CHAPTER 30 AENNAIAH POV Alam mo yung feeling na parang ikaw ang puppet master sa loob ng malaking mansyon? Hindi halata, hindi obvious, pero ramdam mong gumagalaw lahat ayon sa gusto mo. Ganun ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung matatawag ba itong “game”, “strategy”, o kung ano man pero isa lang ang malinaw: nagsisimula na silang mabasag. At si Ma’am Rara? Ramdam kong napapansin na niya. “Aennaiah, bakit na naman nawawala yung planner ko?” sigaw ni Ma’am Rara mula sa kwarto. “Naku po,” sagot ko nang may kunwari pang pag-aalala, “Ma’am, baka po nasa office ni Sir. Kanina ko po kasi kayong narinig na hinahanap s’yo si Sir, baka po nadala mo po.” Hindi siya sumagot, pero nakita kong bumaluktot ang labi niya halatang iristadong-iristado na naman. Ayan, simu

