Luna Pov. Nang marating ang service area ng hotel ay samut saring bati ang sumalubong kay shaira. Ngayon ko lang nalaman na sa hotel nila gaganapin ang birthday party na dadaluhan namin. "GoodEvening Mam shaira." bati ng isang babae, Sa ayos ng kanyang suot ay mababatid 'mong dito siya nagtatrabaho. Nginitian naman siya nito. "Pinapasabi po pala ni mam natasha na magtungo kayo sa kanyang kwarto bago pumunta sa floor ng venue." karagdagang ani niya. "Nasabi niya ba kung bakit?" "Hindi po." kunot noong bumaling sakin shaira, "Gusto mo bang sumama muna sa'kin?" tanong niya, tinanguan ko naman ito. "Osige." bumaling muli siya sa kaharap. "Saang floor siya?" "17floor, Room 106." "Okay thankyou, Tutungo na kami doon." lumingon siya sa'kin. "Let's go." Naglakad na kami papasok sa elev

