Chapter 24

4922 Words
Chapter 23 [ LUNA Pov ] Lunes ng Umaga. _ Napakabilis ng nag-daang araw at hindi ko man lang napansin na ngayong araw na ito ang kaarawan ko. Kung hindi pa ako tinawagan ni daddy thru video call ay makakalimutan ko na, Two days ko ng nakakausap si daddy at under medication na sa france si mommy. Natutuwa naman ako dahil kahit papaano ay nakakausap at nakikita ko sila. Malaking bagay na iyon para sakin. "GoodMorning Hija, Happy birthday.." pagkababa ko palang ng hagdan 'yun na ang bungad sakin ni tita elizabeth, Nakabihis na ito at halatang paalis na sila ni tito. "HappyBirthday din hija, Saan mo balak mag celebrate? May lakad ba kayo ni miguel ngayon?" dire-diretsong tanong ni tito dante, Nginitian ko sila "Thankyou po, baka dito lang po ako sa bahay.." sagot ko at inilibot ang paningin. Tulog pa yata si miguel, nakalimutan niya ba ang birthday ko? "Oh no hija, You must celebrate your special day now. imbitahin mo si miguel magdate kayo or pumunta kayo sa beach.." anas ni tita, ngumiti ako ng pilit bago tumango. Tsk, Nakakahiya naman kung ako pa mismo magyaya ng date. Dapat nga batiin niya muna ako pero halatang nakalimutan niya pa dahil tulog pa ito. Alam ko kasi mas maaga siyang nagigising dahil nagluluto pa ito, himala lang na wala pa ang presensya niya sa kusina. "Okay, Mauuna na kami hija, gisingin muna si miguel nasa taas pa yata ito.." saad ni tito at inakbayan si tita elizabeth. "Sge po, Ingat kayo.." "Alright hija, Happybirthday again. May ibibigay ako sayo mamaya okay?" sagot ni tita napangiti naman ako. Napapaisip tuloy ako kung may regalo ba sa'kin si miguel, imposible naman sigurong makalimutan niya dahil siya ang umasikaso sa birthday preparation ko na hindi natuloy. Kinausap niya pa ako last day at sinabing itutuloy niya ang beach party, Hindi ako pumayag dahil siya ang gagastos sa lahat. At lalong hindi ako makakapag celebrate na wala si mommy at dad, Para ko na lang cinelebrate ang pagkasunog ng Pabrika kung itutuloy ko pa. Nagpaalam na sila tita na tutungo na ng restaurant kaya umakyat na ako sa guest room, Pabagsak akong nahiga sa kama at iniisip kung gigisingin ko ba si miguel. "Tsk! Bakit hindi siya magising mag-isa!" yamot na anas ko at pahigang dumapa. Ayaw ko rin siyang gisingin dahil baka maistorbo ko pa siya, at ayaw ko rin pumasok sa kwarto nito dahil naaalala ko lang ang ginawa niya sakin noon. Pinamumulahan ako ng mukha t'wing sasagi iyon saking isip, Buti na lang talaga iyon lang ang surprise niya. Napaka-sarap na surprise nga lang. "D*mn!" Napapikit ako dahil sa naisip sabay bangon sa kama, Nagtingin tingin ako ng damit sa closet at wala na akong masuot kundi iyong ibinigay lang ni tita elizabeth na sleveless dress. Siguro kukunin ko na ang mga damit ko sa mansyon, Halos ulit ulit na lang ang mga sinusuot ko. May tao naman siguro doon. Kinuha ko na lang ang black sleeveless dress at hinagis sa kama, Towel lang ang dinala ko papasok ng banyo dahil balak ko'ng maglagay ng lotion sa buong katawan. May lotion kasi sa banyo at susubukan ko iyon dahil ilang araw na yata akong hindi naglolotion, Puro polbo na lang yata ang ginagamit ko at wala ng iba. Kukunin ko na talaga lahat ng gamit ko sa bahay. Nagmadali na akong maligo para medyo fresh naman ako ngayong birthday ko, kung hindi maaalala ni miguel ang kaarawan ko baka pupuntahan ko na lang si vivian. Buti pa siya binati ako sa message maging si jasper, Si miguel na lang talaga. Tsk. Mabilis ko ng tinapos ang pagliligo at agad kinuha ang towel na nakasabit sa gilid, Pinalupot ko iyon sa