CHAPTER 20 THIRD PERSON POV Lumipas ang isang linggo simula nang pumasok bilang bagong katulong si Aennaiah Cazor, at sa maikling panahong iyon ay unti-unting nagbago ang atmosphere sa loob ng mansyon ng mga Güler. Hindi ito yung simpleng pagbabago ito yung tipong kahit ang hangin sa hallway ay parang may halong duda, inis, at tensiyon na dulot mismo ng babaeng may matamis na ngiting parang pulot… pero ang laman, puro lason. Mula pa noong unang araw, napansin na agad ng lahat ang kakaibang ningning sa mga mata ni Aennaiah isang ningning na hindi galing sa kabutihan, kundi sa ambisyong umangat kahit sa pinaka-maruming paraan. At ang target niya? Ang lalaking may edad na pero sobrang gwapo sa paningin niya si Bakikong. At oo, hindi niya tinatago iyon. Kahit isang beses ay hindi niya

