Pag-aaway

1328 Words
CHAPTER 20 THIRD PERSON POV Lumipas ang isang linggo simula nang pumasok bilang bagong katulong si Aennaiah Cazor, at sa maikling panahong iyon ay unti-unting nagbago ang atmosphere sa loob ng mansyon ng mga Güler. Hindi ito yung simpleng pagbabago ito yung tipong kahit ang hangin sa hallway ay parang may halong duda, inis, at tensiyon na dulot mismo ng babaeng may matamis na ngiting parang pulot… pero ang laman, puro lason. Mula pa noong unang araw, napansin na agad ng lahat ang kakaibang ningning sa mga mata ni Aennaiah isang ningning na hindi galing sa kabutihan, kundi sa ambisyong umangat kahit sa pinaka-maruming paraan. At ang target niya? Ang lalaking may edad na pero sobrang gwapo sa paningin niya si Bakikong. At oo, hindi niya tinatago iyon. Kahit isang beses ay hindi niya sinubukang maging subtle. Ang tingin niya kay Bakikong tuwing dumadaan ito ay parang may lumalabas na sparkles sa hangin. Samantala, ang tingin niya naman kay Rara ay parang tinatago niya ang sarili niyang tawa habang iniisip na “easy toy” lamang ang misis ng boss niya. Pero higit sa lahat, si Hasra ang pinaka-hindi niya gusto. At well… safe namang sabihin: si Hasra rin, sobrang mainit ang dugo sa kanya. “Manang, pakisuyo nga po ang kutsilyo,” ani Rara habang nagpe-prepare ng lunch. Ngumiti si Aennaiah nang pilit-sweet. “Ako na po Mam Rara. Ako na pong bahala. Para hindi na po kayo mahirapan.” Ngumiti si Rara, pero halatang forced. “No need. Manang Liza will do it.” Pero pumila pa rin si Aennaiah sa likod, mukha pang nagpapacute kay Bakikong na kararating lang mula sa likod-bahay. “Good morning, Sir…” bulong niya, may kasama pang ngisi at kindatan na parang pang-cheap t****k thirst trap. Nagulat si Bakikong. “Ha? Ah-uhm, good morning. Excuse me dadaan lang ako.” Agad lumapit si Aennaiah, naglakad na parang runway model kahit naka-uniporme. Tumagilid pa siya konti para “mas sumeksi.” “Sir, gusto n'yo po ba ng kape? Ako po gagawa para sa inyo. Special.” Napatingin si Rara, biglang na-highblood. “Special? Para saan?” “H-ha? Wala po, Mam. Yung kape lang po.” “Hindi siya nagkakape sa umaga,” sabat ni Rara, mababa ang boses pero may halong warning. “Ay ganun po ba? Akala ko kasi sir…” Bumaling siya ulit kay Bakikong, kinagat pa ang labi. “Mukha po kayong coffee lover.” Naka-roll eyes agad si Hasra pagkarinig nito, at tumayo mula sa upuan. “Mama, I’ll get water upstairs.” Pero pagdaan niya kay Aennaiah, diniinan niya ang shoulder ng babae sabay bulong, “Next time gumamit ka ng mata bago bibig. Hindi lahat ng gwapo, type ka.” Napasinghap si Aennaiah. Sinundan siya nito ng tingin at bulong ng pabulong. “Attitude. Walang breeding." Narinig iyon ni Hasra. Nag-stop siya sa hagdan, bumaba ulit, dahan-dahan pero may aura ng “I dare you.” “What did you say?” tanong ni Hasra, kamay sa bewang. “Ay w-wala po Mam Hasra, baka hindi niyo po ako narinig” “No. I heard you. And I’m giving you exactly three seconds to repeat it para naman pumantay yung utak mo sa ginawa mong kabastusan.” Ngingiti sana si Aennaiah pero pinigilan. “Sabi ko po wala. I’m sorry po.” “Good.” Sabay ngisi si Hasra at umakyat. Pero ngisi rin nang palihim si Aennaiah. “Shhh… ang arte.” Dumating ang tanghali, at habang kumakain ang pamilya, nag-serve si Aennaiah ng ulam. Pero imbes ilagay lang sa table, dumampi ang dibdib nito sa braso ni Bakikong. “Sir, here po.” Napaatras si Bakikong at bumaling kay Rara. “Mahal, ano ba ‘to” “Miss Aennaiah,” putol ni Rara, malamig ang tono, “pwede mo bang iwasan ang pagdikit sa asawa ko? Hindi ka namin binabayaran diyan.” “Ay