katawan at nagmadaling lumabas. "Ay p*tang**a!" halos mapasandal ako sa pinto dahil sa gulat, Nakaupo ba naman sa kama si miguel at nakapandekwatro pang panlalake na wala na naman reaksyon. Sinuri niya pa ako mula ulo hangga paa bago bumalik ang paningin sa'king mata. "Kung makasigaw ka parang hindi ko na nakita iyang katawan mo.." para akong naistatwa dahil sa sinabi niya at halos maibuka ko ang aking bibig at hindi makapaniwalang tumingin dito. "Wag mo akong bigyan ng ganyang reaksyon luna, magbihis ka na." tumayo na ito kaya naitikom ko ang aking bibig, "A-ano ba kasing g-ginagawa mo dito? basta basta ka na lang pumapasok. buti na lang wala akong sakit sa puso.." anas ko, ngumiti siya. "Bahay ko ito, At walang masama kung papasok ako sa kwarto mo hindi ba?" Muli akong napamaang dahil sa narinig "Kahit na bahay mo ito dapat alam mo ang salitang privacy, What if saktong nagbibihis ako tapos bigla ka na lang papasok.." asik ko at napamewang na tumingin sa kanya, muli na naman nitong hinagod ang aking katawan at ngumiti ulit. "Pagmamay-ari ko rin naman iyan.." turo nito sa akin, "Kaya magbihis ka na, hihintayin na kita sa ibaba.." tumalikod na ito at agad lumabas ng kwarto, napapailing na lang akong nagtungo sa kama at marahas na kinuha ang aking damit. "Pumasok lang siya dito para doon, Nakalimutan niya ba talaga ang birthday ko?" naiinis na ani ko habang sinusuot ang dress. "Bahala siya! Hindi ko siya papansinin pag hindi niya ako binati!!" isinabit ko na muli ang towel at nagsuklay na lang ng buhok bago bumaba ng kwarto. Pagkababa ko ng sala ay dumiretso na ako sa kusina at naabutan ko doon si miguel na nagkakape habang may binabasang dyaryo, Sa totoo lang para siyang si daddy. Ganyan na ganyan style ni dad pag umaga e, O halos ng lalake mahilig magbasa ng dyaryo. Tsk kung sabagay mahilig naman pala siyang magbasa. Umupo na ako sa bakanteng upuan na medyo malayo sa kanya, napatingin naman ito sakin. "Bakit?!" pagsusungit ko kaya nangunot ang noo niya. "Dito ka.." sagot nito at binaba na ang dyaryo. "Nakaupo na ako ayoko ng tumayo.." anas ko pa at kumuha na lang ng plato, ang bilis naman nakapaghanda na agad siya ng almusal. Simple lang naman ang niluto niya Itlog bacon at hotdog pero kung ako ang magluluto nito baka abutin ako ng isang oras. "Ahm, may lakad ka ba ngayon?" nag-angat ako ng tingin at medyo umasa ako na baka yayayain niya akong lumabas, nakangiti akong nagkibit balikat. "Hindi ko alam, bakit?" tanong ko pa. "Wala naman, tinatanong ko lang.." halos manlisik ang mata ko dahil sa sinabi niya, What the h*ll hindi niya ba talaga naalala na birthday ko ngayon?! "Hindi mo ba alam ang araw ngayon?!" medyo inis ko ng tanong, "Lunes ngayon.." kalmadong sagot niya pa at sumimsim ng kape, Bwist Namimilosopo ba siya. "Alam ko'ng lunes ngayon, Ang itinatanong ko hindi mo ba alam na may special day ngayon?!" galit ng tanong ko, kinuha nito ang dyaryo at may binasa na hindi ko alam. "50th death anniversarry ni Pangulong marcos ngayon.." napapikit ako dahil sa sagot niya, Tang*na niya. Bahala siya, "OKAY!!" Singhal ko at halos idikdik ko na ang hotdog sa sobrang pagka-irita. Sarap niya lang batuhin ng kutsara! Nakakaleche siya. "Hindi ka ba maiinip dito sa bahay? Baka gusto 'mong magshop---" "No thanks." putol ko sa sasabihin nito "Nagbago na ang isip ko, pupuntahan ko pala si vivian.." sagot ko at binilisan ang pagkain. "Buong maghapon ka ba doon?" "Oo" sagot ko agad at mabilis na uminom ng tubig, tatayo na sana ako ng tumikhim siya. "Pupunta ako mamaya doon, itetext kita.." "Bahala ka gawin