(Solace) Hindi ako makatulog, ang lakas kasi ng ulan. Hindi ko mapigilan na mag- alala ng sobra kay Santie. Saan kaya sya ngayon? May maayos kaya syang masisilungan? Sana nandun sya sa kampo ng mga tauhan ni Garreth, tulad ng iniisip ko. Tulog na tulog na ang mga anak ko, kaya maingat lang ang bawat kilos ko. Pabalik- balik ako sa may bintana. Sumisilip at baka makita ko si Santie. Hindi talaga ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman na nasa ligtas na lugar sya ngayon. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Darren, ito ang lider ng mga tauhan ni Garreth na nagbabantay dito sa isla. He's not here. Ito ang sinabi ni Garreth sa akin. Kaya lumo kong tinapos ang tawag. Santie, where are you? Mas lalong lumakas ang ulan kaya mas lalong tumindi

