Chapter 34
Luna Pov
KINABUKASAN
Dama ko ang init saking mukha habang nakapikit, Minulat ko ang mata at bumungad sakin ang nakabukas na bintana. Nasisinagan pala ako ng araw,
Dinig ko ang mga huni ng ibon doon at sariwang hangin na pumapasok sa bintana, tuluyan ng nagising ang diwa ko kaya balak ko sanang mag-unat ngunit may dalawang bisig ang nakayakap sakin.
Napabaling ako sa likuran at doon nakita ko si miguel na mahimbing ang tulog habang nakayakap sakin, Nakatalikod ako at sobrang higpit ng yakap niya. Ngunit napatingin ako sa ilalim ng kumot ng maramdaman ang isang kamay nitong nakahawak sa kabila kong dibdib, Mabilis akong naupo kaya napadaing ito dahil sa biglaang pagka-gising.
"It's too early, Come here." hinila nito ang kamay ko ngunit binawi ko rin iyon.
"Tirik na ang araw, babangon na ako."
"Tsk mamaya na! Let's cuddle five minutes.." umupo ito sabay yakap sakin, Pero tumayo din ako sa kama at masama itong tiningnan.
"Baka nakakalimutan mo! flight natin ngayon."
"Yeah i know." ngising turan niya, nakatitig saking katawan. Napayuko ako at doon ko lang napansin na wala pa pala akong suot kahit ano.
"D*mn." hinila ko ang kumot at binalot iyon sa katawan. "Stop laughing." suway ko, kinuha ko ang unan at binato sa kanya.
Sapol sa mukha.
"I already saw that, why do you need to cover it?"
"Shut up!" dinuro ko ito ngunit tumawa lang siya at walang sabing hinila ang kumot.
"Give me that!"
"Why? you have beautiful curves." binato ko siyang muli ng unan ngunit nasalo niya ito at natatawang niyakap.
"Manyak!"
"Sayo lang naman."
"Akina nga yan!" hinila ko na ang kumot at tuluyan ng binalot sa katawan ko, Muli akong kumuha ng unan at malakas na binato sa kanya.
"Aba't hindi ka titigil! nakakarami ka na!" tumayo ito kaya umikot ako sa kama.
"Manyak ka kasi!" ngumisi ito at naglakad papalapit, dinuro ko siya kaya huminto ito at tinaas ang kamay.
"Maliligo na ako! Wag kang lalapit!"
"Sabay na tayo."
"Huwag na!"
"This is my room, So let's take a bath together." ngumisi siya ng nakakaloko, Mukhang sinaniban na ng ibang nilalang ang lalakeng 'to,
"Maligo ka mag-isa mo!" tumakbo na ako patungong banyo at mabilis na nilock iyon, sumandal pa ako sa pinto habang yakap ang kumot na nadala ko dito.
Habang tumatagal mas nagiging agresibo yata si miguel, lumalabas na rin ang pagka-pilyo nito. Hindi ko na yata mapipigilang mahulog ng mahulog sa kanya.
_
Matapos maligo ay sumilip muna ako sa labas kung nandoon ba si miguel, Nang makitang wala na siya ay lumabas na ako habang hawak ang roba na nakasuot sakin. Mabilis akong nagtungo sa pinto at tinakbo ang katabing guest room kung saan ang kwarto ko.
Nilock ko iyon bago maupo sa harap ng salamin, Agaran nanlaki ang mata ko ng makita ang pulang bagay saking leeg. Sinipat ko itong mabuti at napagtantong kissmarked iyon, Sinasabi ko na nga ba at magmamarka ang ginawa niya sakin kagabi.
Naiiling akong tumayo at naghanap ng damit na medyo matatakpan ang bagay na ito, ngunit napanguso ako ng makitang tshirt at sando lahat ng damit ko. Wala man lang turtle neck!
No Chooice kung kinuha ang isang blouse at squarepants na mahaba upang ito na lang ang suotin, Matapos iyon ay nilugay ko na lang ang buhok at sinalinsin sa parteng may kissmarked. Mabuti na lang at mahaba ang buhok ko, matatakpan ko ang pulang markang nilagay ng lalakeng iyon.
Napaupo akong muli sa harapan ng salamin at naalala ang nangyari kagabi lang, Hindi ko mapigilan mapapikit dahil sa eksenang iyon. Ibang klase siya pagdating sa ganung bagay, Nakakapanghina at mawawala ka talaga sa sarili mo.
Naimulat ko ang mata ng may kumatok, Inayos ko ang buhok at sinuring mabuti. Hindi naman halata, Sana lang ay walang makapansin.
Tumayo ako para buksan ang pinto, bumungad sakin ang maid na nakauniporme.
"Nakahanda na po ang almusal maam luna." anas nito nginitian ko siya bago sumagot.
"Huwag muna akong tawagin maam, Bisita lang ako dito."
"N-naku maam, hindi pwedi. Nobyo kayo ni sir miguel kaya hindi kayo bisita." nahihiyang turan niya.
"Pero ayaw kong tawagin mo ako ng ganon, Just call me on my name mag kasing edad lang naman tayo." napakamot ito sa batok kaya nginitian ko siya,
"Kung yan po ang gusto niyo." tumango ako kaya nahihiya itong ngumiti.
Kung dati ay wala lang sakin ang tawaging mam or madam, Pero ngayon nagiba na yata ang pananaw ko. Nakasama ko lang si miguel nagbago na ang lahat, Sa tingin ko ay ibang tao na ako hindi na katulad noon.
Dati Hindi ko pinapansin ang mga taong nakapaligid sakin, lalo na at wala itong antas sa buhay. Masyado ko silang minamaliit katulad na lang noon, Nang makilala ko si miguel at pagkamalan siyang mekaniko at mas worst pa ay ang pagbintangan siyang magnanakaw.
"Luna hija, Come here.." naputol ang pag-iisip ko ng tawagin ako ni tita, kakababa ko pa lang ng hagdan habang siya ay saktong patungo sa dining.
"Aalis na talaga kayo ngayon?" tanong nito ng makalapit ako.
"Opo tita, Pasensya na po. Kinausap ko naman si miguel tungkol sa hacienda ngunit pag-iisipan niya daw muna." anas ko, bumuntong hininga ito atsaka tumango.
"Ayos lang, magbabago naman siguro ang isip nito." sagot niya, hindi na ako sumagot dahil wala na akong alam na sasabihin.
Kinausap ko naman na si miguel tungkol doon.
"Halika na, Nandoon na si miguel at dante." Iginaya niya na ako patungo sa dining at doon nakita ko si miguel na prenteng nakaupo, hindi siya kumakain nagkakape lang habang may hawak na magazine.
Nag-angat ito ng tingin, saktong tumama sakin ang mata niya bago ngumisi. Inirapan ko siya, Para saan ang ngisi niyang iyon.
"Napahaba yata ang tulog mo hija." anas ni tito, umupo ako sa tabi ni miguel habang si tita ay tumabi kay tito dante.
"A-ah opo." nasagot ko na lang, ayaw ko naman sabihin na nagtagal ako sa pagliligo dahil sa anak nila.
"Malamig kasi kagabi, masarap matulog." makahulugang sabat ni tita, ngumiti ito sakin kaya ngiting pilit lang ang naiganti ko.
"Masarap ba ang tulog mo kagabi?" biglang tanong ni miguel, nilingon ko ito. Sumisimsim siya ng kape habang nakatingin sa binabasa.
"Hindi gaano, maalinsangan kasi sa kwarto." anas ko, puno ng Sarkastiko.
Ngumisi siya, tumingin sakin "Baka nainitan ka masyado." anas nito, sinamaan ko siya ng tingin.
"May aircon naman hija, hindi mo ba binuksan?" tanong ni tito na walang alam sa nangyayari, samantalang si tita ay ngiting ngiti lang na nakikinig.
"Hindi ko ho binuksan."
"Hm, ganun ba? Kung sana ay nagpalit na lang kayo ng kwarto ni miguel, presko doon at malaki ang bintana." dagdag niya pa, kita ko naman sa gilid ng mata ang pagbaba ng tasa ni miguel.
"Ang sarap nga ng tulog ko kagabi." sabat niya pa, hindi ko ito nilingon. baka hindi ko siya matancha ay masipa ko siya,
"Really?" tanong ni tita.
"Yeah, Malambot ang yakap kong unan. napakainit, sakto sa ulan kagabi." nilingon ko ito, pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ang bango pa." anas niyang muli kaya inapakan ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa.
"F*ck!"
"Uh, what happen?" tanong ni tito, umiling si miguel. nakangiwing nakatingin sakin.
