Chapter 22
Luna Pov
"Lets go luna may binili ako sayo, siguradong bagay na bagay iyon sa katawan mo.." hila-hila ako ni mrs sandoval patungo sa kwarto niya at halos takbuhin niya iyon kaya nilakihan ko ang bawat hakbang.
Kakatapos lang namin mag-almusal ng agad niya akong yayain sa kwarto, Hindi ko alam kung anong ipapakita niya.
"I have something for you, dumaan kami ng mall kagabi at naalala kita. Sabi kasi ni miguel dito ka muna mag-sstay kaya binilhan kita ng damit.." pinaupo niya ako sa kama habang ako ay tahimik lang na nakatingin sa kanya, May kinuha itong tatlong paperbag na agad niyang ini-abot sa'kin.
"Open it open it.." excited na wika niya kaya binuksan ko iyon, bawat isang paperbag ay naglalaman ng dalawang damit. Iyong isa dalawang sleeve dress, jumpsuit at sando.
Nang buksan ko ang isa ay halos mapilitan akong ngumuti dahil sa nakita, night-tees? bakit merong ganito.
"You like it?" nakangiti nitong tanong, tumango ako bilang sagot.
"Nag-abala pa po kayo tita.." nahihiyang ani ko, umiling siya at umupo sa kama.
"Hindi ka naman abala sa'kin, Alam mo i-suot mo ito mamaya pag matutulog ka.." turo niya sa night'tees na hawak ko, napakamot ako sa ulo.
"Ah eh, bakit po?"
"Ha? Anong bakit, syempre para magka-apo na ako sa inyo. Gusto ko na kayang magka-baby dito sa bahay.." halos masamid ako sa sinabi niya kaya hindi ko alam kung anong magiging reaction ko dito.
Kaya niya ako binilhan ng ganito para magka-apo na siya? What the h*Ll.
"What's that reaction hija? Hindi ka ba nag-susuot ng ganyan?" tanong niya pa, pilit akong ngumiti para hindi siya mag-isip ng kung ano.
"Nagsusuot naman tita, Pero hindi naman kami mag-katabi ni miguel natutulog. Sa guest room po ako.." nalungkot ito na parang bata, ngunit kalaunan din ay ngumiti siya.
"Hm ganun ba? Akala ko pa naman magkaka-apo na ako, Hmm.." bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko.
"But don't worry, Once you wear this clothes am sure he gonna love it at siguradong magkaka-apo na ako hehehe, Alam mo hija matanda na si miguel at di'ba nasa right age ka na, Kaya dapat bigyan niyo na ako ng apo.."
"Ah eh hehehe.." hindi ko alam kung anong isasagot sa mga sinasabi niya, bente kwatro na ako and I'm turning 25 hindi ko alam kung ready na ba ako sa baby na sinasabi niya.
Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang nakasilip na si miguel, Omg thanksgod nandito na ang savior ko.
"Oh, Hi Miguel, Aalis ba kayo ni luna?" tanong ng mommy niya, Nanatiling nakasilip si miguel at hindi pumasok.
"No, May aasikasuhin lang ako sa restaurant.." sagot nito bago lumingon sakin. "May lakad ka ba?" tanong niya.
"Ah, hindi ko alam. Bakit?"
"Wala lang, Nariyan na ang kotse mo sa harap, Kung maiinip ka dito puntahan mo na lang ako sa restaurant.."
"Okay Sge, Thankyou.." Sinara na nito ang pinto kaya muli ko'ng ibinalik ang mga damit sa paperbag.
"Mukhang sanay ka na sa ugali ni miguel.." nag-angat ako ng tingin kay tita at nakita itong nakangiting nakatitig sakin.
"Sanay na po, pero minsan naman sumusumpong ang pagkamadaldal niya.."
"Hm, buti naman. Si dante ganyan din ang ugali niya noon, daddy ni miguel. Hawig na hawig sila maging ugali.." natatawang ani niya, mas kamukha niya nga si tito kesa kay tita.
Pero mukhang madaldal naman si tito, Hindi kagaya ni miguel mapagkakamalan mo pa siyang pipi kung hindi mo ito kilala.
"Pero kahit tahimik ang mga ito, Sobrang bait naman nila.." dagdag niya pa, nakangiti akong tumango.
"Hindi ka ba aalis ngayon?" tanong niya pa.
"Baka mamaya po, Pupunta lang ako sa kaibigan ko.." sagot ko, pupuntahan ko muna siguro si vivian bago ko puntahan si antonette baka doon na lang muna ako sa bar pumasok. Magbabantay lang naman ako doon.
"Okay, Aalis din kasi kami buti naman at may lakad ka. Masyadong nakakainip dito sa bahay."
"Oo nga po.." sagot ko, tumayo ito at itinali ang kanyang buhok.
"Maliligo na ako hija, Next time lumabas tayo hm? Tayo lang dalawa hayaan mo muna si miguel.."
"Ah hehehe, kayo po ang bahala.." nahihiyang tugon ko, kung sigurong ganito si mommy baka marami na kaming bonding sa isa't-isa. Pero hindi, Masyado kasi silang busy sa trabaho kaya minsan sa bahay na lang kami nagkikita.
Mabibilang ko siguro sa mga daliri ko kung ilang beses kaming nagbonding, minsan puro mga bussiness party lang o di kaya christmast at newyear yun lang.
Matapos namin mag-usap ni tita ay nagtungo na ako sa guest room dala ang mga binili niyang damit, Elizabeth pala ang pangalan niya at dito siya sa manila lumaki. Nalaman ko rin na tubong negros ang daddy ni miguel, Doon din pinanganak si miguel at lumaki. lumipat lang sila dito noong high school student na siya dahil nagtayo ang daddy nito ng isang restaurant.
Dalawa pala ang restaurant nila at ang isa ay pagmamay-ari ni miguel.
So sa lumang bahay pala siya lumaki, pero bakit hindi niya naisipan parenovate iyon? Masyado ng luma.
Riiinnnggg..
Naputol ang pag-iisip ko ng tumunog ang cellphone ko, Agad ko iyon kinuha sa bag at halos ilabas ko lahat ng laman nito dahil natabunan pala iyon sa ilalim.
JASPER Calling....
Naipatong ko na lang iyon sa kama dahil si jasper lang pala ang tumatawag, Ano pa bang ini-expect ko e siya lang naman ang may alam sa number ko.
Dapat pala kinuha ko rin ang number ni miguel, pero parang ang pangit naman tingnan. Dapat siya ang kumuha wag ako,
kamot ulo akong naupo sa kama at doon ko lang nakita ang isang paperbag pa, Nangunot ang noo ko at agad iyon binuksan.
"Sh*t.." halos mamula ako ng makitang underwear lahat iyon at may bra pa na kuhang kuha ang sukat ko.
May nakita akong notes doon kaya binasa ko.
'Next time wear a bra if i have visitor' -Miguel.
"Bwist, E sa nakalimutan ko'ng mag bra!" inis na wika ko at muling ibinalik ang note, tsk paano naman niya nalaman ang sukat ko? Manghuhula ba siya?
Tumayo na ako at nagtungo na sa banyo para maligo, Mamaya ko na lang iisipin kung paano niya nalaman. Iisipin ko muna ngayon ang mag trabaho, siguro susubukan ko muna ang alok ni antonette. Kung hindi ko magugustuhan doon baka mag-aapply na lang ako sa iba.
Nakakahiya naman kung nandito lang ako, Nakikitira na nga ako wala pang trabaho, Mas okay din na may sariling pera. Baka itatabi ko muna ang atm card ko for emergency.
Buong buhay ko ngayon ko lang naranasan magtipid, Masyado yata akong naging magastos kaya nakakarma ako ngayon.
