Chapter 19
Luna Pov
Tuesday Morning.
Tumingin ako sa alarm clock para tingnan ang oras, Its early in the morning 6;45.
Napaaga yata ang gising ko?
Napapansin ko rin na hindi na ako late magising minsan, dati rati umaabot ako ng alas nuebeng nakahilata sa kama at tamad pa sa oras na ito.
Siguro dahil naiwasan ko ng pumunta sa mga bar, Hindi ko na yata kailangan pumunta doon dahil nasa kusina lang naman ang hinahanap ko.
Buti na lang at hindi siya alcoholic.
Malayong malayo talaga siya sa mga past ko.
Nakangiti akong umupo sa kama at nagstretch ng katawan, Hindi ko talaga maiwasan mapangiti dahil maganda ang tulog ko. Ihatid ba naman ako ng isang gwapo, D*mn mas inlove pa yata ako sa kanya.
Nailing akong tumayo para dumiretso sa banyo, nagmumog lang ako at agad nagtungo sa labas. Mamaya na lang siguro ako maliligo, Gising na gising naman ang diwa ko.
Isipin ko lang yata si miguel magigising na ang tulog ko'ng katawan.
Tsk, Nabubuang ka na luna.
Saktong malapit na ako sa hagdan ng masalubong ko si mommy at dad na pababa na rin, May matang nagtataka na nakatingin sila sa akin habang nakakunot ang noo.
"Why?" tanong ko, may problema yata.
"Your too early, May lakad ka?" tanong ni mommy, umiling ako.
"Wala mom, bawal na 'bang magising ng maaga?" natatawang ani ko, Tumango si daddy.
"Tama nga naman si luna, Buti naman at maaga ka ng nagigising ngayon hindi katulad ng dati.." anas ni daddy, nailing na lang ako.
Kahit sila alam ang ugali ko.
"Maybe because of miguel," usal ni mom, napatingin ako dito na nakakunot ang noo. "He's a good influence, dapat lang na magbago ka dahil may boyfriend 'kang maipagmamalaki.." napangiti ako dahil doon.
Mommy is right, Maipagmamalaki ko nga si miguel.
"Tara na, sabay sabay na tayong mag almusal.." nagtungo na kami sa dining at nakitang may nakahanda ng pagkain, Alam na alam talaga ng mga maid kung anong oras nagigising sila mom and dad.
Minsan ko lang silang nakakasabay mag almusal dahil late na nga ako kung magising, pero mukhang araw araw na ito.
"Wala 'kang lakad ngayon, nieves?" tanong ni mom, nakaupo na kami ngayon at kumukuha ng pagkain.
"Meron po, pupuntahan ko si vivian.."
"Vivian? Saan na naman kayo pupunta kakasabi ko lang kanin---."
"Aayusin ko ang invitation ko mom.." putol ko sa sasabihin niya, tsk hindi ako gagala. Bakit hindi ko na lang hintayin si miguel kesa magbulakbol.
"Mabuti naman, Akala ko may oras ka pang gumala ngayon. Ilang araw na lang birthday muna.." anas niya pa, napabuntong hininga ako. Sa totoo lang nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba iyon o hindi.
Masyado kasing malaki ang nawala sa amin, Ang mahal pa naman ng gagastusin sa birthday ko.
"Kung i-cancel na lang natin ang party mommy.." wika ko na kinatigil nila, Pwedi naman siguro kahit dito na lang sa bahay or hotel. Babawi na lang ako next year pag nabawi na ang nawalang pera.
"Bakit luna?" tanong ni dad, Bumuntong hininga ako.
"Masyado kasing malaki ang gastos dad, Di ba nga malaki ang nawalang pera sa company.." ani ko, tumang ito.
"Don't worry luna, Mababawi ko rin naman iyon wag munang i-cancel dahil ilang araw na lang.."
"Pero daddy, Ang mahal ng beach resort. Yung hotels and food service for catering, ang daming gastos pwedi naman sa next year na lang gawin iyon." Umiling ito sa sinabi ko, tsk kung hindi lang na-scam si dad okay lang hindi ko na talaga ipapa-cancel.
"H'wag munang isipin iyon"
"But dadd--."
"Its okay nieves" putol ni mommy, "Hindi na natin problema ang foodcatering at ibang service.." nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Huh, Why?"
"Miguel refuse my payments.." maikling sagot nito at pinagpatuloy ang pagkain,
Ano daw?
