(Enjoy your date) Luna Pov Kinabukasan Maaga akong pumasok sa trabaho, Syempre nahiya ako sa nang-yari kahapon. Nag-under time ako ng wala sa oras, Kasalanan lahat ng lalakeng iyon kung bakit nasira ang araw ko kahapon. Nagtataka talaga ako kung bakit ganon ang ikinikilos niya, nais 'kong maniwala sa tinatakbo ng isip ko ngunit baka mali lang ako, Palagay ko kasi ay hindi naman ito nakalimot, Kung maka-asta siya kahapon ay grabe talaga. May pahila-hila pa siya ng taling nalalaman, Saan ba nang-galing ang lalakeng iyon. Naiiling ako sa sarili, ang ganda ng umaga pero siya na agad ang iniisip mo. Sumandal ako sa swivel chair na nasa aking tabing mesa, Wala pa si sir kaiser sa opisina ngayong oras na ito, mas mabuti na sigurong nauna akong pumasok sa kanya. Nakakahiya kung mauna ang bos