Pumikit na lang ako at sinalubong ang tubig sa shower, Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako at agad ng nagbihis. Sinuot ko na agad ang jumpsuit na binigay ni tita elizabeth, maging ang bagong underwear na binili ni miguel.
Tsk, Kung may makakaamoy sakin mahahalatang bago ang damit ko. Hindi man lang nalabhan, Siguro next time pag-aaralan ko naman maglaba.
Napailing ako sa naisip bago lumabas ng kwarto, hindi na ako nagdala ng bag at hinayaan ko lang ang cellphone kong nakapatong sa kama, Magtatrabaho lang naman ako hindi na kailangan ng bag.
Babawasan ko na ang kaartehan.
Nang makarating sa sala ay tahimik na ang paligid, mukhang umalis na sila tito at tita dahil wala na akong naririnig na ingay, Chineck ko muna ang kusina at nakitang malinis na doon.
Mukhang naglilinis pa si miguel bago pumasok ng restaurant, Napaka-sipag naman niya.
Dapat yata pag-aralan ko na lahat, Nakakahiya nga dahil marunong pa siya sakin ng gawaing bahay.
Naglakad na ako palabas at nilock muna ang pinto bago magtungo sa kotse, Nakita ko naman na may nakaipit na note doon kaya kinuha ko at binasa.
'Drive Safely'-miguel
"Tsk, Uso pala sa kanya ang note.." naiiling na anas ko, Hindi na ako magtataka kung bukas ay puno na ng note ang bahay.
Ang dami lang alam.
Sumakay na ako sa kotse at nilagay na lang ang note sa harapan, Agad ko na iyon minaneho patungo sa salon nila vivian para doon muna magpalipas ng oras.
Mamaya pa lang 6;00pm magbubukas ang bar at hanggang 10;00pm ako magbabantay doon kung papasok ako, Kasama ko naman din si antonette.
"Oh luna, Kumusta ka na?" pagpasok ko pa lang sa office ni vivian ay yun na agad ang tanong nito, naupo naman ako sa harapan ng table niya.
"Maayos naman, Bakit mukha ba akong hindi okay?!" asik ko, umiling ito.
"Hindi naman, you look good pa nga at hindi ka na mukhang drakula.." nahagilap ko ang suklay at agad binato dito, naiwasan niya iyon at tawang tawa na tumingin sa'kin.
"My god hindi ka na mabiro ha! Nahahawa ka na yata kay miguel.." natatawang aniya pa at kinuha ang suklay.
"So? Inggit ka?!" singhal ko, tumingin ito sa'kin na parang na-shock.
"Ofcourse no, I have rex in my life bakit ako maiingit!" ako ngayon ang natawa.
"Tsk, Pinagmamalaki mo na ngayon si rex ha?! Hindi ko nga alam kung supot ba yan o ano.."
"What?! Don't say that luna, Hindi siya supot because i saw it already.."
"What the h*ck vivian! Kailangan pa bang sabihin mo yan?!" hindi makapaniwalang tanong ko, Pambihira talaga siya.
"Hahaha syempre bakit inggit ka?!" pang-aasar pa nito sa'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Shut up!" ani ko, ngunit tumawa lang siya.
"Baka nga hindi pa kayo nag-kiss e."
"Huh, Nagkiss na kaya kami.." pagmamalaki ko pa, napapalakpak ito.
"Edi nahawakan niya na yan?" turo niya sa dibdib ko kaya napatayo ako,
"Sh*t! Can you stop asking that vivian, Napaka-libog mo talaga.." singhal ko, tumayo ito at naglakad papunta sa sofa.
"Tsk tsk, Hindi na ako inosente luna. Once na nahalikan ka na ng boy mahahawakan niya na yan.." nag-iwas ako ng tingin, Isa talaga siyang expert pag dating dito.
"I am right?"
"Oo na bwist ka!" naiiritang sagot ko na kinahagalpak niya, napapairap na lang ako dahil sa tawa niya.
Mapapaamin ka talaga ng wala sa oras.
"Anong feeling luna nieves? Sigurado pag nahawakan niya na yan tutungo na kayo sa ibang level.."
"Ibang level?" kunot noong tanong ko, tumango siya.
"Oo, Nasa level 1 kana. Tapos level 2 bababa na yan Omy gosh mamapa-ungol ka talaga, And then level 3 naku sinasabi ko sayo titirik 'yang dalawang mata mo.."
"Baliw ka na!" sigaw ko sa kanya at umayos ng upo, Ano bang pinagsasabi niyang level level na yan. May ganon ba?
Ano naman kaya ang level 2? Siguro ang tinutukoy niyang level 3 ay ang s*x, e ano naman ang pangalawa. Tsk! Bakit ko ba iniisip iyon!
"Oh, ano napaisip ka no?" wika niya pa, tumayo ako at pinagtaasan ito ng kilay.
"Pwedi ba wag na natin pag-usapan ito, masyadong bastos iyang bibig mo.." giit ko natawa siya.
"Bakit ba? Hindi mo ba pinagnanasaan si miguel? Hindi ka ba curious kung anong flex ng kanyang katawan?" muli pa nitong tanong habang tinataas baba ang kanyang kilay.
Kung katawan niya lang nakita ko na, Except lang sa ibaba. D*mn baka nauubo na siya ngayon dahil siya ang topic namin.
"Pwedi ba wag na natin siyang pag-usapan, Siguradong hindi na ito nakakapag-concentrate sa pagluluto dahil siya ang topic natin buhat kanina.." wika ko at naupo sa tabi niya, Ano kayang ginagawa niya ngayon?
"hm Okay, Edi puntahan natin siya sa restaurant.." usal niya at nakangiting tumayo.
"Wag na, baka maabala pa natin siya.."
"Uh? Abala ka na ba sa kanya ngayon?" takang tanong nito, umiling ako.
"Hindi naman, Sinabi niya naman sa'kin kanina kung maiinip ako sa bahay puntahan ko na lang siya.." sagot ko kaya mas lalo itong natuwa. Baliw talaga.
"Iyon naman pala, Edi pumunta na tayo at maki-kain.."
"Tsk, Pagkain lang talaga ang habol mo 'no?" nakangiwing ani ko at sumandal sa sofa, tinaasan niya ako ng kilay.
"Ofcourse luna be practical, Sa panahon ngayon utak na ang ginagamit.." Nakaturo pa ito sa sintido habang nakapamewang, Tsk practikal?
"Sabagay swerte ka naman kay miguel, Gwapo, mayaman, Saan ka pa! Ideal man ito. Marunong magluto, marunong kahit saan. Napapaisip nga ako kung marunong din siya sa kama.." napatayo ako dahil sa sinabi nito at aambahan na sana siya ng batok ngunit tumakbo siya.
"Leche ka talaga vivian, Mai-singit mo lang talaga iyang kalibugan mo ha!" sigaw ko dito, tumawa siya.
”Bakit ba? para 'ngang gusto ko ng tawagan si rex e.."
"What the h*ll, tara na nga pumunta na tayo sa restaurant!" asik ko at naglakad patungo sa pintuan, dinig ko pa ang pagtawa niya kaya inis ko itong nilingon.
"Anong nakakatawa?!"
"Bigla ka kasing pumayag e. Bakit nalibugan ka rin ba?"
"Tang*na, itikom mo nga 'yang bibig mo.." naiiritang singhal ko, bwist para na akong mababaliw sa kanya.
"Jowk lang! Pero mabilis lang tayo doon okay? Babalik din ako dito.."
"Bahala ka.." nasagot ko na lang at nauna ng pumunta sa kotse, Hinintay ko pa ito dahil kinausap niya pa ang mga empleyado..
Nang makasakay na siya sa kotse ay agad ko na iyon minaneho patungong restaurant, Nakita ko naman na maraming nakapark kaya sa kabilang kalsada na lang kami pumarada.
"Oh thats miguel right?" tanong ni vivian habang nakaturo sa bintana, sumilip ako doon at nakita nga si miguel na may kausap na babae.
"Bakit kasama niya yan luna?" takang tanong pa nito, sumama ang tingin ko dahil sa nakita.
Bakit nandito na naman ang impaktang 'yan? Hindi niya pa rin ba nilulubayan si miguel.
"let's go let's go! Pakinggan natin ang pinag-uusapan nila.." nagmadali itong lumabas ngunit nanatili parin ako sa loob, nakasimangot itong sumilip sa bintana.
"Ano? panonoorin mo na lang bang pinapapak ang boyfriend mo?! Lumabas ka na riyan!"
Umiling ako "Baka makita niya ako, ikaw na lang.."
"Tsk, magtatago nga tayo di'ba? Ayun doon tayo sa gilid ng van." turo niya pa sa kulay itim na van, Nasa gilid sila ng restaurant at parang seryoso ang pinag&uusapan nila kaya nacurious ako.
Ano na naman kayang eksena ng babaeng yan.
Lumabas na ako kaya halos hilain ako ni vivian patakbo sa kabilang daan, Agad kaming nagtago sa van habang si vivian ay nakasilip at nauuna sa'kin.
"2weeks pa before her birthday, pero pinabibigay na ni natasha sa'yo dahil makakalimutin ka.." dinig ko'ng wika ni selena, Sinong natasha? Birthday?.
"Hm, Bakit hindi na lang siya ang nagbigay?" tanong ni miguel, nanatili akong nakasandal at hindi tumitingin sa pwesto nila.
"Busy daw siya, Si noah naman may project sa davao kaya hindi niya mahatid sa'yo. So ako na lang ang inutusan niya since malapit naman tayo sa isat isa.." napairap ako dahil sa narinig, malapit sa isa't isa? Edi sana ikaw ang jinowa at hindi ako, ang sarap niya lang talagang kalbuhin.
"It's that so.." maikling sagot ni miguel, nakisilip narin ako kay vivian at halos tumaas ang kilay ko ng ikawit ni selena ang kamay niya sa braso ni miguel.
"Yeah, And ofcourse I am your partner.."
Tsk? Partner, Nahihibang na siya.
"Alam mo naman kung sinong kasama ko diyan, selena.." sagot ni miguel, bumitaw si selena.
"Si luna ba? Edi mag-share na lang kami sa'yo, pwedi naman diba. Gusto ko lang na isayaw mo ako please.." hindi ko alam kung ilang beses na akong napairap dahil sa naririnig dito. Lumingon sa'kin si vivian na naiiling.
"Okay.." sagot ni miguel na kilaglag ng panga ko, pumayag siya? Bwist.
Hindi naman ako sasama! Mag-solo silang dalawa!
"My god luna, May pagkahigad pala ang babaeng iyan sh*t look yumakap pa!" hindi ako umimik at pinanood lang na yakapin niya si miguel, inamoy niya pa ito na lalong kinainis ko.
"Wew, hahayaan mo na lang bang mag-babae si miguel?"
"Magbabae?!" gulat na tanong ko, tumango siya at itinuro sila miguel. Papasok na ang mga ito sa restaurant at hindi ko nakita kung tumugon ba ito sa yakap niya.
"Oo g*ga! Obviously naman na nagbabae siya di'ba?"
"Mukhang hindi naman.." sagot ko at pilit winawaksi sa isip ang sinasabi niyang pagbabae, Wala ngang reaction si miguel kanina.
Masyado lang talagang malandi ang babaeng iyon.
"Tsk bahala ka! Binabalaan lang kita bantayan mo 'yang boyfriend mo dahil may nakaaligid na paniki! Nakakaimbyerna talaga umagang umaga may nakakagalang paniki sa pilipinas!" naiiritang ani niya pa ngunit hindi ko na ito pinansin, Bumalik na lang ako sa kotse at sa passenger na lang naupo.