Tinanggihan ni miguel ang bayad? Baliw ba siya!
Gagastos siya ng libo-libo para lang sa birthday ko, tsk nasisiraan na siya.
"Bakit hindi niyo pinilit mommy?" tanong ko pa, binaba nito ang kubyertos.
"I did everything nieves, Pero mapilit siya. Ayos lang naman daw iyon sa kanya, ayaw niya pa ngang ipasabi sa'yo kaya wag munang banggitin ang pinag-usapan natin.." huminga ako ng malalim dahil sa nalaman, Lalo ko na tuloy ayaw ituloy ang party nakakahiya naman.
Hindi niya naman ako asawa, girlfriend niya pa lang ako.
"Kumain ka na.." anas ni daddy, mukhang wala na akong magagawa kundi sumunod sa kanila.
Ang lakas ko naman kay miguel kung ganon?
Gagastos talaga siya ng malaking halaga? Sana pala hindi ko na napili ang beach party.
Napabuntong hininga akong muli at sinimulan ng kumain, Babawi na lang ako sa kanya pagkatapos ng birthday ko.
Few minutes....
Konti lang ang kinain ko dahil nag-reserved ako for dessert, Hindi na ako makapag-hintay na tikman iyon dahil kinikilig talaga ako.
Bago kasi kami umalis kagabi sa bahay nila ay may inabot pa itong box sa akin, Isa iyon chocolate cake kaya halos lumundag ang puso ko sa tuwa.
Akala ko pa naman si selena lang ang ginawan niya, Meron din pala ako at talagang kinatutuwa ko iyon. Hindi ko na nga tinikman iyon kagabi dahil ayaw ko'ng masira ang design nito maging ang nakasulat sa taas.
Kung pwedi lang na i-stock ito ng matagal ay dinisplay ko na lang ito, pero masyado naman halata na inlove ako kaya wag na lang.
Nakangiti ko iyon kinuha sa ref at agad nakita ang nakasulat sa taas, simple lang naman siya pero kinikilig talaga ako.
FOR MY LUNA❤️
Kinagat ko ang labi para hindi mapatili, nakakahiya sa mga maid baka kung anong isipin nila. Mukha na yata akong baliw dito kakangiti,
Dinala ko iyon sa dining ngunit wala na si mommy, tanging si daddy na lang at inuubos niya ang kanyang kape. Napatingin agad iyon sa hawak ko.
"Whats that?" tanong nito, nilapag ko iyon sa lamesa kaya tiningnan niya.
Napataas ang dalawa nitong kilay at nakangiting tumingin sakin.
"He made that cake for you?"
"Yes dad? he's so sweet right?" nakangiting tanong ko, tumango siya.
"Ofcourse, madalang lang sa lalake ang marunong mag-bake. Nakakahiya nga lang sa kanya dahil itlog na lang hindi mo pa alam lutuin." pang-aasar pa ni daddy kaya napanguso ako.
"Don't worry dad, from now on I teach my self how to cook."
"Maybe miguel can help you about that.." ani nito, umiling ako.
"No need dad, Believed me I can do this.." sagot ko na parang bilib na bilib sa sarili, easy lang naman sigurong magluto hindi ko lang nakasanayan.
"I think that's a bad idea." ani niyang muli kaya napasimangot ako,
"Agad niyo naman akong dina-down e, Hindi na nga!" kunwaring nagtatampong anas ko, natawa siya kaya lalo akong napasimangot.
"Hindi ka ba pupunta ng kumpanya mamaya?" pagiiba nito ng topic.
"I'm not sure, pag natapos kami agad baka pupunta ako. Bakit?" tugon ko habang hinahati ang cake.
"Wala, aalis kasi ako.."
"Si mommy ba?" tanong ko, nahiwa ko na ang cake kaya tumingin na ako sa kanya.
"Sa factory siya maghapon."
"Hmm, ganun ba? Okay. Pag natapos kami agad didiretso na ako doon.." ani ko, tumango siya.
"Before lunch ka na lang pumunta.."
"Okay sige.." tugon ko, bago tumayo "Do you want cake dad?"
"No thanks, baka aalis na kami niyan."
"Oh sige, ingat na lang.."
"Ofcouse, Take care too okay." ngumiti lang ako bilang sagot, Bibilisan ko na lang siguro para makapunta pa ako ng company.
Baka hindi ko makikita ngayon si miguel, Hindi niya kaya ako mamimiss?
