(Solace) Sa ikatlong pagkakataon, ngayon naglalakad na naman ako sa aisle habang naghihintay sa akin ang mahal kong groom sa harap ng altar. Hindi tulad noon, wala akong ibang naramdaman ngayon kundi kasiyahan lamang, may kaba man pero mas nanaig ang saya. Ang mga tunay ko nang mga magulang ang kasama ko habang naglalakad ako palapit sa altar. Palapit sa lalaking mahal na mahal ko. Nagkatinginan kami ni Santie. Kitang- kita ko sa kanyang mukha ang sobrang kasiyahan. His eyes show how much love he has for me. Kung gaano kalalim iyon. Sobrang lalim 'yon. Hawak kamay kami ni Santie na naglakad papunta sa pari na syang magkakasal sa aming dalawa. Sinimulan na nang pari ang seremonya hanggang sa palitan na ng vow namin. Pagkatapos ng vow ay ang palitan naman ng singsing. " I give you t

