(Third Person's POV) Gulat na gulat si Santie nang biglang iniyakap ni Catriona ang braso nito sa leeg nya. Inilapit din nito ang mukha sa kanyang mukha at alam na nya kung ano ang gagawin nito. Kaya iniwas nya ang kanyang mukha bago pa tuluyang malapat ang labi nito sa labi nya. Saka agad nyang binalikwas ang braso nito mula sa kanyang leeg. "I don't know what is happening to you, Cath. But please, wag kang gumawa ng bagay na ikakasira sa pagkakaibigan nating dalawa." Alam nyang maraming mga mata ang nakatingin sa kanilang dalawa. Kaya siguro sinamantala nito ang sitwasyon dahil buong akala nito hindi nya ito kayang ipahiya. He's tired of protecting her image, kaya hindi nya itinama ang inakala ng mga tao noon, pero sumusobra na ito. Gusto na nitong sirain silang dalawa ni Solace. Nap