Napailing na lang ako bago bumalik sa kusina, kumuha ako ng plato para tikman ang cake na ginawa niya. Paano nga kaya gumawa nito? Ang daming fillings na chocolate at may maliliit itong strawberry sa taas.
Napangiti ako ng maalala ang strawberry,
Ibang klase talaga ang panlasa niya. Maging ang labi ko lasang strawberry? tsk.
Naupo na ako at tinikman ang cake, Napatango ako ng malasahan iyon. This is delicious, I wonder how to bake this. I wanna try,
Maybe next time, Pagba-bake na lang siguro ang ipapaturo ko. Para maipagmalaki ko rin iyon kay mommy, mahilig kasi siyang magbake.
Mabilis ko ng tinapos iyon at halos mangalahati ang cake na natira, Muntik ko ng maubos kundi ko lang naisip na aalis ako. Baka biglang lumobo ang tiyan ko at hindi ako makakapag-suot ng type ko'ng damit. Balak ko pa naman mag office attire ngayon.
Dumiretso na ako sa taas upang makaligo na, Napatingin pa ako sa wallclock at nakitang 7;30 na. Tsk bakit ang bilis ng oras? hindi pa man ako nakaalis mukhang iinit na sa labas.
Mahabang habang araw na naman ito.
Nagready na ako ng damit at dinala na iyon sa banyo, Doon na lang ako magbibihis para agad akong matapos. Siguro naman nakabukas na ang salon nila vivian, Sana masamahan niya ako.
Binilisan ko ang pagligo para agad na akong makaalis, Matapos ang ilang minutong paghahanda ay nakapag-ayos na rin ako. Nagsuot lang ako ng skirt at Isang longsleeve polo na casual kong sinusuot pag pumupunta ng company. Nag-heels din ako ng itim para disente naman akong tingnan mamaya, Hassle naman kung uuwi pa ako mamaya para magbihis. Mas maganda ng ready.
Pagsakay sa kotse ay agad ko na itong minaobra paalis, Hindi ko na nakita ang kotse nila dad dahil baka umalis na sila. Gusto ko talagang makatulong this time sa kumpanya, naaawa rin ako kay daddy dahil sa nangyari. Pinag-paguran niya iyon ngunit mawawala lang na parang bula, Goodluck na lang sa lalakeng nag-scam dito bahala na ang nasa taas kung anong kapalaran niya.
Nakakainis lang at may taong bulag pag dating sa pera, Nakakagawa sila ng kasalanan.
Nailing na lang ako at binilisan ang pagmamaneho patungo sa collins salon, Nang makarating doon ay agad na akong pumasok sa loob at dumiretso sa office ni vivian.
Nakita ko siya doon na nag-cecellphone lang habang nagkakape, Napatingin ito sakin kaya binaba niya ang hawak na tasa.
Hinagod nito ang aking suot bago bumalik sa aking mukha, halatang nagtataka kung bakit ganito ang suot ko.
"Hindi dito ang toy company luna, naligaw ka yata.." anas nito, naupo ako sa upuan kaharap ng table niya.
"Alam ko, magpapasama lang sana ako."
"Saan?" tanong niya agad at binitawan ang cellphone.
"Magpapagawa ako ng invitation, ipamimigay ko rin ito sa mga nais kung imbitahan." napataas siya ng kilay sa sagot ko.
"Bakit hindi muna lang inutusan si dana riyan?"
"Busy siya, kung tatawagan ko pa ito aalis siya sa factory. Makakaistorbo lang ako.." sagot ko, nagtaka siya.
"You always disturb her luna, What's suddenly change? Nabagok ba ang ulo mo somewhere?" sinamaan ko ito ng tingin dahil sa sinabi niya, Ayaw ko talagang istorbohin si dana dahil baka kasama niya si mommy sa factory. Malaki din ang maitutulong nito kesa sa akin, invitation lang naman ito.
"Simpleng invitation lang naman ito kaya hindi ko na kailangan ipagawa sa kanya, If you dont want to come with me just say it, And dami mong sinabi.." pairap na asik ko, natatawa siyang tumayo.
"Matatanggihan ba naman kita? Baka i-sumpa mo pa ako pag hindi kita sinamahan, So let's go saan tayo pupunta.."
"Kaya nga sa'yo ako nagpasama di ba? I know you have a lot idea about this, kaya ikaw na ang bahala.." tugon ko na kinangiwi niya,
"I'm not good about parties luna, Ang alam ko lang mag-lalake.."
Napaismid ako sa sinabi niya, What the h*ck. Masyado siyang playgirl.
"Tsk, kahit saan na lang. Basta quality lang ang pagkakagawa okay na."
"Wow, Nagbabago ka na talaga. Yan ba ang epekto sa'yo ni miguel?" namamanghang wika niya pa, Ngumisi ako.
"Wag munang alamin.."
"Wohhhh! Landi mo girl, may tinatago ka na naman sakin no!" napahawak ako ng wala sa oras sa aking tenga dahil sa sigaw niya, bakit habang tumatagal tumitining ang boses niya?
May lahi ba itong ibon?
"I don't have secret vivian, So come on we need to go. Kailangan matapos ako before lunch.."
"Fine, Wait lang pagsasabihan ko lang ang mga employee." lumabas na ito sa office kaya sumunod na ako, nagtungo agad ako sa kotse at doon na lang siya hinintay. Salamat naman at hindi na siya nangulit, baka masabi ko pa sa kanya ang muntikan na mangyari sa amin ni miguel.
Napailing ako ng sumagi iyon saking isip, Ako pa yata ang unang makakamiss dito. Sayang lang at wala akong number niya, Nakakatawa lang dahil wala kaming communication.
Ang weird lang ng relasyon namin.
Napatingin ako sa passenger'seat ng pumasok si vivian, Binuhay ko na ang makina at lumingon dito.
"Saan tayo?" tanong ko.
"Sa party needs, saan pa ba!" asik nito, hindi niya talaga mapigilan sumigaw.
Pinaandar ko na ang kotse at naghanap ng party need's shop, May nakita akong malapit sa mall kaya pinarada ko na agad ang sasakyan at naunang bumaba.
"Meron ba dito? E, parang mga pambata naman." giit ko habang nakatingin sa harapan,
"Sa taas tayo, Nandoon ang for printing at pagrerequest for invitation.." sagot ni vivian, nauna na siyang pumasok kaya sumunod na ako.
Pag akyat namin sa secondfloor ay may iba't iba pang paninda doon, Nakita ko ang isang set ng computer habang may nakaharap na lalake doon. Mukhang ito ang mag-eedit sa invitation.
"Magandang umaga, Anong sadya natin?" wika ng isang babae, dalaga pa ito at mukhang dito siya nagtatrabaho.
"We're here for invitation," sagot ni vivian, tumango ito.
"This way po.." iginaya niya kami palapit sa lalakeng abala sa computer, Napatingin ito ng lumapit kami.
"Magpapagawa daw po ng invitation.." anas ng saleslady, tumayo ang lalake.
"Okay.." may kinuha ito sa likuran bago humarap samin "Fill up this and choose a design for front and back." kinuha iyon ni vivian ng nakangiti.
"May discount ba kami dito if 100 pcs ang ipapagawa namin?" malandi niyang tanong na kinairap ko.
Porket gwapo ang guy nagpa-pacute na naman siya, Ang hot naman ni rex. Doctor na at gwapo pa, humaharot pa siya. tsk!
"Yeah ofcourse, I give you a discount specially that gorgeous girl besides you.." halos masamid ako sa sariling laway dahil sa sinabi niya.
D*mn, Wag ako. Enough na enough na sa'kin si miguel, I don't need extra guy. Kahit kamukha niya pa si Enrique Gil, Busog na busog na ako kay miguel.
"Wow, siya nga ang mag bibirthday," naupo na lang ako sa mahabang upuan na nasa gilid, Wala akong time makinig sa pinag-uusapan nila.
Lumapit ang saleslady sa'kin sabay hila sa isang table, binigyan niya rin ako ng ballpen kaya in-umpisahan ko ng fill-upan ang binigay niya.
Matapos ko'ng masulat ang pangalan at birthday ay namili na rin ako ng design para sa invitation, Simple lang ang napili ko kaya binigay ko na iyon sa lalakeng naghihintay kanina pa, Ayaw ko'ng tumingin sa kanya dahil baka isipin pa nito gusto ko siya. Si vivian lang talagang ang maharot.
"Medyo matagal ito Ms.Luna" anas nito kaya napatingin ako sa kanya, binabasa niya na ang finill-upan ko.
"Its okay, Hihintayin na lang namin dito. Magagawan mo naman siguro ng paraan para mapabilis.." sagot ko, tumango siya.
"Oo naman, Maupo muna kayo." hindi na ako sumagot at bumalik na lang sa inuupuan ko kanina, nandoon na rin si vivian habang nanunuod ng tv. Nakapatong iyon sa wall para sa mga costumer na naghihintay.
Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang aking cellphone, May two message doon ngunit kay jasper lang kaya hindi ko na binuksan, Kung meron lang sana akong numero ni miguel makakatext ko siya ngayon. Nakakainis lang,
Binalik ko na ang cellphone sa bag at nanunuod na lang ng tv, mukhang busy na itong katabi ko dahil may katext siya. Buti at hindi siya mag-iingay ngayon.
After 30minutes ay natatapos na nito ang piniprint niya, Ilang piraso na lang ang hinihintay namin habang nakaupo pa rin kami sa mahabang upuan. Hindi rin siya tumanggap ng ibang costumer dahil binibilisan nito ang pagpi-print.
"FLASH ALERT!"
"Magandang umaga, Kakapasok lamang ng bagong balita ngayon! Kasalukuyan nasusunog ang malaking factory ngayon dito sa manila. Isa itong malaking toy factory kung saan libo-libo ang nagtatrabaho dito, Pagmamay-ari ito ng isang sikat na bussiness tycon na si Rumualdo villamor.."
Napatayo ako dahil sa balitang narinig sa tv, Sh*t. Paano nangyari iyon?
"OMYGOD!" Naibulalas ni vivian, kinabahan ako bigla.
"Nasa ikatlong alerto na ito at kasalukuyan inaapula ang apoy, Iniimbestigan pa sa ngayon kung saan nag-umpisa ang sanhi ng sunog. Maging ma-ingat tayo ngayon at agapan ang mga kuryente sa ating bahay, Abangan pa ang susunod na balita. Ito ang Flash Alert!"
"Hey luna wait!" sigaw sakin ni vivian dahil bigla akong tumakbo, Kinakabahan ako! Kailangan ko ng pumunta doon.
"Bitawan mo ako vivian! I need to go there nandoon si mommy!"
"What! Hindi ka naman makakapasok sa factory! Siguradong may rescuer na doon. Kumalma ka lang." Pabagsak ko'ng hinila ang kamay kaya nabitawan niya ito.
"Paano ako kakalma sabihin mo nga! Pabayaan mo ako, Pupunta ako doon!" nailing ito at hindi na sumagot, napatingin pa ako sa saleslady na nakasunod pala samin.
"D*mn.." naibulalas ko at bumalik sa loob, Kinuha ko ang natapos na invitation at hindi na hinintay pa ang ibang napiprint.
"Keep the change.." ani ko ng maibigay ang bayad,
"Wait this is t---"
Hindi ko na hinintay matapos ang sasabihin niya at tumalikod na ako paalis, Paano nangyari ang sunog na iyon? Kumpleto ang factory at lagi silang nag-iingat. Bakit kailangan masunog pa iyon,
Nang makababa na ako ay nasalubong ko pa si vivian, Nakatingin ito sa akin ngunit hindi ko na siya kinausap. Kailangan ko ng makapunta ngayon doon, Nasa loob si mommy at sa second floor pa ang office nito. Sana naman nakalabas na siya,
"Kung sasama ka sumakay ka na." ani ko kay vivian na nakatayo parin sa labas, Wala itong nagawa kundi umikot na lang sa passenger'seat.
Mabilis ko ng minaneho ang kotse at hindi alintana ang nakakasalubong na sasakyan, Hindi ko na rin pinapansin ang reklamo ni vivian dahil sa bilis kong mag-drive. Nabablanko na ako ngayon! Sana ako na lang ang nagpunta sa factory at hindi ko na inaayos ang invitation ko, Dapat pala mas pinilit ko na si daddy na hindi ko na lang ituloy ang party. Naiinis ako sa sarili ko!
"Oh my god luna bagalan muna man ang pagmamaneho baka tayo naman ang mapahamak!" sigaw niya pa ngunit hindi ko na ito pinansin, Mabilis ko'ng niliko ang kotse ng walang preno kaya halos madikit siya sa bintana at mapamura ng malakas.
BEEEEEEEPPPPPPPPPPPPP!!!!!
Mahabang busina ang pinakawalan ko dahil traffic sa daan patungong factory,
"TANG*NA.!" Mura ni vivian ng dumaan ako sa kabilang daan at salubungin ang mga kotseng dumadaan doon,
BEEEEEPPPPPPPP!!!
"Luna mahahabol tayo ng pulis sa ginagawa mo, wrong way ka!"
"Can you please shut your mouth!" singhal ko at mas binilisan pa ang pagmamaneho.
"Traffic talaga dito dahil may sunog!" hindi ko ito pinansin at muling bumalik sa tamang daan, Tanaw ko na ang malaking usok na nanggagaling sa factory.
Mas lalo akong kinabahan dahil sa nakita,
Nakagat ko na rin ang pang-ibabang labi para mapigilan mapaiyak. Ang minamahal na factory ni daddy ay tinutupok na ng apoy ngayon, Ang sakit lang sa dibdib dahil ang lahat ng pinaghirapan niya ay nawala lang sa isang iglap.
Nang makarating doon ay agad ko ng pinarada ang kotse, Bumaba ako at tuluyan ng napaiyak dahil sa itsura ng factory. Sobrang taas na ng apoy at marami ng sugatan sa labas.
"This is nightmare!" naiiling na anas ko, naglakad ako at humakbang sa mga nakaharang na barrier sa harapan. Agad akong pinigilan ng ibang pulis kaya nagpumiglas ako.
"Hindi kayo pwedi dito ms.." wika ng isang pulis, meron din mga ibang tao na nagpupumilit pumasok.
"Let me go! I'm the daughter of the owner!!" sigaw ko sa kanila at tinabig ang kamay na nakahawak sakin.
"Delikado po sa loob maam, may rescuer na doon at ginagawa naman namin ang lahat.." anas ng isang rescuer, Sinamaan ko ito ng tingin.
"Ginagawa ang lahat!" sarcastic na tanong ko, napaatras siya. "Kung ginagawa niyo ang lahat bakit nakatayo lang kayo dito at nanunuod?! BAKIT HANGGA NGAYON WALA PA ANG MOMMY KO!!" Nangangalaiti ko ng sigaw, hindi ko makita si mommy sa mga nakaligtas. Halos mga trabahador lang ang binibigyan nila ng paunang lunas.
"Luna calm down, ayos lang ang mommy mo.." pagpapakalma sakin ni vivian, napahilamos ako sa mukha.
"Tell me vivian! How can I calm down when my mother is inside that f*cking fire!!!"
"Luna anak." tawag sa akin ni daddy, Naglalakad na ito palapit sakin kaya nilakad ko na ang pagitan namin at agad yumakap sa kanya.
"N-nasa loob pa si mommy..." umiiyak na anas ko ng humiwalay ako dito, agad siyang lumapit sa mga pulis ngunit gaya ko ay hinarangan din siya.
"Bakit wala pa ang asawa ko? May mga tao pa sa loob! bakit hindi kayo magpatawag pa ng ibang rescuer!" galit na rin ito habang pinipigilan siya ng mga pulis.
Sakto namang lumabas ang ibang rescuer na may kasamang sugatan na employee, hinanap ko si mommy doon ngunit wala pa ito.
"Sir may tao pa sa second floor!" sigaw ng mga ibang rescuer na kakalabas lang, nagpanic naman ako.
"NANDOON ANG MOMMY KO!, BAKIT HINDI NIYO SIYA TULUNGAN!" sigaw ko sa kanila, madali silang kumilos at nagkanya-kayang suot sa safety hat nila at muling pumasok sa loob.
"This is bullsh*t!!" sigaw ko, hinagod ni daddy ang likuran ko ngunit kumukulo lang ang aking dugo dahil sa mga walang kwentang rescuer.
Maging ang mga bumbero mukhang walang silbi dahil ang laki parin ng apoy sa taas.
"Bakit ang tagal dad?" tanong ko, napahilamos ito at bumalik muli sa mga rescuer upang makipag-usap, Si vivian naman nasa tabi ko at mukhang shock na rin sa mga taong sugatan.
Bakit nangyayari ito? Bakit ngayon pa, Sobrang dami ng nasaktan dahil sa sunog. At mas lalo akong nangangamba sa sitwasyon ni mommy.
Naglakad ako sa mga sugatan at hinanap si dana ngunit wala siya sa mga nakaupo, Wala naman sanang nangyaring masama sa kanila.
Ilang minuto pa akong nakatayo doon habang palakad lakad, Medyo humihina na rin ang apoy at tanging usok na lang ang inaapula. Kahit amoy goma dito at nakaka-sufficate ang usok ay tiniis ko. Mas importante sa akin si mommy at hindi ako makakaalis dito hangga't hindi ko siya nakikita.
Nakita ko ang paglapit ni daddy sa isang stretcher kaya lumapit din ako doon, Napatakip ako ng bibig ng makitang si mommy ang nakahiga.
"M-mom.." hindi ko siya mahawakan dahil sa mga sugat nito, nasunog rin ang kanyang balat at wala siyang malay.
"Oh my god t-tita.." naiyak na rin si vivian habang nakatingin kay mommy.
"Isakay niyo na siya sa ambulansya! Bilisan niyo!" sigaw ni daddy, tulala na ako dahil sa nangyayari at hindi ko na alam ang gagawin.
"Luna let's go!" tawag sakin ni vivian, Hinila na ng mga nurse ang stretcher at isinakay na agad si mommy sa ambulansya.
"Sasamahan ko sa loob ang mommy mo, sumunod ka na doon okay?" tumango lang ako kay daddy kaya hinalikan niya ako sa noo.
"Hey luna, Wag ka ng mag stay dito masyado ng mausok.." anas pa nito sakin, puro tango lang ang naisagot ko bago siya tumakbo papunta sa ambulansya.
"Halika na luna, Ako na ang magdadrive.." wika ni vivian, Iginaya na nito ako patungong sasakyan at agad umikot sa driver seat. Napatingin pa ako sa factory bago niya iyon paandarin paalis.
Hindi ko na alam ang mangyayari pag katapos nito, Paano na kami? Si mommy pa, maging ang mga sugatan at ibang trabahador na nangangalaingan ng tulong.
Hindi ko lubos akalain na mangyayari ito.
__
( @ St. Luke's HOSPITAL )
Nandito na kami sa hospital habang hinihintay lumabas ang doctor, Naka-admit na si mommy at kasalukuyan ng ginagamot ang mga sugat nito.
Lumapit si daddy sakin kaya nilingon ko ito.
"Magiging okay din si mommy di ba?" tanong ko, pilit na ngiti ang binigay niya. Halatang malungkot ang mata nito at hindi ko kayang tingnan iyon ng matagal.
Napayuko ako at tiniklop ang aking bibig.
"Huwag kang mag-alala, Gagawin ko ang lahat para maging maayos siya. Kahit maubos ang pera ko maibalik lang siya sa dati gagawin ko.." naiiyak akong tumingala dito, Malaki ang pasasalamat ko dahil nailabas pa nila si mommy doon. Sunog na nga lang ang katawan niya pero pilit ko'ng pinapalakas ang loob ko.
"How about the others dad? The company? The employee?"
"Gagamitin ko ang pera ng kumpanya, May pera pa ako at sapat na iyon sa mga nangangailangan. Ako na ang bahala, okay.." nailing na lang ako dahil sa narinig, Alam ko'ng hindi sapat ang perang iyon para sa pangangailangan ng lahat. Paano pa ang sweldo ng ibang nakaligtas?
"Si mommy paano?" tanong ko,
"Hihintayin ko muna ang sasabihin ng doctor, Pero dadalhin ko siya sa france para doon maipagaling.."
"Paano ako? Gusto ko siyang makitang nagpapagaling.."
"You can come with us if you want.." sagot nito, napaisip ako.
Kung sasama pa ako sa kanila baka maging pabigat lang ako, Makakadagdag lang ako sa iisipin nila.
"Pag-iisipan ko muna dad.." ngumiti lang siya at hinaplos ang aking buhok, Lumabas ang doctor kaya napatayo kami.
"The patient is fine now.." paunang anas nito "But her skin is too expose in bacteria, She need to transfer immediately to a skin medical.."
"Hindi niyo ba siya mabibigyan ng first treatment sa balat nito doc.?" tanong ni daddy, tumango ang doctor.
"Nalapatan na siya, Pero In 1week kailangan na siyang matransfer.."
"1week?" tanong ko, tumango ang doctor.
"Sensitive ang balat niya, kaya dapat maagapan agad. Yun lang ang suggestion ko, Kung may tanong pa kayo tumawag lang kayo sa nurse, I need to check the other patient's. Excuse me"
Tumalikod na ito kaya pumasok na kami sa kwarto, Sakto din ang dating ni vivian na may dalang tubig.
"How's tita?" tanong niya sakin.
"She need a skin medical treatment.."
"Maibabalik ba ang balat niya noon?" nagkibit-balikat lang ako sa tanong niya bago lumapit kay mommy, Nakaupo na si daddy sa gilid habang nakatingin dito.
Sumulyap ako kay mommy na mahimbing ang tulog, Sunog ang kalahati niyang mukha at ang magkabilaan nitong kamay. Nakakumot ang kalahati niyang katawan kaya hindi nakikita ang sugat nito sa paa. May balot din ang ulo nito dahil nasunog din ang kanyang buhok, Ibang iba ngayon si mommy kung para sa balat niya noon. Hindi ko alam kung anong magiging reaction nito pag gising niya.
Tumayo si daddy kaya napatingin ako dito, kinuha niya ang cellphone sa bulsa at Nagtipa doon saglit bago lumingon sakin.
"Pupunta muna ako sa factory para i-check ang situation doon, tawagan mo ako pag nagising na ang mommy mo okay?"
"Pero daddy.." ani ko, may inabot itong calling card.
"Babalik din ako luna, Kailangan ako doon dahil responsibilidad ko sila. Babalikan ko kayo dito mamaya.." bumuntong hininga ako at tumango na lang, Sa dami ng nasugatan paano niya iyon maaasikaso lahat.
Wala dito si tito, Ang nag-iisa niyang kapatid. Nasa france ito at isa siyang doctor doon.
"Okay dad, Mag-iingat ka na lang. Hihintayin kita dito.." yumakap ito sakin bago lumabas ng kwarto, muli akong napabuntong hininga at sumulyap kay mommy.
Sana panaginip na lang ito, Masamang panaginip.
Naupo ako sa upuan malapit sa kama, sumunod sakin si vivian at tahimik rin na nakatingin kay mommy. Wala na akong alam na sabihin ngayon, ang hinihiling ko lang magising na si mommy at gumaling na.
Yun lang.
Bumukas ang pinto kaya napatingin ako, Nakita ko si miguel doon na may nag-aalalang tingin sa akin. Lumapit ito at agad sinuri ang aking kamay.
"Are you okay?" tumango ako bilang sagot, medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil alam ko na nandito siya para damayan ako.
"Hindi ka ba nasaktan?"
"No miguel, wala naman ako sa factory kanina.." kumalma ang itsura niya dahil sa sagot ko,
"Nag-alala ako kanina ng mapanuod ko ang balita, Hindi na kita naabutan sa factory kaya dumiretso na ako dito.."
"You don't need to worry, Maayos naman ako. Nag-aalala lang ako kay mommy.." tumingin ito kay mommy at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Kumusta na siya?"
"She's not okay, Pupunta sila ng france pagkatapos ng one week.." sagot ko, humarap ito sakin.
"Doon siya magpapagaling?"
"Yeah.." maikling sagot ko, nanatili itong nakatayo kaya tumayo ako para paupuin siya sa mahabang sofa. Nasa kabilang side na si vivian at nakikinig lang sa amin.
"Sasama ka ba sa kanila?" tanong niya ulit kaya bumuntong hininga ako.
"I don't know, pinag-iisipan ko pa. Masyado na kasing stress si daddy baka makadagdag problema lang ako.." hindi siya sumagot sa sinabi ko, kung aalis ako siguradong maiiwan siya at hindi ko alam kung anong pweding mangyari, hindi rin ako sigurado kung ilang buwan magpapagaling si mommy doon.
"Magsabi ka lang kung kailangan mo ng tulong okay?" biglang anas niya, tipid akong ngumiti.
Mukhang hindi ko kayang iwan ang lalakeng ito, Gusto ko rin naman makitang magpagaling si mommy kaso nga lang baka maubos ang pera ni dad at dumagdag pa ako sa gastos.
Ayaw pa naman niyang umaasa sa kuya niya.
Tumingin muli ako kay mommy at hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan niya, Naramdaman ko na hinawakan ni miguel ang kamay ko kaya nilingon ko siya. Ngumiti ito sa akin kaya napangiti ako.
Kahit sa ganitong sitwasyon kasama ko siya, hindi niya ako nakalimutan kahit na may importante siyang ginagawa.
Ngayon ko lang lubos naisip na sobrang swerte ko sa buhay, Lalo na ngayon nakilala ko siya.
_____
To be Continued..