(Solace) "Ano ba? Bitiwan mo nga ako. Saan mo ba ako dadalhin? Plano mo ba akong ipatubos sa mga magulang ko?" sunod- sunod kong sambit habang kinaladkad ako nitong lalaki na tumangay sa akin. Ubod ito ng guapo, matangkad at may magandang pangangatawan, kaya lang, nakakatakot ito kung tumitig, para tumagos yong titig nito hanggang sa kaluluwa ko. "Shut up, woman! Mukha ba akong naghihirap at kailangan ko pang mangidnap para magkapera." "Malay ko ba kung may mga illegal kang mga gawain. Halimbawa nalang kung isa kang lider ng mafia organization, at isa sa mga modus nyo ay mangidnap ng mga-----" "Shut up! This is the reason why I hate women, they are so irritating." Halata sa boses nito ang irritasyong sa akin. Wala akong nagawa nang ipinasok nya ako sa isang kwarto, ang tingin ko sa k

