Syrin's POV Minsan, nahihirapan akong magdesisyon. Ang mga alalahanin at takot ko ay patuloy na bumabalot sa aking isipan. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may mga sandali pa rin na ang puso ko ay nagsasabing magpatawad, ngunit ang utak ko ay nag-aalangan. Ang mga sakit na idinulot ni Agathus ay hindi biro. Paano ko ba matutunan muli na magtiwala sa kanya? Paano kung muling masaktan ako? Habang ako'y naglalakad sa malawak na garden ng mansyon, iniisip ko ang lahat ng mga nangyari. Nakaupo ako sa ilalim ng isang puno at pinilit mag-isip ng maayos. Kailangan ko ng sagot, ngunit ang hirap ay wala akong tiyak na kasagutan. Nais ko sanang makalimot, magpatuloy sa aking buhay nang mag-isa, ngunit may isang bahagi ng puso ko na ayaw sumuko. Naalala ko ang mga panahon noong kami pa ni Agathus,

