Chapter 29
Luna Pov.
Mula sa gilid ay tanaw ko ang mga hardenerong abala sa kani-kanilang gawain, Sa sobrang lawak ng hardin ay hindi pweding dalawa lang ang mag-asikaso dito.
Hindi ko alam na sobrang yaman pala ni don fabio, Matapos malaman ang lahat ay hindi na ako nagtanong pa ng iba. Nagpa-alam na rin kasi si tita na babantayan pa ang senior, Hindi ko tuloy maiwasan isipin ang napag-usapan namin kanina.
How can I convince miguel kung siya mismo ay ayaw niya, I don't have any idea.
"Narito ka lang pala." bumaling ako sa gilid ng may magsalita.
"Miguel." I faced him, he still in serious aura tingin pa lang napaka-suplado na. Kung hindi mo siya kilala mahihiya ka pang kausapin ito.
"What are you doing here?" He walked towards on me, Nakapamulsa at binalingan pa ang mga hardinero na halos kasising-edaran niya lang siguro, O di kaya mas matanda pa sa kanya. Hindi naman nalalayo sa edad namin.
"W-wala naman, Pinapanuod ko lang sila."
"Mukhang nag-eenjoy kang manood sa kanila." tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya, don't tell me pagseselosan niya pa ang mga hardenero.
"Pinagsasabi mo."
"Wala." he mocked in irritation, Bumuntong hininga bago tumingin sa paligid. "Change your clothes pupunta tayo sa kaliwang dako." napayuko ako sa damit ko, I'm still wearing the simple dress hindi naman malaswa bakit papalitan pa.
"Kailangan ko pa bang palitan?" I asked, Tumingin siya sakin.
"Hindi naman, pero baka hindi ka kumportable mamaya."
"Saan?" takang tanong ko,
"Basta." anas nito, tumalikod. "Follow me." naglakad siya ngunit hindi ito pumasok sa loob, sumunod ako dito kahit hindi ko alam kung anong gagawin niya.
Lumiko siya sa gilid ng bahay mukhang patungo sa likod, Nang makarating doon ay may lumapit saming lalake na medyo may kaedaran na.
"Sir migu--"
"Don't call me sir mang mario." putol nito sa matanda, ngumiti ito at tumango.
"Ayos na ba?"
"Oo si-." ..nahinto siya, hindi nito alam kung anong itatawag sa kausap "M-miguel." dugtong niya napakamot sa batok.
"Kukunin ko lang saglit doon." wika ng tinawag niyang mang mario, Umalis ito at hindi ko alam kung anong kukunin niya.
"A-anong kukunin niya? Hindi ba natin gagamitin ang pickup?" Sunod sunod na tanong ko, umiling ito.
"Iba ang sasakyan natin." He answered half smiling, hindi na ako nakapag-tanong dahil dumating na si mang mario.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung anong hila niya, Agaran akong pumunta sa likod ni miguel nagpapalit palit ang tingin sa hawak ni mang mario at sa kanya.
"Hindi ako sasakay diyan!!" I declaired, Mariing nakakapit sa tshirt ni miguel.
"Why?." lumingon ito sakin, natatawa sa reaksyon ko. "Yan ang sasakyan natin para maka-ikot tayo ng maayos." Umiling ako at tumingin sa kabayo.
"Ayoko! Tingnan mo nga siya!" Tinuro ko ang kabayo na nakatingin sakin "Ang sama ng tingin niya, baka ihulog niya pa ako mamaya!" I heard him chuckled, they both laughing dahil sa inasta ko.
"This is the natural reaction of horse luna, hindi ka naman kakainin niyan." Miguel said, nanatiling nakangiti sakin. Makailang iling ang ginawa ko.
Ngayon lang yata ako nakalapit ng malapitan sa kabayo, Never pa akong nakahawak nito lalo na nakasakay. D*mn, Baka himatayin lang ako pag sumakay ako diyan.
"Hindi ako sasakay diyan"Mariin kong turan, binitawan ko ang damit niya. "Hindi na lang ako sasama kung yan ang gagamitin natin." Tumalikod na ako at nagmartsa paalis, hindi pa man ako nakakalayo ng tawagin ako ni miguel.
"Luna wait." He hold my wrist, hinarap niya ako ngunit nanatiling masama ang tingin ko sa kanya.
"Wala ka bang tiwala sakin? Hindi naman kita ihuhulog doon."
"Ayoko nga!"
"Trust me okay." anas nito, Seryoso na siya at hindi na nakangiti. Nabaling muli ako sa kabayo, hindi na ito nakatingin sakin.
