CHAPTER 14 BAKIKONG POV Grabe. Hindi pa ako nakaka-recover sa narinig ko kanina. “Tito, seryoso po ako. Gusto ko pong ligawan si Hasra… with your permission.” Tangina. Ay sorry Lord. Pero anak ko ‘yon. At itong batang lalaki na nakatayo ngayon sa living room ko, humihinga pa. MIRACLE ‘yon. Nasa living room pa rin kami. Si Hasra? NAMUMULA. Parang hinulog sa kahon ng pulang krayola. Si Kael? Nakangiti. Yung tipong smile na parang gusto ko nang ipatawag ang NBI. Si Rara? TAWANG-TAWA sa tabi ko, as if nanonood ng stand-up comedy. Si Jhonax? Umiikot sa sahig kakatawa habang sumisigaw ng: “ATE MAY KA-RELASYONNNN!” Ako? Ako itong protected daddy, bantay-sarado level na kahit langgam na lalaki papunta kay Hasra, haharangin ko. At ngayon… Eto pa, itong Kael nakaupo sa sofa. Tapo

