(Solace) Nagpupuyos ang kalooban ko sa sobrang galit. Kumukulo ang dugo at tumataas ang presyon ko. Sino naman ang hindi magagalit ng ganito? Basta nalang ako nagising sa isang estrangherong kwarto na walang kahit anong suot sa aking katawan. Gulong- gulo ang isip ko at takot na takot ako. Hinahalungkat ng aking isip ang huling nangyari sa akin. Sunod sunod ang inom ko ng alak dahil naiinis ako kay Santinir. Hindi nya ako pinapansin at kung papansinin man nya ako ay napakalamig ng pakikitungo nya sa akin. At ewan ko kung bakit naiinis ako sa naging trato nya. Hindi ko na namalayan na napadami na pala ang nainom ko hanggang sa nalasing nga ako. Iyon ang huli kong naalala. Napaisip ako kung saan ako dinala ni Santie. Sya lang naman ang kasama ko kagabi kaya sya lang ang dapat kong pagbi

