Chapter 2

1560 Words
Nag-angat lang ako ng ulo nang marinig kong tapos na silang mag-usap ng mama niya. Nakita ko itong paakyat na ng hagdan, tindig at malalakas ang yabag ng kaniyang paa. Psh. Tama bang paniwalaan ko ang first impression last? Kasi sa totoo lang, hindi maganda ang kutob ko sa kaniya. Don't get me wrong, ayoko lang sa nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim kasabay nang pagtatapos ng usapan nina nanay at Tita Carmen— iyon na lang daw ang itawag ko since dito na rin naman kami titira. Ayoko sana sa ganitong desisyon ni nanay. Mas gusto ko pa kasi ang umuwi na lang kami sa probinsya at doon na tumira, ngunit wala naman na akong magagawa. Inihatid kami ni Tita Carmen sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang napakaraming pinto, nagmukha iyong hotel na madalas kong makita sa mga movies. Wow, tunay ngang napakarangya ng pamumuhay nila rito sa Maynila. Ibang-iba sa nakagisnan ko noong buhay sa probinsya. Habang naglalakad sa hallway ay panay ang libot ko ng tingin sa mga kwartong nadaraanan namin, hanggang sa huminto kami sa isang pinto. May katapat pa iyong isang pinto na medyo may kalakihan. "Hija, diyan ang magiging kwarto mo, okay." Pahayag ni Tita Carmen na siyang ikinalingon ko. "Sa akin lang po? Paano po si Inay?" Kung ako lang ang matutulog sa kwartong iyan ay baka hindi ko kayanin. Hindi ko kasi kayang mag-isa kapag natutulog, dapat lagi kong katabi si inay sa isang higaan. Nasanay na ako sa ganoong gawain dahil pakiramdam ko ay safe ako kapag kayakap ko si inay. Lalo na't magmumulat ako sa umaga na siya ang unang mabubungaran ko. Kahit na sa ganitong edad ko ay hindi ko pa rin maialis-alis ang mga pangbatang-gawain ko. Nasanay na kasi ako sa mga bagay na nakagisnan ko noong bata pa ako dahil sa totoo lang, parang si inay na ang buhay ko. "Magkaiba kayo ng kwarto, hija. Doon siya sa kabila, katabi lang ng kwarto mo." Napatingin ako kay inay at tiningnan siya nang nagmamakaawa na sana ay ma-gets niya at hindi siya pumayag sa gustong mangyari ni Tita Carmen. Alam ni nanay kung gaano ko kagustong matulog kasama siya, pero mukhang siya ay ayaw na yata akong makatabi dahil hindi man lang ito nagsalita bagkus ay tumango pa ito sa sinabi ni Tita. Wala sa sariling napanguso ako at bulgar na sumimangot kay inay. "Sige na, anak. Pumasok ka na at ayusin mo nang mabuti iyang mga gamit mo. Matulog ka ng maaga mamaya dahil bukas ay may pupuntahan tayo." Sambit ni inay sa akin. "Papatawag na lang kita kapag kakain na." Dagdag naman ni Tita Carmen. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumalikod na sila saka nagsimulang maglakad palayo sa kinaroroonan ko. Nakita kong huminto ang mga ito sa katabing kwarto at binuksan ang pinto. Pumasok ang mga ito roon at naiwan akong nakatayo lamang sa hallway na iyon, nananatiling nakatitig sa pintong pinasukan nila. Hay naku talaga si inay, parang teenager na nakikipag-bonding sa kaibigan niya na ngayon lang ulit nakita, pero hayaan na nga. Bahala na. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tiningnan ang pintong nasa harapan ko. Nag-iisip pa ako kung bubuksan ko ba iyon nang biglang bumukas ang pintong nasa likuran ko. Mabilis na umikot ang leeg ko para lingunin iyon at gayon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang mukha niya. Ganoon na din ang kaba ko nang mapagtantong siya ang may-ari ng kwartong iyon na katapat ng magiging kwarto ko. Halatang nagulat din ito na makita ako. Ganoon pa rin ang ayos niya, naka-boxer na para bang gustung-gusto nitong i-display ang matigas niyang abs. Sa tingin ba ng lalaking 'to ay kaaya-aya sa paningin ko iyang pandesal niya? Humugot ako nang malalim na hininga bago pihitin ang door knob saka nagmadaling pumasok at isarado ang pinto. Pabagsak na ibinaba ko ang isang bag na naglalaman ng mga gamit ko. Naupo ako sa dulo ng malambot na kama na naroon sa loob ng kwarto ko. Huh. Tumagilid ang ulo ko habang nakaawang ang labi, hindi pa man ako nakaka-recover sa mga pangyayari nang bumukas ang pinto dahilan para lumundag ang puso ko sa pinaghalong gulat at kaba. Marahas na nilingon ko ito at sa pangalawang pagkakataon, nanlaki na naman ang mata ko. Bumukas iyon at iniluwa noon iyong lalaking anak ni Tita Carmen, sumilip ito doon upang makita ako at tanging ulo lang nito ang nakikita ko. Sa totoo lang, gustung-gusto ko siyang batuhin ng sapatos ko ng mga oras na iyon. Tama bang magbukas ng pinto ng kwarto ng may kwarto? Hindi ba uso rito ang kumatok? I get the point na pamamahay nila ito, tch. Ngunit para sa isang katulad ko, pambabastos ang tawag doon. Conservative akong tao kaya mas dumoble ang pagka-ayaw ko sa pagkatao niya. Nakakainis siya. "Anong ginagawa mo riyan?" Lakas-loob na pagtatanong ko rito habang maang na nakamasid sa kaniya. Samantala ay ngumiti naman ito saka nagsalita, "Nice meeting you. Tyra, right?" Panandalian akong nalagutan ng hininga. Ang boses nito ay nakakapanindig balahibo sa sobrang lalim at baba. Wala sa sariling nahawakan ko ang batok upang himasin ang mumunting balahibo ko roon. Matapos iyon ay wala na siyang pasabing umalis na hindi man lang nagawang isarado ang pinto, tila ba nainip siya sa akin. Mabigat ang katawan na tumayo ako upang madaliang isarado ang pintuan. Kung bakit naman kasi kailangan pang magkahiwalay kami ni inay ng kwarto? Ang arte naman, oo! Porket ba malaki itong bahay nila ay required ng tag-iisang kwarto? Humilata ako sa kama saka tinitigan ang puting kisame. Malaki ang kwartong iyon, mas malaki pa yata sa bahay na nirentahan namin noon. May sariling CR rin kaya hindi na kailangan pang lumabas para lang makapagbanyo. Kung nakapagbayad lang sana kami ng tama, hindi na namin kailangang lumipat at lumagay sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na kailangang magtiis at mangapa sa ugali ng lalaking iyon. "Hay nako, Itay! Kung nandito ka lang, paniguradong maiinis ka rin kay Inay!" Palatak ko sa kawalan. Sayang lang kasi at maagang nawala si itay sa amin. Sa kadahilanang wala kaming pera pangpa-hospital sa kaniya noon para maipagamot ang sakit niya sa puso, kaya hindi rin nagtagal ay pumanaw na ito. Iyon lang ang masakit sa parte ko, dalawa na lang kami ni inay at todo kayod pa siya para lang may makain kami at maipanggastos sa araw-araw. Wala pang isang oras ang pagmumuni ko nang may kumatok sa kwarto. Kahit na tinatamad akong tumayo ay pinilit ko para lang mapagbuksan iyon, ngunit nang nasa tapat na ako ng pinto ay napahinto ako. Nag-aalinlangan pa ako kung bubuksan ko ba o bubuksan ko talaga kasi nakakahiya naman sa may-ari ng bahay na 'to. Sabihin pang nag-iinarte ako, kaya sa huli ay binuksan ko na rin dahil kanina pa may kumakatok. Bumungad sa akin ang isang babae, nasa edad 60's na yata. Katulong marahil ito dahil na rin sa suot niyo, agad siyang ngumiti nang makita ako. "Tara na ho sa baba at kakain na." Aniya na maagap kong tinanguan. Sabay na kaming naglakad patungong kusina kung saan naroon na si inay, si Tita Carmen na naghihintay sa akin at 'yong lalaki na ngayon ay kumakain na. Aba't napaka-antipatiko talaga! Hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin at nagsimula na lang kumain. Tuloy pa rin sa kwentuhan sina inay at Tita na hindi ko na rin pinansin. Bahala sila sa buhay nila. Madalian kong inubos ang pagkain ko kaya mabilis din akong natapos. Halos magkasabay pa nga kami no'ng lalaki na tumayo. Pumunta ito sa sink upang maghugas ng kamay habang ako ay nagmadaling umakyat paitaas. Hindi ko na nagawang makapag-paalam sa kanila kasi nilalamon ako ng kaba ko. Ewan ko ba sa sarili ko, may mali sa akin at hindi iyon maganda. Lalo naman sa lalaking iyon na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. Naglalakad ako sa hallway nang mapansing nakakasabay ko na pala siya maglakad. Sa gulat ay napahinto ako saka siya nilingon pero dere-deretso lamang ito at nilampasan lamang ako. Wow! As in wow! Grabe talaga ang lalaking ito. Sa inaasal nito ay parang unti-unti na akong nabubunutan ng tinik sa lalamunan. Medyo humuhupa na ang kaba sa dibdib ko dahil alam kong wala lang sa kaniya na nandito ako, pero nagkamali yata ako. Huminto rin ito at humarap sa akin saka naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Malalakas at mabibigat ang yabag nito at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nang nasa tapat ko ito na ay huminto na siya kaya bali ay magkaharap kaming pareho. Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi gumagalaw. Hinihintay ko kung anong gagawin nito nang sa gayon ay mabigyan ko sapak. Bahagya itong yumuko upang makapantay ang mukha ko dahilan para mapasinghap ako. Jesus Christ! Balak pa yata akong patayin nang wala sa oras ng lalaking ito! "Pinapasabi ng nanay mo na maaga ka raw gumising bukas." Aniya na malamig ang emosyon sa mukha. Mabilis din itong tumalikod para maglakad palayo, nakita ko pa ang pagkaway ng kamay nito sa ere kahit nakatalikod siya. "Good night." Dagdag niya at tuluyan nang pumasok sa kwarto nito. Oh, dear God! Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD