(Solace) Hindi ako mapakali. Palakad- lakad ako. Bakit ba nandito ang Santie na yon? Akala ko ba, walang kung sinong- sino ang makapapasok dito sa Isla na pagmamay- ari ng pamilya ni Garreth. "Maam, may lalaking naghahanap sayo? Nasa labas. Kasi sabi mo bawal magpapasok ng kahit sino dito." Ani ng katulong. "Sinong lalaki?" "Ewan ko ma'am, ngayon ko lang nakita." sagot naman nito. "Maputi, ang guapo at sobrang tangkad. Nagkaroon nga ng crush agad si Laura." Alam kong si Santinir ang tinutukoy nya. "Tawagin mo si Laura." Si Laura ay isa din katulong, dalagita pa ito at may hitsura naman. "Opo maam." Tumalima naman agad ang katulong. Napaupo ako, kailangan kong kumalma. Hindi ko dapat ipahalata kay Santinir na kinakabahan ako sa presensya nya. "Ma'am, may kailangan po ba kayo sa