"Fine!." I said defeated, Napabuntong hininga ako. "Pero once na nahulog ako diyan uuwi na ako ng manila ha! miguel." banta ko pa, naiiling nitong hinila ang kamay ko papalapit sa kabayo.
"Hindi ko alam na takot ka pala sa kabayo."
"Tch!" asik ko sabay ikot ng mata "Ngayon lang ako nakalapit sa kabayo." binitawan niya ang kamay ko at hinimas ang leeg ng kabayo na tila kilala na si miguel, medyo lumayo ako dahil baka bigla na lang siyang sumipa at tumilapon pa ako.
"Come here, I put you on top." baling nito sakin, hindi gumagalaw ang kabayo dahil mukhang napaamo niya na.
"Marunong ka bang mangabayo?" tanong ko, tila nagdududa pa. Ngumisi ito sakin na parang isang kalokohan ang magtanong sa kanya ng ganoong bagay.
"Ofcourse luna, Marami pa akong kayang gawin." pagmamayabang nito, O edi siya na ang perfect.
What did I expect si miguel sandoval ito, Kaya niya pa nga yatang magluto habang nakaupo sa kabayo. D*mn paano ako nagkaroon ng boyfriend na isang katulad niya.
Adonis Perfect.
"Halika na, para hindi tayo gabihin." humakbang na ako palapit sa kanya, Hinawakan nito ang bewang ko at walang hirap akong ini-angat paupo sa kabayo. Kahit medyo nanindig ang balahibo dahil sa pagsakay ay pilit ko na lang kinalma ang sarili.
Wala naman akong magagawa, Nandito naman na si miguel.
Nilingon ko ito at sa isang iglap ay nakasampa siya sa kabayo ng walang kahirap hirap, Napaka-swabe ng galaw niya bihasa na siguro siya sa ganitong bagay.
"Hold tight." He whispered, While holding the stalion nakaside akong nakaupo sa kabayo habang ang isang kamay niya ay nakakulong sa bewang ko.
Hindi ko maiwasan mapangiti sa pusisyon namin, d*mn this is my first time riding a horse and I find it romantic lalo na kung si miguel ang kasama.
"Were leaving mang mario, Paparoon lang kami sa kabilang dako." anunsyo ni miguel, tumango lang ang matanda bago maniobrahin ni miguel ang lubid.
Sa isang hudyat ni miguel ay tumakbo ito, hindi ko man siya nakikita pero naiimahe ko na ang itsura niya habang nakasakay dito. Sobrang gwapo niya panigurado,
Nilagpasan namin ang mga hardinero, ngumiti sila samin kaya nginitian ko sila. Hindi ko lang alam kung gumanti ba ng ngiti si miguel.
"Sa susunod wag mo na silang ngingitian." biglang wika niya, patuloy parin kami sa pagtakbo.
Binalingan ko siya ngunit sobrang lapit pala nito sakin. "W-why?" I asked, iniwas ang tingin.
"Wala, ayaw ko lang." medyo nahihimagan ko ang pagka-irita sa boses niya, mukhang nagseselos pa siya sa mga hardenero.
"Nagseselos ka ba?" natatawang tanong ko, muli akong tumingin dito. Yumuko siya sakin saglit bago ibalik ang paningin sa daan.
"Yes Luna." salubong ang kanyang kilay, nanatili akong nakatitig sa gwapo niyang mukha. "Sa akin ka lang ngingiti, sa akin ka lang titingin dahil akin ka, I'm a jealous man luna uunahan na kita." He said in serious tone, I bit my lower lip. D*mn miguel.
"Hindi ko alam na may patakaran ka palang ganyan." nasabi ko na lang pero nangingiti habang nakatingin na sa dinadaanan.
"Bilang girlfriend alam mo na 'yon, Nilalayo lang kita sa mga mapagnasang lalake. Dapat naging aral na sa'yo ang nangyari noong isang araw." napanguso ako dahil sa seryoso niyang magsalita, pero may halong inis kaya hindi na ako sumagot.
Hindi ko naman nakakalimutan ang nangyaring iyon, Pero isang simpleng ngiti lang naman ang ginawa ko kanina. Hindi na masusundan iyon dahil nagpapakita lang ako ng kabaitan sa kanila.
Naging tahimik na lang ako at dinama ang medyo may kainitan na hangin. Tinatahak namin ang deretsong daan na may tanim sa magkabilaang gilid.
Mula sa malayo ay may natanaw akong mga tao na naglalakad patungo sa isang hindi kalakihang kubo. Huminto doon si miguel kaya napatingin sila samin, Nauna siyang bumaba bago niya muling hawakan ang aking bewang at maayos akong ilapag pababa.
"Salamat." wika ko, tumango ito at tumingin sa matandang papalapit samin.
"Nandito ka pala boss miguel." masiglang ani nito, talagang kilala na si miguel sa hacienda.
"Huwag niyo na akong tawaging boss mang selyo." gaya ng iba ay natawa lang sila sa inasal ni miguel, Ayaw niya talagang ginagalang at tinatawag sa ganoong paraan.
Nakakahanga talaga siya, Hindi ito katulad ng iba na minamaliit ang mga trabahador nila. Naalala ko pa noon ang kalagayan namin, Hindi ako naging mabuti sa mga empleyado namin. Masyado akong mataray at mapag-mataas kaya siguro nangyari ang bagay na iyon sa negosyo namin.
"May kasama ka pala, Halika kumain muna kayo ng kakanin." Biglang anas ng tinatawag niyang mang selyo kaya naputol ang pag-iisip ko.
"Siya pala si luna." pakilala sakin nito, ngumiti ang matanda.
"Kasintahan mo?"
"Opo." sagot ni miguel, lumingon ito sakin "Sumilong ka muna sa kubo, Itatali ko lang ito doon." dagdag niya pa tinutukoy ang kabayong sinakyan namin.
Tumango ako kaya iginaya na ako ng matanda patungo sa kubo, May mga trabahador doon na halatang galing sa trabaho at nagmimiryenda muna. Nakangiti sila sakin ng makatapak ako sa loob kaya ngumiti rin ako kahit na medyo nahihiya.
"Siya ang nobya ni miguel." pakilala sakin ni mang selyo. Nakangiting tumango naman ang lahat at may ilan din na pinuri pa ako kaya wala akong masagot kundi ngiti lang.
"Siguro taga syudad ka." wika ng isang babae na hindi naman gaanong katandaan.
"Opo, manila." tumango ito sa sagot ko, nakangiti. Mukhang hindi na talaga naaalis ang mga ngiti nila sa labi,
"Nandito na ko!" naagaw ang atensyon namin ng isang lalakeng dumating, may dala itong dalawang malaking basket at nilapag niya sa lamesa. Pinaupo naman ako ni mang selyo kaya napatingin ito sakin.
"O, may bisita pala kayo?" tanong nito, nakatingin sakin. Nakatshirt siya na kulay itim, halos magkasing-taas lang sila ni miguel pero ang isang ito ay moreno. Gwapo naman siya kasi maganda ang hubog ng kanyang mukha.
"Bisita siya ni miguel." sagot ni mang selyo, tila natuwa naman ito.
"Narito si miguel tay? Asan siya?"
"Naroon, Itinali lang niya ang kabayo." muli siyang tumingin sakin, Kumaway pa ito at naupo malapit sa tabi ko.
"Ako si troy, kababata ako ni miguel. Ikaw anong pangalan mo?"
"Troy.." sita ni mang selyo, may naglapag naman sakin ng isang pinggan na naglalaman ng pagkain.
"Nagpapakilala lang naman tay." maktol ng anak, nakatingin ito sa ama kaya makikita mo kung gaano katangos ang ilong nito.
Lahat talaga ng kaibigan ni miguel ay masasabi kong gwapo sila, Pero iba parin talaga ang dating sakin ni miguel. Siya lang yata ang gwapo sakin.
"Ang ganda mo, taga syudad ka?" hindi ko alam na nakaharap na pala ito sakin, ngunit hindi na ako nakasagot dahil may umakbay na sa balikat ko.
"Hindi ko alam na mausisa ka na pala, troy." Kahit hindi ko na tingnan iyon ay malalaman ko na kung sino ito, Sa boses niya palang mukhang galit na naman siya.
"Miguel." tumayo ito ngunit hindi ko alam kung anong naging reaksyon ng lalakeng nasa likod ko, "Kumusta ka, Dalawang buwan ka lang hindi napasyal dito pero mas lalo ka yatang kumisig." pagbibiro pa ng kaibigan.
"Tsk." asik lang ni miguel bago maupo sa tabi ko. Naupo rin si troy hindi na siya malapit sakin dahil nakapa-gitna na si miguel.
"Ang ganda naman ng kasama mo, kaibigan mo siya?" muling tanong nito, pabulong.
Iniwas ko na lang ang tingin at inabala ang sarili sa pagkain na nasa harap.
Mukha naman masarap, kanin siya na medyo may kahabaan. kulay green may asukal.
Hinati ko sa tatlo at tinikman, masarap nga may kalagkitan nga lang.
"Asawa ko siya."
"HUK!!!!! *Cough* *cough*." halos mabulunan ako sa isinagot ni miguel, agaran naman ang pag-abot sakin ng tubig ni mang selyo na mukhang nataranta pa.
D*mmit! Pwedi naman wag ng iparating dito na asawa ko siya, Wala naman din si don fabio.
"Are you okay?" tanong ni miguel, hinahagod ang likuran ko. Sinamaan ko siya ng tingin habang umiinom,
"Panget ba ang lasa ng suman?" takang tanong rin ni troy umiling ako bago ilapag ang baso.
"H-hindi, masarap nga." pilit na ngiting sagot ko, ngumisi si miguel kaya inirapan ko siya. Lintik,
"Mag-asawa talaga kayo?" usisa pa ulit ng kaibigan niya, hindi ako sumagot bahala si miguel.
"Wag ka ng magtanong ka-lalake 'mong tao napaka-chismoso."
"Tss, nagtatanong lang naman." giit ni troy, "E, anong pangalan ng asawa mo kung ganon?"
"Bakit ba napaka-interasado mo?" Siniko ko si miguel dahil sobrang sungit niya, Umaandar na naman ang pagka-suplado niya.
"Ako si luna.." sagot ko, nilingon ako ni miguel ngunit hindi ko na siya tiningnan dahil nararamdaman ko ang masama niyang tingin.
Kababata niya naman ito, Hindi naman siguro masamang sabihin ang pangalan ko.
"O, luna. Ang ganda naman pala ng pangalan mo.." papuri ni troy ngumiti ako. "Pero paano mo naging asawa itong kaibigan ko? Bukod sa masungit siya ano pang nagustuhan mo?"
"Shut up, Troy." naiiritang usal ni miguel,
"Okay shut up hahaha, ang sungit walang pinagbago."
"Masyado ka kasing maraming alam." nailing na lang ako at muling kumain, masyado siyang suplado.
Papalubog na ang araw ay nandito parin ako sa kubo, Si miguel ay kinakausap ang mga trabahador na abala sa pagbubuhat ng sako. Anihan na ng palay at sobrang na'eenjoy ako sa panonood.
Ngayon lang ako nakakita ng nag-aani, Ang dami palang proseso nakakapagod ang trabaho nila ngunit kapwa pa sila nakangiti. Hindi kakikitaan ng pagrereklamo.
"Hindi ka ba naiinip dito? bakit hindi ka doon?" nabaling ang atensyon ko sa nagsalita, lumingon ako at nakita si troy na umiinom ng tubig.
Wala siyang suot pang-itaas at masasabi ko na maganda ang pangangatawan nito, halatang batak sa trabaho. Nahagod ko ang katawan niya dahil sa pawis na tumulo mula sa leeg nito.
"Uy luna."
"Ha, may s-sinasabi ka ba?" gulat na tanong ko, tapos na pala siyang uminom.
"Sabi ko doon ka, patapos na rin kami."
"Ah h-hindi na dito na lang ako."
"Halika na nga, pinag-fefiestahan na ang asawa mo." muli akong lumingon kay miguel, may dalawa na itong babaeng katabi at parehas na may dalang basket.
"Sino ang mga iyon?" pagtatanong ko kay troy, pinupunasan niya na ang pawis gamit ang kanyang damit.
"Ah iyon ba?, anak 'yan ng mga haciendero dito. galing sa kabilang dako yan nagdadala ng miryenda."
"Kilala nila si miguel?" muling tanong ko bago sulyapan si miguel, may inaabot na ang dalawang babae sa kanya.
"Oo naman, Kilalang kilala. Ama niya si Dante Sandoval na habulin ng babae noon, kaya habulin din si miguel lalo na ng mga dalaga." hindi na ako nagtanong dahil naaasiwa na ako sa dalawang babaeng nakapaligid kay miguel, Lalo na ng kunin nito ang inabot niya kaya humagikgik sa kilig ang babae.
"Hayaan mo siya tara doon tayo." hinila na ako ni troy patungo sa isang traktora na nagbabalot ng palay, Hindi ko na nalingon si miguel dahil medyo napalayo na kami sa kanya.
"Suotin mo ito para hindi malagyan ng alikabok ang buhok mo." inabot niya sakin ang may kalakihang sumbrero na kapareho ng suot ni mang selyo.
"Susmaryosep, bakit mo pa kasi sinama si luna dito." sermon ng ama, napakamot naman sa batok si troy.
"Wala kasi siyang kasama sa silong tay."
"O si miguel, baka hanapin siya."
"Hindi, abala iyon sa mga sisiw" napanguso ako dahil sa sinabi niya, sisiw daw.
"Anong sisiw?" takang tanong ng ama, malakas naman na natawa ang anak.
