Chapter Twelve Syrin's POV Hindi na ako pumasok sa mga natitira kong subject. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ni Caden sa akin. He's gay, and we're not meant to be because he has a woman's heart. At saka, bestfriend o di kaya kapatid lamang ang turing ko sa kanya, hanggang doon lang iyon. All along, nagseselos pala siya? Kaya pala sobrang strict niya sa akin tuwing may kausap o kasama akong lalaki — dahil nagseselos siya. Sumakit bigla ang ulo ko. Habang naglalakad ako pauwi sa mansyon ni Ninong, biglang may humintong kotse sa harap ko. "Tita Pat?" gulat kong sambit nang makita ko ang driver nito. Si Tita Patricia, ang bestfriend ni Nanay na nakapangasawa ng British. Inaya niya akong pumasok sa loob ng kaniyang kotse. Luminga-linga muna ako sa paligid. "Bakit, Sy?" "Wala po, Tita P