"Something bite me." palusot niya hinihimas ang inapakan ko. Ang hilig mo kasing mambwist,
Hindi ko na ito pinansin, Kumuha na lang ako ng pagkain sa hapag at nag-umpisa ng kumain. Humanda talaga siya sakin mamaya,
"Are you sure you're leaving today?" pagbabasag ni tito sa usapan, nilingon ko si miguel nakasandal ito sa upuan niya.
"Yes dad."
"Hindi na ba magbabago ang isip mo?" muli niyang tanong, nanatili naman akong nakikinig.
"Actually, I change my mind. Maybe after the birthday party I'm going back here." turan nito, sumulyap siya sakin. Salamat naman at pumayag na ang lalakeng ito.
"Really son? I'm glad finally you accept the don's offer, But who's the celebrant?" muling tanong nito,
"Tito manuel grand daughter." sagot ni miguel, bumaling na ito kay tito "You know noah right? anak niya ang may birthday, inaanak ko." dagdag niya pa, naalala ko naman ang party na yan. Si selena pa ang nag-abot ng invitation noon sa kanya, kung ganon nandun rin ang babaeng iyon sa party.
"Ahh yeah, Engr. Noah Monteclaro. I know him"
"Oo, Sa makalawa pa naman ang party. Tatawag na lang ako kung paparito na ako, Pero.. hindi ko masasabi na magtatagal ako dito I have obligation and ofcourse i dont want to lose the restaurant." mahabang lintanya nito, muli siyang sumulyap sakin. Makahulugan ang titig niya at alam ko na kung ano iyon,
"I understand, Dont worry Im here to help you."
"Me too son, Im here to support you and luna, right?" sabat ni tita, ngumiti ako at tumango.
Nanatili naman na nakatingin sakin si miguel, kaya nginitian ko rin siya. Hindi naman siguro makakaapekto ang desisyon ni miguel sa relasyon namin, wala naman sigurong magbabago.
Matapos kumain ay pumanhik akong muli sa taas upang ayusin ang mga nagkalat kong gamit, Si miguel naman ay nandoon sa kwarto ni don fabio at mukhang nag-uusap sila. Maswerte si miguel dahil siya ang mamamahala dito sa hacienda, hindi niya na kailangan tumungong syudad para sa negosyo niya dahil dito pa lang ay libo libo na ang kikitain niya. Sa sobrang lawak nito baka hindi lang libo ang kinikita, milyon na siguro.
Mas mayaman siya kumpara sakin, Ako wala na talaga. Pinag-aralan na lang ang meron ako at hindi ko pa nagagamit, Hindi ko lang alam kung maipag-papatuloy pa nila daddy ang kumpanya kung nakasangla sa malaking halaga ang bahay. Baka ngayon pa lang ay lubog na kami sa utang dahil sa pagpapagaling ni mommy.
Bigla naman bumukas ang pinto kaya napalingon ako doon, nakita ko si miguel na nakabibis na.
"What happen? you look bothered?" tanong nito, nakaupo ako sa kama habang siya ay nakatayo sa harapan ko.
Umiling ako "Wala naman."
"Talaga? Ayaw mo bang umuwi?"
"Ano? Hindi ha, Wala naman akong iniisip, inaantok lang ako." sagot ko, umupo ito sa tabi ko kaya nilingon ko siya.
"Matulog ka muna."
"Hindi na, Baka madelay tayo sa flight."
"It's okay, I'll get new tickets tomorrow." mabilis nitong sagot kaya umiling ako at tuluyan hinarap ang katawan dito.
"Ngayon na tayo umuwi, sayang naman ang pera mo." natawa ito sa sinabi ko bago niya ipatong ang palad sa gilid ng kama na inuupuan ko.
"Don't worry about my money."
"Tsk, porket may pera ka dapat ba na maging magastos ka?!" asik ko, salubong ang kilay na nakatingin dito.
"Kahit maubos ang pera ko ayos lang, kasama naman kita." napairap ako dahil sa sinabi niya, Ako nga ayaw ko'ng galawin ang atm ko dahil baka magamit ko ito in case my emergency, pero siya kung makawaldas wagas.
Kung sabagay, baka umaapaw na ang pera niya sa banko kaya ayos lang kung maging magastos siya sa pera.
"Kung uubusin mo lang pala ang pera mo bakit hindi muna lang ibigay sakin? sayang naman." pagbibiro ko pa, tumango naman ito.
"Kung anong meron ako sa'yo iyon, Lahat ng meron ako sayo lahat." seryosong anas niya, iniwas ko naman ang tingin dahil sa pagka-ilang.
"Binibiro lang kita." sagot ko, nanatiling nakatingin sa ibang bagay. "Pinagpaguran mo lahat ng pag-aari mo, kaya kailangan ko rin magpagod para magkapera." dagdag ko pa, tumingin na ako dito. Seryoso parin siya,
"Pwedi din naman akong magtrabaho sa bahay niyo habang wala ka, Edi may sasahurin ako." natatawang ani ko ngunit kumunot lang ang noo niya kaya napawi ang ngiti ko.
"Tsk, Your talking nonsense." giit niya, umayos ito ng upo. "Your applying house maid? tsk! thats pathetic decission." naiiritang ani niya, lalong sumama ang mukha. Napanguso naman ako.
"Why are you not applied house wife then?" biglang anas niya, nakangisi na ngayon.
"What do you mean?"
"Instead of applying house maid, why don't you applied to be my wife?" napakurap ako ng dalawang beses, Habang siya ay hindi mabura ang ngisi.
Bakit napadpad na naman ang usapan sa wife na yan? Ang dami talagang alam ng lalakeng 'to.
"Mag aapply na lang ako ng secretary habang wala sila mom, Bussiness naman ang pinag-aralan ko." tumayo na ako kaya nawala ang ngisi niya, yamot din itong tumayo at salubong na ang kilay.
"So apply to me."
"Bakit sayo?" taas kilay na tanong ko, sumama lalo ang tingin niya.
"Kanino mo gusto? sa ibang lalake! F*ck Wag na! Wala ng uuwi!"
"Ano?!"
"Huwag na tayong umuwi ng manila kung mag-aaply ka lang naman ng secretary!" naiinis na wika niya at pabagsak na naupo sa kama, hinubad pa nito ang sapatos at tuluyan ng humiga.
"Anong problema sa secretary?" tanong ko, binalingan niya ako ng nanlilisik na tingin.
"Maraming problema! Una na doon ay kailangan mong magsuot ng skirt! D*mn pupunitan ko lang iyon pag nakita kita!"
"Ang dami mong problema!"
"Manahimik ka babae, wala ng uuwi dito na lang tayo." tinalikuran ako nito at humarap sa kabilang gilid, umikot lang ang mata ko dahil sa inasta niya.
Nakalimutan ko palang seloso ang lalakeng ito.
"Sige na, hindi na ako maghahanap ng trabaho." anas ko, umupo na sa kama ngunit hindi man lang nya ako hinarap.
"Umuwi na tayo ngayon, may party kapang pupuntahan sa makalawa di'ba?" tanong ko ulit, hindi pa rin siya kumibo kaya nakanguso akong tumalikod dito.
May oras pang mag emote ang lalakeng ito, Baka hindi na kami abutin sa tamang oras at maiwan na kami ng eroplano. Sayang naman ang pinabook niya,
Naramdaman ko ang pag-galaw ng kama kaya lumingon ako, hindi ko na nagawang makalingon ng maramdaman ang dalawang kamay na yumakap sakin mula sa likod.
"Kung gusto mong magtrabaho okay lang." saad nito habang nakapatong ang baba saking balikat "Wag lang sekretarya, maraming nababastos sa pusisyong iyon. Lalo na at maganda ka." anas niyang muli, mahihimigan mo pa rin ang iritasyon t'wing sasabihin niya ang sekretarya.
"Pwedi ka naman magtrabaho sa restaurant."
"Pero hindi ako marunong magluto." sabat ko, nilingon ko ito kaya nagkalapit kami.
"Magstay ka lang doon, hindi ka naman magluluto kasama mo rin si hulyo."
"Ayos lang sayo na kasama ko siya?" Nagtatakang tanong ko, tumango naman ito walang pag-aalinlangan.
"Himala, hindi ka ba nagseselos kay chef hulyo?"
"I'm jealous when you getting closer to anyone." sagot nito, ibinaba niya ang paa kaya nasa pagitan na ako ng hita nito "And ofcourse I wont leave you without guard."
"Anong guard? Wag mong sabihin kukuha ka pa ng bantay ko?!" gulat na tanong ko, natawa naman ito pero kalaunan ay umiling din.
"May guard na doon, Iba ang sakin."
"Anong sayo?!"
"That's a Secret, I have ways to look at you." napaismid ako dahil sa sinabi niya, May paways ways pa siyang nalalaman.