"Ikaw talaga tay, Ano pa ba edi chicks hahaha"
"Nakung bata ka! Buhatin mo na iyon.." natatawa na lang sumunod ang anak bago magtungo sa mga kaban ng palay na bubuhatin niya patungo sa isang sasakyan na gamit nila, hindi ko alam kung ano iyon dahil ngayon ko lang iyon nakita.
"Hindi ba mabigat yan?" nakangiwing tanong ko, naka-ilan balik na siya habang ako ay nakaupo na sa unahan ng sasakyan, Pogpog ang tawag niya dito ngunit tila mahirap paandarin dahil sa mahaba niyang hawakan.
"Hindi naman, kahit sumakay ka pa sa likod ko mabubuhat ko ito." pagmamayabang niya, kanina lang kami nagkakilala pero hindi naman siya mahirap pakisamahan.
Mukhang mabait naman siya, At kaibigan rin ito ni miguel. Hindi naman siguro masamang makipag-usap sa kanya.
Nang mailapag ang huling sako ay sumandal ito malapit sakin, pawisan na naman siya.
"Gusto mo ng tubig ikukuha kita?" tanong ko, dahan dahan akong tumayo sa upuang bakal.
"Ako na, maupo ka na diyan."
"Hindi, titingnan ko din si miguel baka hinahanap niya na ako." hinakbang ko ang isang paa ngunit namali yata ang pagtapak ko dahil nadulas ako at muntik ng mahulog kung hindi lang mabilis na kumilos si troy, nahawakan niya agad ang bewang ko kaya sa katawan nito ako nasubsob.
Thanksgod at hindi sa lupa, kung hindi puno na ako ng gasgas ngayon.
"Ayos ka lang? muntik ka ng mahulog." nag-aalalang tanong nito, nanatiling nakahawak sakin.
"Oo ayos lang, Salamat.."
"What are you two doing?" nabaling ang atensyon namin sa nagsalita, And then I saw miguel standing and staring at me in fiercing eyes. Napalunok ako at napabitaw kay troy.
"Muntik na kasi siyang mahulog."
"So why are you still holding her, Put my wife down." Sa isang iglap ay mabilis akong naibaba ni troy, sa sobrang sama ng tingin ni miguel ay hindi ko magawang tumingin dito.
"Ang seryoso mo naman masyado, hindi ko naman aagawin ang wife mo." kahit masama na ang tingin sa kanya ni miguel ay pilit parin itong nagbiro, ngunit tila walang pinagbago ang ekspresyon ni miguel mukhang sasabog na siya.
"Next time dont touch my wife if you dont have permit to me troy, ayaw kong nahahawakan siya ng iba."
"Miguel." pag-aawat ko, hindi na sumagot ang kaibigan niya. napapakamot na lang sa ulo,
"Tinulungan niya lang ako."
"Are you covering him up?" He asked, full of disgust napataas ang kilay ko. Ano na naman pinagtatakpan napapraning yata ang lalakeng ito.
"Wala naman kaming ginawa miguel. Ikaw talaga ha, hindi ko alam na seloso ka pala."
"Tigilan mo ako troy wala ako sa mood." muli itong humarap sakin. "Halika na." tumalikod na ito at hindi man lang ako hinintay, mukhang napikon na.
Binalingan ko naman si troy "Pagpasensyahan mo na si miguel, ganon lang talaga siya." anas ko pa, natawa ito.
"Alam ko, Sanay na ako sa ugali niya pero sumobra ngayon."
"Ganon ba, pasensya na talaga"
"Okay lang sige na sundan mo na siya baka sugurin na ako pag nagka-taon." Tumango na lang ako bago tanawin si miguel na nasa malayo na, Tumakbo na ako at hindi alintana na nakabistida lang.
"Buti naisipan mo pang sumunod." Iritableng anas niya, salubong na naman ang kilay.
Napanguso ako "Ang sungit mo." I hissed, huminto ito kaya nahinto rin ako sa paglalakad.
"Ang bilis mo naman makalimot?"
"Ha? Anong nakalimutan ko?" takang tanong ko, Napahilamos ito sa mukha dahil sa iritasyon.
"I'll warning you first luna but you'll never listen." ginulo niya ang buhok, naiinis na naman.
"Hindi naman masama si troy di'ba? Kaibigan mo siya." Nakangusong anas ko.
"Oo kaibigan ko siya, But that's not what I mean. ang hirap mo talagang kausap." muli niya akong tinalikuran at nagpaunang lumakad, natawa na lang ako ng pagak sa sinabi niya.
"Ikaw ang magulong kausap." bulong ko sa hangin, at iling iling na sumunod dito.
_______