Wala ako sa mood magdrive at baka paliparin ko lang ang kotse dahil sa inis ko. Naiinis ako sa babaeng impakta! Bakit hindi niya malubayan si miguel.
"Hoy wag ka na 'ngang mag emo riyan! Mukha 'kang tukmol!" sinamaan ko ng tingin si vivian na nakaupo na sa driver seat.
"Hindi ako nag e-emo, leche!"
"Tsk! Hindi tuloy ako nakakain dahil sa paniking iyon! Panira siya ng araw!" naiinis na anas niya at binuhay ang makina,
"Mag&take out ka na lang sa ibang restaurant.." ani ko ng paandarin niya na ang kotse. Napakamot na lang ito ng ulo at salubong ang kilay na tinahak ang daan.
____
Buong maghapon akong nagstay sa salon at naghihintay lang ng oras para pumunta sa bar nila antonette.
Medyo nakakaramdam pa ako ng inis kay selena at kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko, Naiinis ako sa katotohanang magkasama sila hindi ko alam bakit kailangan niya pang puntahan si miguel. Alam naman niyang may girlfriend na ito pero hindi parin siya tumitigil.
Ano siya? Bantay salakay, Pag wala ako doon siya susulpot. Tsk!
Bumuntong hininga na lang ako atsaka tumayo, tiningnan ko pa ang oras sa wallclock at nakitang 5;30 na.
"Aalis ka na?" tanong ni vivian, nakaharap ito sa salamin at nag-aayos siya ng mukha.
"Oo, nandoon na siguro si antonette diba?"
"Yeah, 5;00 pa lang pumapasok na siya.." anas niya at lumapit sa'kin "Dito lalagyan ko muna ng buhay ang fess mo.." dagdag niya pa at hinila ako paupo sa harap ng salamin.
Hindi na kasi ako nag-ayos dahil wala naman akong dalang make-up, Halos naiwan lahat ng gamit ko sa bahay at ang tanging natitira lang ay ang mga madudumi kong damit na sinuot ko sa pagbabantay.
"Tsk! wag muna akong lagyan niyan, ayusin mo na lang ang kilay ko!" asik ko dahil balak niya pa akong lagyan ng eyeshadow, Hindi naman ako pupunta doon para mag-paganda at mag-display.
"Konti lang naman para gumanda ka.."
"Maganda naman ako kahit wala niyan!" singhal ko, napaismid na lang siya.
"Edi ikaw na ang dyosa.." ani nito at ang kilay ko na lang ang inayos niya,
"Pwedi na 'yan!" tumayo na ako at chineck ang itsura ko sa salamin bago humarap dito.
"Ang pula masyado ng lipstick mo!" reklamo ko pa, ngumisi ito.
"Nakakaakit kaya ang mapulang lipstick luna."
"Tsk, hindi ko naman aakitin ang mga costumer doon." anas ko at inayos ang aking suot.
"Aalis na ako, pupunta ka ba doon mamaya?"
"Ahm, hindi ko alam pero titingnan ko may family dinner kasi kami.." sagot nito, tumango na lang ako at naglakad papunta sa pinto.
"I have to go, thankyou sa lunch.." ani ko pa at nagtungo na sa labas para sumakay ng kotse.
Nang marating ko ang bar ay naka-open na nga ito, Pumasok na ako at dumiretso sa taas at doon ko naabutan si antonette na naguutos sa mga empleyado niya. Napalingon naman ito sakin ng makita akong nakatayo.
"Your here luna, mag s-start ka ba ngayon?" tanong nito ng makalapit sa'kin, hinila ko ang upuan at doon umupo.
"Yeah, Wala naman akong ginagawa sa bahay.."
"Sa bahay nila miguel di'ba?" tanong niya ulit at naupo sa tapat ko.
"Hmm, " tumango ako at tiningnan ang mga naglilinis.
"Alam ba niya na pumasok ka dito?"
"Hindi ko na nasabi sa kanya e.." sagot ko ngumiwi siya.
"Lagot ka, bakit hindi mo pinaalam? Baka hanapin ka ng tao.."
"Nakalimutan ko lang okay, At saka pinuntahan namin siya kanina pero busy ito.." ani ko at nangalumbaba sa lamesa.
"Tsk Bahala ka, Dito ka na lang magbantay sa taas doon na ako sa baba."
"Sige.." maikling sagot ko at tumayo para pumasok sa loob ng counter.
Alam ko naman ang ginagawa dito, Nasanay na yata ako dati twing pupuntahan ko siya. Sikat ang bar na ito at hindi siya katulad ng ibang bar na may halong babae. Yung bang club tapos may tinatable silang babae at binabayaran.
Dito kasi ay puro inuman at sayawan lang, may mga vip room din para sa mga gustong mag videokie at kwarto para sa mga gustong mag overnight dito.
Nagtingin tingin lang ako sa loob ng counter at chineck lang ang mga wine na nakahilera doon, Sa ilalim ang mga bartender dahil mas malawak ang ispasyo doon, Nasa baba din ang dancefloor at dito naman ang mga videokie room. Ang ganda nga ng negosyo nila patok patok sa mga kabataan.
Naupo na lang ako at tiningnan ang mga ibang costumer na naguumpisa ng pumasok, May sounds na din kaya hindi na masyadong boring. Hindi naman siguro magagalit si miguel pag nalaman niyang nandito ako, trabaho lang naman ang pinunta ko at hindi alak.
_____
Lumipas ang oras at alas nuebe na ng gabi, Isang oras na lang ay makakauwi na ako. Iniisip ko nga si miguel dahil alam ko na maaga siyang umuuwi.
Dapat pala nag-iwan din ako ng note na nandito ako para hindi niya ako hanapin, Tsk napaka-boba ko talaga! Baka magalit pa siya at sumpungin na naman ng pagkarobot.
Napahilamos ako sa mukha dahil naiimagine ko na ang salubong nitong kilay at matang nanlilisik sakin, Ano bang magandang dahilan? Sasabihin ko ba na nakita ko sila ni selena at nainis ako kaya hindi na ako nagpaalam? Ganon ba? Haissssttt! Bahala na!.
"LUNA!" Gulat akong nag-angat ng tingin dahil sa lalakeng tumawag ng pangalan ko, Nakangiti ito at agad ipinatong ang kamay sa bar counter.
"Hi." maikling bati ko kay jasper, Naka-suit ito at gwapong gwapo sa porma niya ngayon. Nag-ooffice ba siya?
"Kumusta na?" nakangiti nitong tanong.
"Maayos naman" sagot ko sabay tayo sa upuan,
"Gusto mo ng drinks?"
"Okay, give me wine the hard one.." anas nito kaya pinili ko ang pinaka-hard drink na wine.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko luna?" tanong niya ng maibigay ko na ang baso, nilapag ko muna ang bote at naupo ulit.
"May naging problema lang, family matters kaya hindi na ako nakakagamit ng phone pero nababasa ko naman ang message mo.."
"Oh ganun ba, Akala ko ayaw mo akong kausap e.." wika niya pa at nilagok ng minsanan ang alak, hindi ako sumagot.
"Sa monday na ang birthday mo di'ba?"
"Yeah, But I cancelled it. Nasa ibang bansa kasi ang mga parents ko.." ani ko at kumuha ng baso, nagsalin ako ng konti para medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"Are you okay?" nag-aalala nitong tanong kaya ngumiti ako.
"Oo naman" sagot ko at ininom ang wine.
"Hmm, Alright. By the way your beautiful tonight.." napailing ako dahil sa sinabi niya.
"Lagi mo naman sinasabi 'yan tuwing nakikita mo ako.."
"Totoo naman kasi and I like the way you smile, your pretty."
"Okay.." nasabi ko na lang at muli siyang sinalinan ng wine dahil nilahad niya ang baso.
"So, Why are you here? Pumapasok ka ba dito?"
"Oo.." maikling sagot ko, itinabi ko na ang baso ko dahil wala naman akong balak uminom ng marami.
"Ganun ba? Pwedi kitang ipasok sa company ni dad nakapag-tapos ka naman siguro di'ba?"
"Yeah, bussiness.."
"Oh sakto, pwedi kitang I-hired doon as secretary. Kesa magstay ka dito hindi ba? Delikado sa bar.." anas nito napaisip ako, Sabagay mataas naman ang sahod ng secretary kaso nga lang nakakasakit ng ulo.
"Pag-iisipan ko muna, Tatawagan na lang kita pag nakapag decide na ako.."
"Okay, Sana pumayag ka gusto kitang makasama sa trabaho.." saad niya pa at inubos ang wine, Tsk bawal na kitang makasama dahil siguradong magagalit si miguel. Sa totoo lang hindi na dapat ako nakikipag-usap sa kanya.
"I think thats a bad idea, Masyado kasing selo---"
"Luna." hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil biglang sumulpot si antonette.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nito, napasulyap pa siya sa kausap ko.
"Ang aga pa ha?"
"9;30 na, pwedi ka ng mag out baka hanapin ka na ni warden.." ani nito, Sumulyap siya muli kay jasper bago sa'kin halatang nagtataka kung bakit kausap ko siya.
"Ah siya si jasper, Jasper this is antonette the child of owner, my friend.." pakilala ko dito, naglahad ng kamay si jasper.
"Hello, Nice meeting you.." anas ni jasper, tinanggap iyon ni antonette.
"Magkaano-ano kayo?" tanong pa ni antonette nangunot ang noo ko,
"Ah wala, I'm just her friend we meet in cebu last week." sagot ni jasper, kinurot ko sa tagiliran si antonette kaya napabitaw ito.
Isa rin maharot e.
"Ahh hehehe, I thought your courting her.."
"Antonette.." pagbabanta ko dito, ngunit tumawa lang siya.
"Hahaha hindi pa, But I'm planning that. I like your friend you know that.." tugon ni jasper, napaismid na lang ako habang nakatingin kay antonette.
D*mn it. Courting mo mukha mo, mayayari na ako kay miguel.
"Ahm, Uuwi na ako okay. Medyo gabi na kasi.." pagiiba ko ng topic, tumayo si jasper.
"Ihahatid na kita."
"N-no, Ah i mean wag na may kotse naman ako.." mabilis na sagot ko, tsk I need to avoid him baka sa message ko na lang sasabihin na may boyfriend na ako.
"Ganun ba? Okay mag-iingat ka na lang sa pagmamaneho.."
"Yeah ofcourse, thankyou.." Inirapan ko pa si antonette na nakangisi sa'kin bago ako lumabas ng bar counter.
Mabilis ang bawat hakbang ko palabas para makasakay na ng kotse. Siguradong umuusok na ang ilong ni miguel dahil wala pa ako sa bahay, Tsk bakit kasi hindi ko sinabi.
Nagmadali kong paandarin ang kotse patungo sa bahay nila miguel at buti na lang hindi traffic ngayon, Nang makauwi sa bahay ay nakita kong nakapatay na ang ilaw sa buong silid.
Tahimik 'kong pinark ang kotse sa harapan at dahan dahan bumaba, Hindi ako gumawa ng ingay habang naglalakad patungo sa pinto. Pasalamat na lang ako at hindi nakalock kaya agad akong nakapasok sa loob.
Tinahak ko ang madilim na sala patungo sa hagdan at dahan dahan ang bawat yapak para hindi makagawa ng ingay.
"Where have you been?" nahinto ako sa paglalakad ng marinig ang malamig na boses ni miguel, nilingon ko ito at nakitang nakaupo pala siya sa mahabang sofa.
Sh*t, bakit hindi ko siya napansin.