mo ang gusto mo.." tumalikod na ako at muling umakyat sa kwarto, Nakakainis siya hindi niya man lang ako binati ng happybirthday. Kahit man lang 'HOY HAPPYBDAY" wala. Nakakagigil! Padabog akong pumasok ng banyo at muling nagtoothbrush, pagkatapos ay agad ko ng kinuha ang cellphone at susi sa sidetable. Makapunta na nga lang kay vivian! Baka ano pang magawa ko sa kanya pag tumagal pa ako dito. "Hey luna uhahatid na kita.." habol nito sa'kin ng dire-diretso akong maglakad palabas, hindi ko ito pinansin at pabalang na binuksan ang kotse. "Sandali lang.." pinigilan ako nito kaya nilingon ko siya ng masamang tingin. "Problema mo?!" asik ko, huminga siya ng malalim. "Ihahatid kita doon." "E sa ayaw ko, marunong naman akong magdrive.." giit ko pa at sasakay na sana ng muli niyang hawakan ang braso ko. "Isa pa sisipain na kita!" iritableng anas ko ngunit tumawa lang siya. "Susunduin kita mamaya kaya ako ng maghahatid sayo.." "At bakit mo naman ako susunduin? Marunong naman akong umuwi.." binawi ko na ang braso ko at tuluyan ng sumakay sa kotse, pinigilan nito ang pinto kaya halos mapasigaw siya dahil sa pagkaipit. "F*ck.!" mura nito habang nakahawak sa kamay niya pinagtaasan ko siya ng kilay. "Tsk.." lumabas akong muli at pabagsak na sinara ang pinto. "Akina nga!" tiningnan ko ang kamay nito at doon ko nakita ang kuko niyang namumula, tsk'yung mga kuko niya pala ang naipit. "Bakit mo kasi hinarang ang kamay mo?!" naiiritang tanong ko, ngumiwi ito habang nakakunot ang noo. Tsk, kung hindi ka lang gwapo kanina pa kita iniwan dito! Haysss! bakit ba hindi ko matiis ang kagwapuhan niya. "Nagagalit ka kasi sa'kin.." halos matawa ako dahil sa itsura niya, iniwas ko pa ang tingin at naiiling na tumingin sa daan. "May nakakatawa ba?" tanong pa nito kaya napaharap ako. "Ang cute mo lang kasi.." anas ko, kinagat niya ang labi at agad isanandal ang dalawang palad sa kotse. "So hindi ka na galit?" tanong nito habang nakatitig sa'kin, nasa pagitan ako ng kamay niya kaya halos magkalapit lang ang mukha namin. "Galit parin ako.." tugon ko sabay cross arms, napatingin ito sa dibdib ko na medyo lumitaw kaya ibinaba ko ang aking kamay. "Pupunta ka doon na nakabistida lang?" kunot noong tanong niya, "Oo bakit, masama ba?" "Hindi naman, pero kaonting galaw mo nakikita ko na ang dibdib mo. Paano kung humangin ng malakas? Nagshort ka man lang ba?" muli niyang tanong na hindi nawawala ang pagkakunot ng noo. "Wala akong short dito.." "Ano?! Nakapanty ka lang ngayon? bakit hindi mo palitan yan?!" "Wala akong damit, kukunin ko palang mamaya.." mabilis na sagot ko at tinulak siya ng bahagya para dumistansya sakin, hindi ito nagpatinag at mas lalo pa siyang lumapit. "Okay, Pero sa susunod wag ka ng lalabas na ganyan ang suot." "Okay.." sagot ko. "At sa salon ka lang pupunta ngayon, Wag kang gagala na ganyan ang suot, luna.." "Oo na nga! Umalis ka na diyan." "Hindi ka na galit?" muli nitong tanong kaya sinamaan ko siya ulit ng tingin. "Galit parin ako miguel, Hangga't hindi mo nalalaman kung anong special day ngayon hindi mawawala ang galit ko!" asik ko pa at lulusot sana ako sa kamay nito ng ibaba niya iyon. "Sinabi ko na nga kanina di'ba?" anas niya pa kaya napairap ako, "Oo na umalis ka na diyan." "Wait lang.." pigil pa nito sakin kaya napakamot ako sa ulo. "Ano na naman." "Are you not going to kiss me before you leave?" tanong nito kaya napaismid ako, "Fine.." dinampian ko siya ng halik sa pisngi na kinasama ng tingin niya. "What's that? I'm not your daddy or tito to give me that smack kiss in cheeks.." yamot na anas nito kaya napailing ako, ang lakas humingi ng halik e nakalimutan niya naman ang birthday ko. "I don't know what kind of kiss do you want, Kaya yan na lang." "Tsk.." "Alis na!" "Sandali nga lang.." isinandal niya na ako ng tuluyan sa kotse habang nakahawak sa balikat ko. "If you don't know what I want, So let me show you what is it." wika niya pa at walang atubili akong hinalikan sa labi. D*mn kung hindi ko lang talaga gusto ang robot na to kanina pa ako nakaalis, pero palagay ko hindi na naman ako makakaalis nito. Halik pa lang yan luna pero parang napawi na ang galit mo. "Ouch!" asik ko ng kagatin niya ang dila ko, "Whats that for!!" yamot ko'ng tanong. "Nanggigigil ako luna.." anas nito at muli akong hinalikan, Sh*t anong klaseng gigil ba yan. "Sh*t miguel stop.." pigil ko ng bumaba ang halik niya saking leeg, "Why?!" tanong nito. "Nasa labas tayo!" singhal ko ngunit tumawa lang siya at hinapit pa ang likuran ko para madikit sa kanya ng tuluyan. "Edi doon tayo sa kotse.." "T*ng*na!" mura ko ngunit ngumisi lang siya at halos manlaki ang mata ko ng hawakan nito ang pang-upo ko. "D*mn, I said stop it napakamanyak mo!" "Hindi ako manyak, luna." anas nito at muling ngumisi "What?!" "Kung manyak ako edi nakatanggap na ako ng sampal, pero gusto mo naman d'ba?" "Wha the h*ll.." nasabi ko na lang at nag-iwas ng tingin. "Sige na, pupuntahan kita mamaya.." bumitaw na ito kaya nakahinga na ako ng maayos, Bwist siya. "Uuwi din naman ako kaya wag muna akong puntahan." usal ko at sumakay na ng kotse, "Pero pupuntahan pa rin kita.." "Bahala ka.." ani ko at sinara ang bintana bago paandarin ang kotse paalis. Hindi niya man lang talaga ako binati, Tsk. Saktong alas nuebe ng makarating ako ng salon. Agad akong pumasok sa loob at halos mapataas ako ng kilay dahil nakita ko si antonette doon na maarteng nakaupo. "Ow, The birthday girl is here. Happybirthday!" masiglang bati niya sabay tayo at lumapit sa'kin para yumakap. "Bakit salubong ang kilay ng birthday celebrant." anas ni vivian habang binibilang ang mga oxidizer sa box. Naupo ako sa mahabang sofa ng bumitaw si antonette. "Hulaan ko hindi ka naka-score kay miguel 'no?" tanong ni antonette, sinamaan ko siya ng tingin. "Tigilan mo ako, wala ako sa mood.." "Wew," sabat ni vivian habang si antonette ay tumawa lang. "Anyare ba ha?" usisa ni vivian at lumapit sa akin. "Naiinis lang ako kay miguel." sagot ko at saka sumandal sa sofa "Bakit?" chorus na tanong nila kaya napailing ako. "Nakalimutan niya kasi na birthday ko, hindi man lang ako binati.." tumawa sila sa sagot ko kaya napairap akong umayos ng upo. "HAHA kaya pala, E baka naman may pa-surprise si papa miguel mo.." natatawang ani ni vivian ngunit nagkibit balikat lang ako, kahit wala ng surpresa ayos lang naman. Hindi na ako naghahangad ng materyal na bagay ngayon, ewan ko ba nagbago na yata ang pananaw ko sa buhay simula ng mangyari ang insidente sa pabrika. "Yeah vivian is right, malay mo may dinner date kayo mamaya tapos mag a-advance honeymoon na rin hahah---. ouch sh*t luna ang sakit 'non ha!" anas pa ni antonette dahil bigla ko siyang binato ng hair brush, bastos talaga sila ni vivian. "Anong honeymoon kasing pinagsasabi mo riyan!" asik ko pa, nakangiwi itong nakatingin sakin habang himas ang kanyang ulo. "Malay mo lang naman di'ba? Ayaw mo 'non hindi ka na virgin." "Shut up!" singhal ko dito ngunit tumawa lang siya. "Hindi pa siya a-abot sa level 3 antonette, dahil nasa level1 palang 'yan.." sabat ni vivian at kinuha ang suklay na binato ko. "Ang hina naman nv charms ni luna e." pag'aasar sakin ni