(Solace) Palipat- lipat ang tingin ko sa mag- iina. Litong- lito ako. Kinakabahan ako. Yong kaba ko ay ubod ng lakas na parang hinihigop ang lakas ko. Kaya, naging blurred ang paningin ko. At tuluyan akong naduwal, ang huli kong naalala ay may sumalo sa katawan ko. Nagising ako sa isang kwarto. Iginiya ko ang aking mga mata. Hindi pamilyar sa akin ang kwartong namulatan ko. Inalala ko ang nangyari. Sumasakit na naman ang puso ko nang bumabalik sa aking alaala ang lahat ng rebelasyong ni Catriona sa akin. Bumibigat na naman ang puso ko sa isipin na lahat ng taong nakapaligid sa akin ay ginagawa akong tanga. Bakit nila nagawa ito sa akin? Totoo ba talaga nila akong minahal? Ang mga magulang ko, niloko nila ako? Itinago nila sa akin ang katotohanan tungkol sa mga anak ko. Kaya pala inila

