light POV's
di mo alam dahil sayo akoy'y di makakain
di rin makatulog buhat ng iyong lukuhin
kung ako'y muling iibig sanay di maging
katulad mo katulad mo na may
pusong bato ......
ringtone ng cellphone ko na nasa counter
kaya pinatay ko ang kalan at saka lumapit
sa counter. bumungad sa akin ang Numero
Ng kaibigan ng kakambal ko. Nag punas ako
Ng kamay bago sinagot ang tawag.
"hello, Ate light bakit ang tagal mong
sagutin." humahangus na sabi nito kaya
mas Lalong nangunot ang noo ko.
"nasaan kaba bakit parang nag mamadali
ka." sabi ko pero Imbes na sagutin ay iba
ang Sinabi nito.
"Sandoval medical hospital." sabi nito. kaya
nag simula na akong kabahan. "bakit anong
nangyari." sabi ko habang mabilis na Nag
lalakad papunta sa ikalawang palapag ng
bahay para Kunin ang remote ng lamborghini kung sasakyan. Wala naman ngayon si Nay fely dahil Naka day off.
"mamaya na ang maraming tanong,
pumunta ka na dito bilis, ang Kapatid mo-"
saka ko pinutol ang tawag at mabilis
dinamput ang susi na nakapatung sa working table. ng makuha ko ang susi ay nag mamadali nag lakad pababa ng hagdan.
Buti nalang dahil required sa pagiging
mabilis ng Isang agent ay nagamit ko iyon
para mabilis na makapunta sa nakapark
Kung kotse at saka pinasibad ng mabilis.
"Angel Tucson, miss." sabi ko sa babaeng
nag babantay ng information disk.
Napatulala ito sa akin. "miss." Sabi Ko dito
saka lang ulit ito kumilos.
"a minute ma'am." sabi nito sabay tipa sa
computer. mayamaya pa ay tumingin ito sa
akin.
"nasa ICU po siya ma'am 3rd floor at a right
corner po." sabi ng babae sa information
disk. saka ako nag mamadaling nag lakad
papunta doon may nakita akong elevator sa
dulo agad akong pumasok sa loob at
pinindot ang 3rd floor.
habang nasa elevator ay kung saan saan
na napunta ang isip ko para sa kakambal
ano na naman kaya ang nangyari sa kanya?
palagi na lang itong suki sa hospital.
malapitin kasi ito sa disgrasya, at palaging
napa away dahil sa kamalditahan, noong
hindi PA sila Naka Punta ng states. Noong
high school palang ito palagi pag ako ang
humaharap bilang angel nagugulat nalang
ako ng may nanghihila ng buhok ko noon.
pero alam ko Naman na hindi ito ang nag
sisimula ng gulo. talaga lang pinapatulan
Lang nito.
bumukas ang elevator at patakbo akong
dumaan sa hallway. ng makita ko si Ann na
umiyak kaya lumapit ito sa akin. saka ako
mahigpit na niyakap.
bukod kasi sa PA ay mag best friend din sila
kaya alam ko, katulad ko ay nasasaktan din
ito kung ano man ang nangyari sa kakambal
ko.
"A-ate s-si An-angel." umiiyak sa sabi nito.
mas humigpit pa ito ng pag yakap sa akin.
may Maya pa ay lumuwag iyon at saka
bahagyang lumayo sa akin.
"Ano bang nangyari Ann, bakit nasa loob
ang kakambal ko. " maiiyak kung tugun dito.
"Ate k-kanina, niyaya akong mag bar,
kaso, may kailangan pa akong ayusin na
susuotin nito sa susunod na linggo.
kaya Sinabi ko na susunod lang ako, kaso
hindi ako agad naka punta. tapos kanina.
habang nag liligpit ako ng gamit bigla itong
tumawag at sinabing walang prino ang
kanyang kotse." umiiyak na paliwanag nito.
"ayun sa mga nakakita na hulog ang kotse
niya sa Tulay." patuloy nito. sapo ang bibig ay nanlalaki ang mata ko sa gulat, ang kaninang iyak, ay hindi ko na mapigilan pang humagulhul ng iyak.
"Ate anong gagawin natin, si angel." sabi ni
Ann habang pinapahiran ang sipon nito
kakaiyak.
"kanina paba ito sa loob? na hintatakot kung
tanong dito.
"mag limang oras na ate kaso hindi
parin lumalabas yung doctor na pumasok
kanina." mapiyuk na sabi nito. saka ulit
yumakap sa akin.
Pagkaraan ng kalahating oras ay nag bukas
Sara ang pintuan ng ICU saka lumabas ang
doctor doon.
"sino po ang pamilya ng pasyente." sabi ng
doctor kaya agad kaming lumapit ni Ann.
"ako po ang Kakambal niya doc. ano po
nangyari sa Kapatid ko maayos na po ba
ang lagay ni angel? " umiyak kung tanong sa
doctor.
"the operation is successful but I'm sorry to
tell you Ms. Tucson, but your sister is still
critical situation, marami akong nakuhang
basag na salamin sa pasyente sa ibat ibang
parte ng katawan Lalo at sa ulo nito. at
miron pang nakatusok na sangla ng kahoy sa katawan ng pasyente, kaya hanggang ngayon kailangan pang obserbahan ang pasyente, and now she's in coma. " malungkot na sabi ng doctor. wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.
" kailan siya pweding magising doc? "
tanong ko sa doctor.
"hindi Natin Alam Kung kailan magigising ang pasyente. Sa ngayon ay kailangan maging matatag kayo." mapag unawang Sabi ni doctor nito.
" Will, fighter naman ang patient. Madami na Rin akong case Na nahawakan na katulad nito. May na gigising ng ilang weeks lang, may isang buwan at taon, may Iba din na bumitaw na ang pamilya dahil sa matagal ng hindi nagigising ang pasyente, kaya mag dasal nalang tayo para sa pasyente." Mahabang lantiya ni doc Viliza. Tinapik naman nito ang balikat ko bago ito nag paalam para mag round sa Iba pa niyang patient. Hindi ko Alam ang gagawin ko. Magaling ako sa pag Plano kapag nasa mission ako, pero bakit wala ako nun ngayon? Hindi ko Alam ang sunod kung hakbang. Hindi ordinaryong Tao ang kakambal ko. Hindi pwide mawala ang
pinag hirapan niyang pangarap. Dahil sa
nangyari. Isa kasi itong sikat na model at artesta sikat di lang sa pilipinas kundi sa ibang bansa Rin. Kahit ilang linggo lang itong mawawala ay mawawala Rin ng Ganon kadali ang pinag hirapan niya ilang taon niyang ginugol para matupad. Hindi pwide mawala ito lahat sa kanya, ako mismo Naka kita kung paano niya minahal ang trabaho kaya Alam Kung masasaktan ito kapag magigising ito na wala na sa kanya ang lahat.
magka mukha kami ni angel. para kaming
pinag biyak na bunga, Talagang kung ano
ang mukha niya ay Ganon din ang mukha ko
pero magkaibang magkaiba ang aming mga
Galaw at gustong Gawin. si angel kasi
namana niya ang mga hilig nito at galaw
Kay mommy habang ako naman ay Kay dad,
paburito ko ang avocado habang may
allergy Naman ito doon. Opposite kasi ng
hilig si mommy at daddy pero nag kakasundo naman sila sa mga bagay na
gusto Nila gawin sabay.
Sa pangangatawan naman ay Maganda ang
hubog ng katawan ko, Saktong hulma at
sexy kung tawagin ng Iba, habang ito
mapayat, kaka work out dahil nga sa
pagiging modelo nito, at Mahipis na legs
katulad lang ng mga Korean body, maputi
din ito sa akin.
Sa akin kasi Yung katulad lang na balat ng
tipikal na pinay, hindi maputi at hindi Rin
maitim. Talagang mukha lang ang magka
tulad sa amin. Pero mag kaiba din ang
gustong gawin katulad ni mommy at daddy.
noon talagang pinag kakaisahan namin ang
mga katulong at nag papalit kami ng
pangalan at pananamit para makalabas ako
ng bahay. home school lang kasi ako noong nag elementary ako, Dahil Subrang mahiyain ako kahit noong nag high school ako ayaw na ayaw kung lumabas .
Pero palagi lang ako nito pinipilit na
lumabas ng kapatid ko para makita kung gaano ka Saya at ka Ganda sa labas. Kaya minsan nag papalit din kami.
Palagi kung dala ang pangalan niya kapag
nasa labas ako, minsan nga naguguluhan
ang mga kaibigan nito kasi pa Iba Iba daw
ako ng ugali, hindi Nila Alam na Ibang Tao
pala kami.
Wala ring nakakaalam na may kakambal si
Angel dahil wala lang, yun ako ang gusto ko,
na mananatili akong hindi nakikilala ng mga
Tao.
Wala din naman makaka Alam dahil ngayon
lang Naka uwi si angel sa pilipinas at gusto
narin mag stay dito. Ng Maka graduate kasi
ito ng high school, ay sa ibang bansa na ito
nag college kasama Sina mommy at daddy.
Noong una ay pinipilit Nila na sumama ako
pero hindi na ako pumayag. Sinabi ko
nalang na dito ako mag aaral ng college.
Pero hanggang ngayon ay walang nakaka
Alam na may dalawa kaming mukha iniiba
ko kasi ang style ko kapag nasa school. Nag
papanggap akong nerd kahit hindi naman.
Noong umalis sila mommy at daddy sa
pilipinas ay sinubukan kung Lumabas mag
isa, Alam mo yun isipin mo Yung alien na
parang walang Alam Ganon ako noon, inisip
ko nga subra ko palang tanga noon. pero
Nawala ang lahat ng yun noong na kilala ko
si boss Marco. Siya ang may gawa sa
halimaw sa loob ko.
Tunog ng cellphone ni Ann ang nag pa
gising sa akin mula sa pag iisip Ipinakita niya sa akin Kung sino ang tumawag.
At ang manager nito ni angel na si Divina
De Asis. Tumango ako para ipahiwatig na
sagutin ang tawag.
"Ann ipaalala ko lang sayo Yung malaking
event natin sa America, ihanda mong
mabuti si Ms. Tucson para dito, ayaw ko ng
hindi maging perfect ang event Natin doon."
Sabi nito sa kabilang linya. Napa angat ito
ng tingin sa akin at nag hihintay ng sasabihin ko. Tumango ako dito.
"yes Ms. Divina, ipapanalo ni angel ang
Malaking event sa America." sagot nito
habang Naka titig sa akin. Pag katapos ay
pinatay ang tawag.