antonette kaya nginisian ko siya. "Wala na ako sa level 1." pagmamalaki ko sa kanila. "At hindi pa kami aabot sa level 3 dahil masyadong gentle si miguel hindi katulad ng mga first time niyo.." ganti ko at umayos ng upo, "Paano ba ang pagka gentle ni miguel share mo naman.." wika ni vivian habang si antonette ay nagtungo saking tabi at tinataas ang dalawang kilay. "Mga letse kayo! Sa'kin na lang yon!" giit ko ngunit umiling lang sila at pinagitnaan ako. "Dali na sasabihin mo lang naman e.." anas pa ni antonette, napailing na lang ako dahil sa kakulitan nila.. "Fine.." wika ko sabay buntong hininga. "Nung una kasi haplos lang ang ginagawa niya e.." pagkukwento ko pa ngunit tumawa lang ang mga lok*. "Shockss! Hahaha haplos? What the h*ll ano yan lolo mo? HAHAHA!" Tawa ni vivian kaya hinampas ko siya sa braso. "Nung una nga di ba!" asik ko, tsk totoo naman nung una humahaplos lang siya sakin e. Noong nasa cebu kami yun ang natatandaan ko. "Osge sge continue.." sabat ni antonette, bwist talagang mahilig talaga sila sa topic na ganito e. "Tapos noong tumagal medyo may gigil ng kasama basta hindi ko ma-explain.." saad ko pa kaya napakamot sila ng ulo. "Okay tapos? pinasok na ba niya? Ano?" tanong ni antonette kaya halos mapatayo ako. "Ofcourse no! Sinabi ko naman sa inyo na gentle siya tsk! Hindi siya gaya ng mga naging first niyo iba si miguel.." asik ko at naupo malayo sa kanila. "Huh, ang hina naman ni miguel 'yung first ko kasi hindi siya gentle masyado siyang marahas kaya pasok agad.." halos mapaismid ako dahil sa sinabi ni antonette, malibog talaga. "Sa mukha pa lang ng ex mo na 'yon makikita munang manyak siya e! hindi na ako magtataka kung pumasok siya agad.." tawa pa ni vivian kaya nakatanggap siya ng kurot kay antonette. "Tsk! Kahit na! E ikaw nga ngayon palang yata may nangyari sa inyo ni rex sa tagal niyo ng magkarelasyon. Siguro nagpatuli pa siya kaya na-late." pag'aasar din ni antonette dito kaya napailing na lang ako, mga baliw talaga. "Chee! Hindi supot si rex no! nahahawakan ko kaya iyon kahit pa hindi kami nag ses*x noon and take note naka-apat na kami.." halos takpan ko na ang tenga ko dahil sa naririnig, mga letse talaga! "Hindi ba kayo titigil diyan!" sabat ko na kaya napatingin sila sakin, "Si luna talaga parang inosente e, Ayaw mo ba ng topic?" anas ni antonette kaya tumayo ako. "Hindi na nga ako inosente! kaya pag hindi na ako virgin bukas humanda kayo saken dahil kasalanan niyo!" "Wow." namamanghang wika nilang dalawa sabay palakpak. "Tsk, tara! Ilibre niyo ako sa labas!" asik ko kaya mas lalo silang napapalakpak. "Ikaw ang may birthday tapos kami manlilibre? Wow ayos ha?" anas ni vivian, Nagcross'arms ako bago sumagot "Kung hindi lang ako nagtitipid nilibre ko na kayo! At saka may sahod pa ako sa'yo!" turo ko kay antonette kaya napaturo din siya sa sarili niya. "Sa'kin?" takang tanong nito. "Oo di'ba? Nakapag duty ako ng isang gabi remember?" "Ah iyon ba? Tsk sige na nga! Pero ikaw lang ang lilibre ko ha?." saad niya pa at tumingin kay vivian, Ang yayaman nila pero kuripot. "Oo na!" sigaw ni vivian sabay tayo "Wag kang pupunta dito para sa libreng hot-oil ha!" "Okay, wag ka rin pupunta sa bar para sa libreng wine!" Napapailing na lang ako at hinayaan silang magtalo bago lumabas ng salon, Nang dahil sa topic nila kanina nagsumbatan pa ang dalawa. mga baliw talaga, Sumakay na ako sa kotse at doon na lang hinintay ang dalawa, nakita ko silang papunta na dito kaya binuhay ko na ang makina ng sasakyan. "Take out tayo ha?" anas ni vivian kaya humirit si antonette. "Anong take out? saan tayo kakain? Diyan sa salon mo?!" "Hinde! kung gusto mo doon ka sa edsa sa gitna ng daan!" sakristong sagot ni vivian kaya napailing na lang ako at pinaandar na ang sasakyan. Bahala sila, Gusto ko ng pasta ngayon kaya tutungo na lang ako sa restaurant ni miguel, Nandoon naman siguro siya. Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakarating na rin kami sa restaurant, Nauna akong bumaba kasunod ng dalawa na halos hindi pa tapos sa pagtatalo. "Ang baho naman talaga sa salon.." asik ni antonette habang naglalakad paikot ng kotse. "Nasa loob naman tayo ng salon antonette, so don't be maarte okay!" "Hoy hindi pa ba kayo tapos?! Kanina pa yan ha.." pagsingit ko na para matapos na ang bangayan nila. "Dito tayo.." dagdag ko pa at naglakad na papasok. "Di'ba restaurant ito ni miguel?" tanong ni vivian ng makapasok kami. "Oo.." sagot ko habang nililibot ang paligid at nagbabakasakaling makita si miguel. "Wow sa kanya pala ito? Dito kami kumakain madalas nila mommy e.." anas ni antonette ngunit hindi ko na siya sinagot. Baka nasa kusina siguro siya. Naglakad na ako sa bakanteng upuan at agad namang may lumapit na waitress samin kaya nagtanong ako dito. "Nasa loob ba si miguel?" tanong ko, naupo sila vivian sa harapan ko. "Kakaalis lang po niya maam kasama si chef hulyo.." sagot nito kaya napanguso ako, saan kaya sila nagpunta? "Okay.." nasabi ko na lang sabay kuha sa menu na hawak niya, inabutan niya rin sila vivian kaya kanya kanya kami ng pili para samin. "For take out po.." wika ni vivian ng matapos kaming um-order, wala naman nagawa si antonette kundi pumayag na lang. Pumayag narin ako sa take out dahil wala din naman si miguel, Napaka-swerte niya talaga dahil kahit nakalimutan niya ang birthday ko ay hinahanap ko pa rin siya. Buti na lang talaga malakas siya sa'kin. Halos ilang minuto rin kaming naghintay dahil madami dami din ang in&order nilang pagkain, Kaya ng makuha namin ang mga order ay agad na kaming naglakad palabas para bumalik na sa salon. Hindi kasi pwedi si vivian kumain sa labas dahil dayoff ng dalawa niyang empleyado, may deliver din siyang chinicheck kaya doon na lang siya nagyayang kumain. "Wow luna, Nagpapataba ka na ba ngayon? dami niyan ha.." namamanghang anas ni antonette habang nakatingin sa mga in-order ko. "Nagugutom lang ako dahil hotdog lang ang kinain ko kaninang umaga.." sagot ko at hinalo na ang pasta. "Ow haha, Nakakain ka pala ng hotdog pero salubong parin ang kilay mo.." natatawang wika ni vivian at agad tumayo dahil alam niyang makakatanggap siya ng batok sa'kin. "Yang bibig mo vivian masyadong pasmado!" asik ko kaya natawa rin si antonette. "Pasmado ba ang bibig ni vivian? Oh yang isip mo lang ang masyadong berde? HAHAHA!" "Oo nga.." giit ni vivian sabay upo, "Ano bang hotdog ang iniisip mo. Ako kasi yung hotdog na may cheeze e" Napailing na lang ako at sumubo na lang ng pagkain, alam ko naman ang tinutukoy nila masyado lang talaga silang mapang-asar. Kung hindi ko lang talaga sila kilala mapapa-walkout ako dahil sa ugali nila. Masyadong malibog. Hindi ko na lang sila pinansin at hinayaan na lang silang inaasar ako, Magugutom lang ako sa kanilang dalawa kaya kakain na lang ako. Nauna akong natapos sa kanila dahil marami pa ang kwentuhan nila kesa sa pagkain, Nagtataka nga ako kung bakit magkasundo na naman sila. kanina lang malapit na silang magsabunutan kung hindi lang ako umaawat sa usapan nila. Magkasundo talaga sila pagdating sa kabaliwan. "Luna may tanong ako.." biglaang saad ni antonette habang nakaharap sa salamin, katabi niya si vivian na nagreretouch din. "Basta walang halong kabastusan.." sagot ko habang nakahiga sa mahabang sofa, "Seryoso ito 'no.." asik nito tumango lang ako at naghihintay sa tanong niya. "Nag i loveyou na ba sa'yo si miguel?" tanong nito napatingin pa ako sa kanya pero abala itong nag-aayos sa harapan ng salamin. "Hindi, kailangan pa ba 'yon?" tugon ko, humarap ito habang may hawak na eyeliner. "Ang alam ko oo.." anas niya, sumingit si vivian. "Ofcourse yes!" maarteng sabat niya habang tinatali ang buhok "Saying I love you is the most important, Alam niyo ba 'yan ang magic word ni rex pag nagtatampo ako sa kanya.." dagdag pa nito at hinawi patalikod ang nakatali niyang buhok. Napaisip ako dahil doon, Importante pa ba 'yon? Pero hindi pa nga nasasabi ni miguel ang salitang i love you. Pero nararamdaman ko naman na mahal niya ako, "Si neil kasi hindi niya pa sinasabi sa akin 'yan." asik ni antonette habang nakatingin sa repleksyon ng salamin. "Ayaw ko naman maunang mag i loveyou! Nakaka-asiwa!" "Pero malambing siya sayo di'ba?" tanong ko mabilis itong tumango. "Oo naman, kung sa lambing lang sobra sobra na bagay nga sa kanya ang kurso niyang civil engr.." "Civil engr. siya?" tanong ko pa, tumango ito. "Yes, electric engr. kaya halos kuryentihin na ako sa kilig dahil sa kanya!" napailing ako dahil naisingit niya pa iyon sa seryosong usapan, Hindi niya talaga maiwasan kahit kailan. "Kung wala siguro akong rex baka pinatulan ko na si giovanni.." sabat ni vivian, napataas ako ng kilay. "Si giovanni? ano 'yan magkaibigan featuring magkaibigan?" tukoy ko saming tatlo, natawa si antonette. "Wala naman masama di'ba? ayaw mo 'non magbabarkada lang ang jowabels natin.." "Hindi ko alam, pero halatang hindi naman siya type ni vanz ang gwapo kaya 'nun." anas ko kaya napanguso si vivian, gwapo naman talaga si giovanni. lahat yata ng kaibigan ni miguel gwapo lalo na 'yung may malaking bahay. Pero para sa'kin mas gwapo parin si miguel, "May doctor ka na kasi humaharot ka pa! Ayaw mo ba 'non, May standard ang mga boyfriend natin tingnan mo si luna chef ang sa kanya sa akin naman engr. Saan ka pa!" wika ni vivian, halatang proud na proud sa boyfriend niya. "Tsk! E baka naman may kinukuryenteng iba si neil mo, kung maipagmalaki mo siya e wala pa naman kayong isang buwan!" pang-aasar ni vivian kaya tumalikod na ako sa kanila at humarap sa sandalan ng sofa. Mag-uumpisa na naman ang bangayan nila panigurado. "What the f*ck vivian! don't judge my boyfriend okay! Bakit hindi mo na lang bantayan yang doctor mo dahil kung sino sino na lang ang kinakapaan niya!" "Anong kinakapaan?" tanong ni vivian, "HAHAHA! Di'ba doctor siya, At kung sino sino na lang ang mga kliyente nitong pumupunta sa clinic niya para lang magpakapa ng dibdib, Hindi na ako magtataka kung may kasama ng pagmasahe yun e!" napailing ako at pumikit na lang dahil sa asaran ng dalawa, Bakit ba pagdating sa mga lalake nag-aaway sila. "Hindi naman ganon si rex 'no." anas ni vivian, halata sa boses niya na natalo ito sa pag-aasar ni antonette. "E hindi mo naman siya nakikita, Next time nga magpapakapa din ako kay rex. Parang may bukol banda dito e.." humarap ako sa kanila at nakita si vivian na halatang napipikon na. Tsk ang lakas kasing mang-asar talo naman. "Bakit hindi mo na lang ipakapa kay neil.." sabat ko natatawa siyang lumingon sa'kin. "Nakapa niya na kagabi kaso nga lang nauwi sa ano e!" napailing ako dahil sa walang kwenta niyang sagot, Napaka-manyak talaga. "Tsk edi magpaka ka kay rex, Magpapakuryente na lang ako kay neil! HAHAHA!" "D*mn you vivian! Don't you dare.." "E bakit ba?!" "Subukan mo lang.." pagbabanta pa ni antonette kaya natawa na lang si vivian, mga baliw talaga. "HAHAHA I'm just kidding antonette." "Kidding mo mukha mo!" "HAHAHA OKAY!" tawa ni vivian, napamulat ako ng may tumama sa mukha ko. "What the h*ll vivian!" sigaw ko dahil binato niya ako ng maliit na throw pillow. "Natutulog ka kasi e! Itatanong ko sana kung seryoso ka na ba kay miguel.." "What do you mean?!" takang tanong ko at nanatiling nakatihaya sa sofa. "Kung nafall ka na talaga sa kanya, Di'ba isa lang yan deal?" sagot nito at humarap na sa salamin. Napataas ako ng kilay. "Anong deal?" "Nakalimutan mo na? Di'ba napagusapan natin noon na dapat siya ang maunang mainlove sa'yo tapos nakipag pustahan ka pa sa akin na mapapangiti mo siya.." napatingin ako sa kisame dahil sa sinabi niya, nakalimutan ko na iyon at alam ko'ng hindi na ito basta deal. In-love na talaga ako sa kanya. "Di'ba naiinis ka kasi sa kanya dahil napaka-cold niya sa iyo? kaya nakipag pustahan ka sa'kin na siya ang maghahabol at mauunang mafafall nakali---" nahinto si vivian sa pagsasalita kaya umupo ako at tiningnan siya. "Tapos?" tanong ko pa ngunit shock na ito at nakatingin sa pinto, lumingon ako doon at halos manlaki ang mata ko ng makitang nakatayo doon si miguel. Sh*t, Anong ginagawa niya diyan? "M-miguel.." kinakabahang anas ko sabay tayo, Napatingin pa ako sa hawak niyang malaking teddybear at tatlong pulang rosas. "K-kanina ka pa?" "Yeah.." sagot nito, napalunok ako dahil sa lamig ng tingin niya. Kanina pa siya diyan, so narinig niya yung sinabi ni vivian. "B-bakit hindi ka nagtext?" "I call you many times, luna." mabilis na sagot nito kaya napalingon ako sa paligid para hanapin ang bag ko, d*mn nakalimutan ko pala iyon sa kotse. "Oh sorry." nasabi ko na lang dahil hindi mawala ang tingin niya sa'kin. Kinakabahan talaga ako ngayon, "Oh.." anas nito at inabot sa'kin bigla ang hawak niya, Sa sobrang laki ng teddybear ay halos yakapin ko na ito at hindi alam kung paano pa titingin sa kanya. "Happy birthday.." sabi niya pa at halos silipin ko ito sa ulo ng teddybear ngunit nakita ko na siyang tumalikod at naglakad na palabas. F*ck, mura ko sa isip at sinundan ito sa labas. Napatingin sa'kin ang mga empleyado ni vivian na nakasilip na sa pinto at halatang sinundan nila ng tingin si miguel. "Si maam luna pala ang girlfriend niya.." "Wow ang swerte naman ni maam." "Pero baki nakasimangot na si pogi? kanina lang nakangiti siya ng pumasok.." Napapikit ako dahil sa huling narinig at naglakad na ng tuluyan palabas ng salon, siguradong narinig niya ang sinabi ni vivian kaya umalis na lang siya bigla. Bwist, napaka-daldal naman kasi ng babaeng iyon. "Miguel!" sigaw ko pa ngunit hindi ko na siya naabutan dahil mabilis na itong nakasakay sa kotse. "Wait miguel.." tawag ko pa pero pinaharurot na nito ang kotse at mabilis na minaneho iyon paalis. "D*mn it!" nagmadali akong sumakay sa kotse at nilagay na lang sa likuran ang binigay ni miguel. Hindi ko na alam ang iisipin dahil sa kabang bumabalot sa dibdib ko, What if narinig niya talaga at isipin niya bigla na pinaglalaruan ko lang siya? Sh*t hindi maaari! Totoo itong feelings ko sa kanya ngayon, at ang usapan namin ni vivian noon ay kinalimutan ko na. Napapikit na lang ako sa kaba at tinahak ang daan patungo sa bahay nila. All this time alam niya na birthday ko ngayon, Hindi niya talaga nakalimutan ang araw na ito at balak niya lang akong supresahin. D*mn, Ang tanga mo lang luna! _____ To be Continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD