CHAPTER 2
RARA POV
Nagpatuloy ang almusal namin sa mahaba at mamahaling dining table na gawa pa sa imported na kahoy mula sa Italy. Malawak ang dining hall golden chandelier sa taas, floor-to-ceiling windows na may tanawin ng napakalawak naming garden, at siyempre, ang dalawang anak naming parang ayaw nang kumain sa kakatawa at kaka-cringe sa amin ng daddy nila.
Si Bakikong? Aba, hindi nagpapigil. Kahit na pinagsasabihan na siya kanina, heto na naman at nakatingin sa akin na parang dessert ako imbes na waffles.
“Mahal… pahingi naman ng sugar.” malambing niyang sabi.
Inabot ko ang sugar container pero hindi niya kinuha sa kamay ko ang ginawa? Hinawakan ang kamay ko nang matagal, yung tipong kailangan pa niyang i-examine ang bawat daliri ko.
“Ang lambot talaga ng hands mo, Mahal. Para kang baby.”
Napasinghap ako. “Hoy Bakikong, kuhanin mo na. Umaga pa lang nanggugulo ka na.”
Pero hindi ko pa natatapos ang sentence, narinig ko na si Jhonax na, “Ayyy Daddy naman eh!” sabay tawa niyang parang nasasaktan sa kilig.
Si Hasra? Ayun na naman naka-perfect eyebrow raise at naka-cringe face pa.
“Mommy, seriously… magpanty ka nga muna sa kwarto. Eww.”
Bigla akong napatitig sa kanya. “ANAK! SINO NAGSABI SA’YO NA WALA AKONG PANTY?!”
“Um… obvious po kasi nung naglakad ka sa kitchen kanina.”
OH. MY. GOD.
Naramdaman ko agad ang init sa buong mukha ko. Tumawa si Bakikong, malakas pa talaga, parang walang hiya sa mundo.
“HAHAHAHAH! Mahal, artista ka pala eh kahit walang suot, trending ka agad.”
“BAKIKONG!” hinampas ko siya sa braso.
Pero ang kapal talaga ng balat niya. Naka-ngiti pa rin. That smug daddy smirk na parang sinasabing, “Ako may gawa niyan.”
“Mommy… we love you ha… pero please wear something when you go out of the room.” sabi ni Hasra habang sumubo ng bacon.
“Oo na! Hindi ko naman sinasadya.”
Humagalpak si Jhonax. “Kanina pa si Daddy, ganda raw legs mo. He’s so whipped.”
“JHONAX!”
Pero imbes magtigil, lalong lumakas tawa ng anak ko.
Hindi ko alam kung sasampalin ko si Bakikong o hahampasin ko ang anak ko. Ganito mag-umaga ang pamilya Güler walang tahimik kahit isang segundo.
Habang kumakain kami…
Napatingin ulit sa akin si Bakikong, yung tingin niya na parang may binabalak na naman.
“Mahal?” bulong niya.
“Ano? Wag mo muna akong guluhin, kumakain ako.”
“Pwede ba kitang i-kiss?”
“NO!” mabilis kong sagot, pero may kilig. Alam kong may kilig kasi naramdaman kong umangat ang left eyebrow ko nang hindi sinasadya.
Pero, ayun na biglang nagsalita si Hasra.
“Daddy, please lang, mommy is eating. Let her chew in peace.”
“Why? Nakakadistract ba ako?” tanong ni Bakikong, proud pa.
“YES.” sabay sagot naming tatlo nila Jhonax at Hasra.
Pero hindi pa rin siya tumigil. Umusod siya sa upuan papalapit sa akin. Hindi ko alam paano niya nagawa yun nang hindi gumagawa ng ingay. Parang ninja.
“Mahal…” he whispered sa tenga ko.
“Don’t you dare”
“Ang bango mo ngayong umaga.”
“Bakit ba amoy ko ang pinag-uusapan? Kumain ka nalang.”
“Nagutom na ako sa’yo eh.”
“HOY”
“OMG DADDY!!!” sigaw ni Hasra.
“PA! NO!” sigaw ni Jhonax.
Ako? Napakapit sa mesa at napayuko sa sobrang hiya.
Bumaling sa mga anak si Bakikong at ngumisi. “What? Compliment daw ‘yan sabi sa magazine.”
“Daddy that’s NOT a compliment, that’s trauma.” sagot ni Hasra na naka-facepalm.
“Pero natatawa kayo.” kontra ni Bakikong.
“Because we’re dying inside.” sabi ulit ni Hasra.
Nag-angat ng kamay si Jhonax, “I think kailangan natin mag-hire ng marriage moderator para sa inyo.”
“Pwede rin family censor.” dagdag ni Hasra.
Humagalpak ako sa tawa. Hindi ko na kinaya.
Pagkatapos kumain…
Nagsisimula nang magligpit ang mga butler, at nakahiga na halos si Jhonax sa upuan niya sa sobrang kabusugan.
“Mommy, Daddy,” sabi ni Hasra habang naglalagay ng lipstick, “may klase pa ako mamaya. Online meeting muna then alis ako.”
“Okay anak, ingat.” sagot ko.
“Daddy,” sabi ni Jhonax, “can I borrow the sports car today?”
“Which one?” tanong ni Bakikong.
“Yung red. Yung mabilis. Yung hindi mo pinapagamit sa kahit sino.”
“NO.” mabilis na sagot ni Bakikong.
“Pero wh-”
“NO.”
Natawa ako. “Bakit ba ayaw mong ipagamit, Mahal?”
“Because last time, muntik na niyang kawayan yung gate.”
“That was the gate’s fault!” sigaw ni Jhonax.
“Exactly. The gate was weak.” sabi ni Bakikong.
“Daddyyyyyy please”
“NO means no.”
Ako naman? Siniko ko siya. “Mahal, papagamit mo na. Safe naman mag-drive si Jhonax.”
Huminga nang malalim si Bakikong.
“Fine... pero slow lang ha.”
Napasigaw si Jhonax ng, “YESSSS I love you Daddy! Mommy! Thank you!!”
Ngumiti ako. “Love you too anak.”
Pero bago pa ako makatayo, biglang may kamay na humawak sa bewang ko mula sa gilid.
Si Bakikong.
“Mahal?” malambing niyang bulong.
“Ano nanaman?” bulong ko pabalik kilig pero nagtatapang-tapangan.
“Sasamahan kita maglakad sa garden after this. Just us.”
“Aba? Romantic?”
“Of course. I want my morning date with my hot wife.”
Napapikit ako at napangiti nang hindi sinasadya.
Pero siyempre, may dalawang batang sasala:
“EW DADDY STOP!” sigaw ni Hasra.
“Mommy, run! Daddy’s in flirty mode again!” tawa ni Jhonax.
Nilingon sila ni Bakikong.
“Excuse me? Let me flirt with my wife. You two are distractions.”
“Rude.” sagot ni Hasra.
“Talon ka agad sa flirty mode, Dad.” sabi ni Jhonax.
Ngumisi si Bakikong. “Natural talent.”
Ako? Napahawak sa noo ko habang nakangiti. Ganito sila araw-araw ingay, tawanan, asaran, at pagmamahal.
Pag-akyat namin ni Bakikong sa second floor…
Naglalakad kami palabas ng dining hall papunta sa grand staircase.
Pagkaliko namin, biglang huminto si Bakikong.
Hinila niya ang kamay ko pabaling sa kanya.
“Mahal.”
“Hmm?”
“Pwede ba akong humingi ng legit morning kiss?”
Tumawa ako. “Kanina pa kita sinasabihan may mga bata tayo sa paligid!”
“Wala na sila. Akyat na sila sa rooms nila.”
“Tss…”
Hinawakan niya ang pisngi ko. Mainit ang palad niya, at parang automatic nag-blush ako.
“Mahal… isa lang. Promise.”
Napatingin ako sa kanya. Kahit 54 na siya, ang gwapo niya pa rin. Yung tipong daddy material sa sobrang lakas ng appeal.
“Fine. One.”
Pero bago ako makalapit…
Biglang sigaw mula sa second floor:
“MOMMY! WE CAN STILL SEEEE YOUUU!” si Hasra.
“DADDY MAY SECURITY CAMERA DIYAN!” si Jhonax.
At doon na natapos ang moment namin.
Napahagikhik ako sa tawa habang si Bakikong naman ay napasabunot sa buhok niya.
“Hindi talaga tayo mananalo dito, Mahal.”
Niyakap ko braso niya. “At least, may effort ka.”
Ngumisi siya at kinindatan ako.
“Hindi ako titigil. You’re my forever crush.”
At ayan kinilig ako ng bongga.