sorry po Mam! Hindi ko po sinasadya. Madulas lang po yung sahig.” Nagtinginan sina Jhonax at Hasra, parehong naka-raise brows. “Madulas? Talaga? Paanong madulas padikit?” sabi ni Jhonax habang ngumunguya. “Interesting.” “Normal lang po iyon sa mga girls na nang-aakit,” dagdag ni Hasra na may ngiting pasarkastiko. Napasinghap si Aennaiah. “Ay hindi po ako ganun, Mam…” “I know,” tugon ni Hasra habang umiinom ng tubig. “Hindi ka normal.” Natawa si Jhonax nang malakas. “ATEEEE!” Si Rara? Napatigil sa pagkain, malalim ang buntong-hininga. At doon nagsimula ang hindi inaasahan. “Mahal,” sabi niya kay Bakikong, “pakiusap lang. Kung nararamdaman mong lumalandi na ‘yan sa’yo, bakit hindi mo siya itigil? Bakit parang okay lang sa’yo?” Nagulat si Bakikong. “Ha?! Ano?! Hindi ko nga siya pinapansin eh!” “Pero hinahayaan mo! Look at her! Para ka niyang boyfriend!” “Mali ka, Rara” “Mali? So ako pa ang mali ngayon?” “Hindi ko sinasabi na ikaw ang mali! Bakit ikaw ka agad ang—” Tumitig si Rara. “Kung gusto mo siyang i-defend, go. Hindi ako pipigil.” “Mahal! Ano ba anong i-defend?! Wala nga akong ginagawa!” “Pero hindi ka kumikilos! Alam mong may malisya siya pero hinahayaan mo!” “Mahal!” lumakas na ang boses ni Bakikong. “Hindi ako tanga para patulan yan!” Napailing si Rara, tumayo, at umalis. “Convenient.” Naiwan si Bakikong sa mesa, naguguluhan. At sa sulok? Si Aennaiah… nakangisi. “Tsk. Ganyan pala sila mag-away. Easy.” Nasa sala na si Rara, naglalakad pabalik-balik. Sumunod si Bakikong. “Mahal, please, kausapin mo ako.” “Huwag mong sabihin sa akin na wala kang nararamdamang halik-halik sa hangin tuwing nandiyan siya!” “Ano ba? Ano bang halik-halik? Umuupo lang siya sa sofa kahapon!” “With her chest out and her flirting voice?!” “I don’t hear any flirting voice!” “Then you’re deaf.” “Tingin mo type ko ‘yon?!” Hindi sumagot si Rara. At doon siya mas natamaan. “Mahal… tingnan mo ako.” Hinawakan niya ang kamay ni Rara. “Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang. Walang iba.” Pero bago pa lumambot si Rara, biglang sumulpot si Aennaiah sa pinto. “Sir… may kailangan po kayo? Ang init po kasi dito baka gusto mo malamigan—” “GET OUT.” Sabay-sabay silang napalingon kay Hasra na nasa hagdan. Naglakad siya papunta sa baba, may dala pang tumbler. “Ate, tubig,” sabi ni Jhonax habang bumababa rin. “Para lumamig ka.” Pero hindi nakatingin si Hasra kay Rara. Nakatutok lang ang tingin niya kay Aennaiah. “Miss Aennaiah,” sabi niya habang lumalapit, “gusto mo ba magtrabaho dito nang matagal?” “O-opo Mam…” “Then tandaan mo to.” Tumayo siya sa harap ng babae, angat ang baba. “Isa pa kahit isang second pa na mag-flex ka kay daddy ko, kahit pilit ka pang mag pa-sexy, kahit pa sabihing nadulas ka ulit… swear to God, ipapabalik kita sa probinsya mo in less than 24 hours.” “Ay.. Mam Hasra, wala po akong ginagawa ” “You breathe near him. That’s enough.” Natawa si Jhonax. “SHE’S DEAD.” “Umalis ka na,” dugtong ni Hasra. “Ngayon.” Nagpa-cute smile pa si Aennaiah pero hindi umubra. Umalis siya na parang aso. Pagka-alis niya… Tahimik ang lahat. Si Rara at Bakikong, parehong huminga nang malalim. “Mahal… sorry,” bulong ni Rara. “Naiirita lang ako kasi may babae sa paligid mo na parang pusa.” Hinawakan ni Bakikong ang pisngi niya. “At ikaw lang ang gusto kong pusa.” “Corny,” sagot ni Rara pero nakangiti na. “Nahuli ka, Mama,” sabat ni Hasra. “Kinikilig ka.” “No I’m not!” “Yes you are!” Nagtawanan silang magkakapatid habang nakapamewang si Rara. Pero sa kabilang hallway… nakasilip si Aennaiah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD