(Solace) "Sabihin nyo na sa akin kung saan nyo dinala ang anak ko? Saan nyo itinago si Kristoff?" galit na tanong ko sa aking mga magulang. Nauubusan na ako ng pasensya at oras, hinding- hindi ko mahanap si Kristoff, kaya imbes na wala sa plano ko na ipaalam sa mga magulang ko na alam ko na ang katotohanan, wala akong nagawa kundi ang puntahan silang dalawa. Sila ang nagtago kay Kristoff. Sila lang ang nakakaalam kung nasaan ito. Napatigil sila sa pagkain at sabay silang napatingin sa akin. Naabutan ko sila na kumakain ng hapunan nila. Wala akong pakialam kung kasalukuyan man silang kumakain, ang mahalaga sa akin ay ang ibalik nila sa akin ang anak ko. "Solace, hindi mo ba nakikita na kumakain kami. Talaga wala ka nang respeto sa amin." galit na sambit ng aking ama. "Kayo, may respet