"Pag-iisipan ko muna, Pero sa ngayon kailangan na natin umalis." akma kong kakalasin ang kamay niya ng mas lalo itong humigpit.
"Why your so excited to leave!"
"I'm not excited okay! We don't have time."
"Tsk, I want to stay like this. Pag nakauwi na tayo magiging busy na ako sa manila." anas nito, napasulyap ako sa kanya. Nakanguso ito kaya hindi ko mapigilan matawa,
"Magkasama naman tayo sa bahay."
"Yeah, but that's not enough. After a week I need to go back here, Mas lalo na kitang hindi makakasama." lalong humaba ang nguso niya kaya inangat ko ang kamay upang hilain iyon, Nakagat niya ang labi at masama akong tiningnan.
"Matatawagan muna man ako, We use our cellphone to communicate."
"Tsk! Okay, But make sure you always answer my calls, Kapag hindi ka sumagot uuwi ako!"
"Oo na."
"Don't go anywhere.." tumango akong muli,
"Listen to me okay, Wag matigas ang ulo mo."
"Tch! Opo."
"Good." napairap ako at tuluyan na akong tumayo, Nilingon ko pa siya bago kunin ang gamit ko.
__
Nang makalabas ng kwarto ay dumiretso muna kami sa kwarto ng senior, Sakto naman at nandoon rin sila tito at tita na masayang nakikipag kwentuhan sa matanda.
Naglakad palapit si miguel, Ganun rin ang ginawa ko. Kahit ilang araw lang ang tinagal ko dito ay naging magaan ang loob ko kay Don Fabio, Masasabi ko na sobrang bait niya kahit na mahina ito ay kapakanan parin ng iba ang iniisip niya. Lalo na ang pinakamamahal niyang hacienda at mga trabahador.
Ayaw niyang lumubog ang hacienda dahil maraming pamilya ang umaasa doon, Halos kalahati ng bayan ay sa hacienda kumukuha ng kita. Kaya ganun na lamang ang pagmamahal ng senior dito.
"Kailan ang balik mo Hijo?" tanong ni don fabio, nakaupo sa gilid ng kama si miguel habang ako ay nakatayo sa tabi niya.
"Sa susunod po na linggo."
Ngumiti ang senior bago bumaling sakin "Isama mo uli ang asawa mo dito, mahirap na baka maiwanan ka sa syudad." pagbibiro pa ng matanda, Pinigilan kong matawa dahil kailan lang namin napag-usapan ang ganung bagay.
Kung alam niya lang, Halos ayaw na nito akong iwanan sa manila.
Hindi naman sumagot si miguel, tumango lang ito bago ako lingunin.
"Sa susunod na isasama ko siya dito siguradong may apo na kayo sakin." ngumisi ito sakin bago ibalik ang paningin sa matanda.
"Aba't dapat lang, Matanda na ako at mahina na baka hindi ko na maabutan ang panganay mo."
"Malakas pa kayo don fabio." segunda ni miguel, kung wala lang siguro kami sa harap ng matanda ay nakatanggap na ito ng hampas sakin.
Ganun na lang ba talaga sila kaexcited magkaroon ng apo?
"Lumilipas rin ang buhay ng tao, kaya madiliin mo ang sinasabi mo dahil aasahan ko yan." anas pa ng senior, natawa naman sila tito at tita habang ako ay nanatiling tikom ang bibig dahil sa topic ng dalawa.
Ayaw ko na lang magsalita, Baka masabi ko na lang bigla na nobyo ko pa lang siya. Kawawa naman si don fabio siguradong mapapawi ang tuwa nito.
Sandaling pamamaalam pa ang ginawa ni miguel bago ito magdesisyong umalis na, Maiiwan naman sila tita at tito doon habang nagpapagaling si don fabio.
Hindi na rin naman nila kailangan magmadaling umuwi dahil may umaasikaso naman sa restaurant at yun ay si Chef hulyo, Ang kanan kamay ng dalawang mag ama.
"Why dont you sleep?" napabaling ako kay miguel ng magtanong ito, kasalukuyan na kaming nasa biahe patungong manila.
"Hindi ako inaantok."
"Hm okay." anas nito, umusog siya sakin bago niya ipatong ang ulo saking balikat. "Matutulog muna ako kung ganon." pumikit ito at pinagkrus ang dalawang kamay.
Hindi na ako sumagot, hinayaan ko lang siyang mamahinga hangga sa makatulog ito.