Chapter 47 Luna Pov Masakit ang buong katawan ko ng magising ako ng umaga, Para 'bang may dumagan sa'kin na mabigat na bagay sa sobrang sakit nito. Hindi na ako magtataka kung magising ako ng ganito ang lagay. Tsk, Ang lalakeng iyon. Hawak ang ulo akong tumayo, wala na si miguel sa kwarto kaya halos magmadali akong pumasok ng banyo, Ang alam ko ay alas diyes itong aalis patungong airport. Kaya siguro maaga itong nagising, Hindi ko na alam kung anong oras kami natulog kagabi. Sinulit niya nga ang huling araw nito. Nang matapos maligo ay nagsuot lamang ako ng kumportableng damit bago lumabas, Pansin ko agad ang hindi kalakihang maleta malapit sa sala. Paniguradong gamit iyon ni miguel, Nakakalungkot man ay kailangan niyang umalis. Nais ko man sumama ay nagdadalawang isip ako, Trabaho a

