntahan, Sobrang init din dito.
"Sinong kasama mo doon?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Mga pinsan ko, but dont worry mabait sila.." sagot nito, huminto naman siya sa dalawang palapag na bahay.
"Tara pasok tayo.." binuksan nito ang gate at tumambad sakin ang nagiihaw na mga lalake, may kasama silang dalawang babae na nakaupo.
"Ow, Jasper Where have you been?" tanong agad ng isang babae na maiksi ang buhok.
"Sa pool lang, Btw si luna pala.." pakilala nito sakin, napangisi naman ang tatlong lalake.
"Hello luna, Dapat hindi ka na sumama sa pinsan ko sayang naman ang ganda mo.." anas ng may hawak na pamaypay, natawa na lang ako.
"Mas gwapo naman ako sainyo! Let's go luna doon tayo.."
"Gwapo? saan banda?!" pagaasar pa ng isa, tumaas lang ang gitnang daliri ni jasper bago ako igaya paakyat.
"Pinsan mo lahat iyon?" tanong ko ng paakyat kami ng hagdan.
"Yeah, Tuwing summer nandito kami, ikaw bakit ka pala nandito?"
"Ah, Balak kasi namin arkilahin ang beach resort para sa birthday celebration ko.." sagot ko, nakaakyat naman kami sa second floor at dinala niya ako sa malawak na terace kung saan kita mo ang lawak ng dagat.
"Ang ganda dito.." anas ko pa,
"Hmm, kaya dito sila nagpagawa ng rest house dahil sakto ang view dito, presko at nakakarelax.."
"Wow, I want a resthouse too." nasabi ko na lang,
"Pwedi karin naman mag stay dito kung magbabalik ka pa.." biglang saad niya kaya nilingon ko ito, nakaupo na siya at nakatingin sakin.
"2weeks pa ang balik namin dito, birthday ko na noon."
"Uh, Ganun ba, So invited kami?" nakangisi niyang tanong.
"Oo naman, kung nandito pa kayo.."
"Sure why not, Mabilis naman ang biyahe papunta dito.." sagot niya tumayo ito at pinaupo ako sa stretcher bed.
"Titingin lang ako ng masusuot mo, masyado kang sexy nakakasilaw.." natatawang ani niya, napakamot na lang ako ng ulo at hindi na sumagot.
Kasalanan ni miguel ito, bakit niya pa kasi dinala ang impaktang iyon sa kwarto. Tapos maghahalikan lang pala sila!
Bumalik naman si jasper na may dalang mahabang roba, nakangiwi ito ng iabot niya sakin.
"Wala palang extra clothes yung dalawa kong pinsan, okay na ba yan?"
"Yeah, pwedi na ito.." anas ko at inalis ang towel na nakapalupot sakin, agad kong sinuot ang roba at itinali iyon.
"Kukuha lang ako ng barbeque, anong gusto mong drinks?" tanong niya pa.
"Kahit ano na lang, wag lang wine.."
"Hahahaa, Okay okay.." natatawang ani niya at naglakad pababa.
Sumandal na lang ako sa stretcher at pinagpatong ang aking paa, Nakakarelax nga dito ang sarap matulog.
Hindi ko muna iisipin si miguel, bahala sila kung anong gawin nila doon maghapon.
Pumikit ako saglit at ninamnam ang hangin na humahampas saking katawan.
__
"Luna.."
"Hmmm"
"Luna Gising, gabi na.." napamulat ako ng mata at nakitang madilim na sa paligid, bumangon ako at nakita si jasper na nakalongsleeve at pants na.
"Nakatulog ka kanina kaya hindi na kita ginising, hindi ka ba nagugutom?" tanong pa nito, kinuskos ko muna ang mata bago sumagot.
"Hindi na, babalik na ako sa room namin.." anas ko,
"Hmm, ganun ba? Ihahatid na kita.."
"Sge, Ano na palang oras?"
"Alas siete na, Napahaba ang tulog mo puyat ka ba?" tanong pa nito,
"Yeah, madaling araw na kasi kaming nakarating dito.." sagot ko tumango naman siya
"Sige, tara na para makapag paghinga ka na.." inalalayan na nito akong maglakad kaya sumunod na lang ako.
Nandoon pa kaya ang impaktang iyon?
Tsk! pag naabutan ko pa siya baka makikitulog na lang ulit ako dito, Makaistobo pa ako sa kanila ni miguel.
Malamig na sa labas kaya yakap ko ang sarili habang tinatahak namin ang daan patungo sa hotel, ramdam ko naman ang pag akbay ni jasper kaya tumingala ako dito ngunit hindi naman siya nakatingin sakin.
Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at dumiretso na lang sa loob ng hotel, Nang makapasok kami ay agad akong sinalubong ng receptionist at itinuro ang gawing bar counter.
"Mam kanina pa po siya doon, nakatulog na yata.." anas nito, nilingon ko iyon at nakita si miguel na nakayuko sa hamba ng counter.
Napano yan?
"Sge ako ng bahala.." sagot ko at lumingon kay jasper, tinanggal naman nito ang pagkaka-akbay sakin.
"Dito na lang ako, Thankyou sa paghatid." nakangiting ani ko, tumango naman siya.
"No problem, Tatawagan na lang kita ha?"
"Sure.." nakangiting sagot ko, ngumiti rin siya bago tumalikod at maglakad palabas.
Salubong naman ang kilay kong lumapit kay miguel at kinalabit ito.
"Hoy!" asik ko ngunit nanatili lang siyang nakayuko sa mga kamay niya, Ano bang nangyari dito?
"Miguel, Doon ka nga matulog!" muling gising ko dito, nag angat naman siya ng tingin.
"Luna?"
"Anong ginagawa mo diyan?!" mataray na tanong ko, umayos naman ito ng upo.
"Saan ka galing?" tanong niya pabalik, amoy ko naman agad ang alcohol dito kaya napataas ako ng kilay.
"Diyan lang, bakit ka uminom?!"
"Saan diyan?"
"Basta! Ang dami mong tanong halika na! Nakakaistorbo ka dito!" Inalalayan ko itong tumayo dahil hindi na pantay ang balikat niya.
"Umayos ka ng tayo hindi ka magaan!" reklamo ko pa habang naglalakad.
"Akala ko umalis ka.." anas niya pa, hindi naman ako sumagot dahil inayos ko ang pagkaka-akbay niya.
"Wag kang malikot ihuhulog kita sa hagdan!" asik ko pa habang humahakbang paakyat, Tsk! Ano bang naisipan niya at uminom siya.
"Bakit ba kasi naglasing ka!" sigaw ko pa dito habang tinatahak ang daan patungo sa kwarto.
"Akala ko nga umalis ka."
"So kasalanan ko pa?! Nasaan ba yang girlfriend mo?!" singhal ko at padabog na binuksan ang pinto.
"Hindi ko siya girlfriend."
"Tsk! hindi daw, pero magkahalikan kayo!" pabagsak ko itong hiniga sa kama kaya napasama rin ako.
"Hindi kami naghahalikan, siya ang humalik sakin!"
"Bakit ka niya hahalikan kung hindi kayo!" asik ko, tatayo na sana ako ng bigla niya akong yakapin.
"Bakit nagagalit ka?"
"Im not mad! Asa ka." pinilit kong wag mautal kahit ramdam ko ang bigat ng kanyang kamay sa tiyan ko, hindi ko ito nilingon at para na akong bangkay sa sobrang tigas ng katawan ko.
"Your confusing me.." anas niya pa, nangunot naman ang noo ko.
"Confuse for what?" tanong ko, inalis ko naman ang kamay niya at paatras na sumandal sa headboard.
"About you." sagot nito, gumapang siya at ipinatanong ang dalawang palad sa kama.
"Nagdedeliryo ka ba sa alak!" singhal ko, natawa naman siya.
"Baliw ka!" sigaw ko pa.
"Tsk! I like the way you pissed." nakangising ani niya pa at gumapang ng tuluyan palapit sakin.
"L-lumayo ka nga." nauutal na saad ko, d*mn! napapano ba ang robot na ito at napakadaldal niya ngayon.
"Saan kayo pumunta ng tisoy mo?"
"Tisoy ko?"
"Yeah, Yung tisoy na napulot mo sa pool.." saad niya natawa naman ako, tisoy na napulot sa pool lakas din ng apog niya e.
"Diyan lang kami."
"Saan?"
"Bakit ba?!"
"Just answer me, Can you.." salubong ang kilay nito at talaga naaamoy ko ang magkahalong mint at alcohol sa hininga niya dahil sa sobrang lapit nito.
"Sa rest house.."
"Anong ginawa niyo?"
"Wala! Anong gagawin namin!" sigaw ko pa, hindi naman naalis ang pagkakunot ng noo niya.
"Bakit nagseselos ka?" natatawang tanong ko, lalo tuloy siyang nainis.
"Oo nagseselos ako.."
"H-ha?" nasabi ko na lang, sh*t hindi pa naman siguro ako bingi. tama naman siguro ang dinig ko.
What the H*LL,
why you do this to me miguel. Malapit ng tumalon ang puso ko sa dibdib at sa sahig na lang lumundag d*mn.
Aatakihin yata ako!
"Im confuse about my feelings, and I dont know what is this. Bago siya sakin dibdib, masasagot mo ba ito?"
"W-wala akong alam." tanging nasabi ko lang, mas lumapit naman ang mukha nito sakin kaya napatingin ako sa labi niya.
"Nagsimula ito ng halikan mo ako.."
"Uh? H-hinalikan kita? Kailan, nagiimbento ka ba?"
"No Im telling the truth, And you know what?
Im tempting to kiss you right now.." napalunok naman ako, Sh*t umurong na yata ang dila ko dahil sa sinabi niya. Lalo na ngayong papalapit na siya ng tuluyan.
Napapikit na lang ako ng muling maramdaman ang labi niya, agad nitong hinawakan ang batok ko upang mas mapaangat pa sa kanya.
Maging ang isa nitong kamay ay nasa kabilang pisngi ko at doon nakahawak, Ramdam ko ang puso ko na parang isang malakas na tambol dahil hindi ito kumalma simula ng halikan niya ako.
Kinagat nito ang pangibabang labi ko kaya malaya niyang naipasok ang dila sa loob, napasunod na lang ako sa bawat galaw ng labi niya habang dahan dahan nito akong hinihiga.
Naging mas mainit pa ang halikan namin ng tuluyan na akong mahiga, At para na akong nalalasing sa mga halik nito dahil hinahayaan ko ng haplusin niya ang katawan ko.
Nakaramdam naman ako ng ibang kiliti ng bumaba ang halik nito saking leeg, kaya wala sa sariling napakagat labi ako dahil sa ginawa niya.
D*mn, Ramdam ko ang init na kanyang labi maging ang haplos nito saking katawan. Hindi ko alam kung paano ba naalis ang pagkakabuhol ng roba dahil dama ko ang kamay niyang hinihimas ang aking bewang pataas saking balikat.
Ni hindi niya hinahawakan ang maselan kong katawan, kundi dumadausdos lamang iyon saking balikat pabalik saking bewang.
Humiwalay ito at muling isinara ang aking roba, Nakaawang ang bibig niya at may mapupungay na matang nakatingin sakin.
"Goodnight luna, Lets sleep.." anas nito, humiga siya sa tabi ko at nilagyan ng unan iyon bago ako yakapin.
Napatingin na lang ako sa nakapikit niyang mata habang pilit kinakalma ang sarili.
D*mn
What A Nice Guy.
_____