BAB- Epilogue

742 Words
Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Ang araw kung kailan matutupad na pinakapangarap ng isang simpleng babae na tulad ko. Ang araw kung kailan ikakasal ako sa aking Prince charming. Nakasuot ako ngayon ng isang magara at mamahaling trahe de boda, habang naglalakad ako papunta sa altar, kung saan naghihintay sa akin ang aking napakaguapong groom. Ang tamis ng ngiti nya sa akin. Siguro marami ang napataas kilay ngayon. Sasabihin na isang akong napakaswerteng babae, kabaliktaran sa aking groom. Chubby na nga ako, hindi pa ako kagandahan. May suot akong malaking eye glasses dahil malabo ang aking paningin, dahil siguro ito sa madalas akong nagbabasa ng mga romantic pocket books. Hindi din ako maputi, parang kopiko brown ang kulay ko, pero makinis naman ang aking balat, miminsan lang kasi ako nakakalabas ng bahay. At dahil sa chubby nga ako, kaya mataba din ang aking pisngi, kaya itong ilong ko ay parang nasagasaan ng tren. Maliit kasi ang ilong ko, kaya natatabunan ito sa mataba kong pisngi. Bilang nag- iisang anak ng aking mga magulang, masyado akong pinuprotektahan ng parents ko. They sheltered me too much, kaya home school ako buong buhay ko. These may be a reason why I am so ignorant with a lot of things. Para kasi akong si Rapunzel, nakakulong sa isang palasyo, naghihintay kung kailan darating ang kanyang prince charming. Bata palang ako, alam ko nang balang araw, ikakasal din ako sa lalaking napili ng parents ko para maging kabiyak ko. At ang napili nga nila para maging asawa ko ay si Santinir Davis Montreal. Isang halos perpektong lalaki. Napakaswerte ko dahil minahal din nya ako. Love at first sight, iyon ang naramdaman ko sa unang beses na nagtagpo ang mga mata naming dalawa, na parang tulad lang ng nababasa ko sa pocket books. Kahit pa ni minsan hindi ko man lang nasubukan na makipaglapit sa ibang lalaki, at hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ang mapalapit man lamang sa kanila, pero alam kong special ang nadarama ko para sa groom ko ngayon. Alam kong mahal ko sya. Kaya ang saya ko dahil ikakasal ako ngayon sa lalaking mahal na mahal ko. Nakaharap na kami ngayon sa pari na syang magkakasal sa aming dalawa. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Ganito ba talaga katindi ang kabang madarama ng isang babae na ikakasal? "Santinir Davin Montreal, do you accept Solace Cathleya Montemayor, as you lawfully wife, in sickness and health, 'till death do us part?" tanong ng pari sa groom ko ngayon. Nakangiting tumingin sa akin si Santie. Nagkatama ang aming paningin, at matamis akong ngumiti sa kanya. "I do---" sagot nya habang sa akin nakatingin. Saka sya bumaling sa pari. "I don't want to---" napalis ang aking ngiti sa kanyang idinagdag. Napasinghap ang mga taong naging saksi sa kasal naming dalawa. Tulad ko, hindi din sila halos makapaniwala sa naging kasagutan ni Santie. Saka bumaling ang tingin ni Santie sa akin, pandidiri at pagkamuhi na ang nababasa ko sa kanyang mga mata. "Akala mo talaga magpapakasal ako sayo. Tignan mo ang hitsura mo, malayong- malayo ka sa babaeng gugustuhin ko. Maliban sa mataba ka, hindi kapa maganda. Sa daming modelo na nakapila para sa akin, kawawa naman ako kung sayo lang ako mapupunta. Kaya ngayon, sana nagising kana sa katotohanan na hindi ka bagay sa isang tulad ko. Never kitang magugustuhan, never kitang mamahalin, Solace!" sunod- sunod na bigkas nya. Saka sya tumalikod at humakbang sya sa palayo sa akin. Napatulo ang mga luha ko. Sobra akong nasaktan sa kanyang mga salita. Parang tinutusok ang aking puso ng paulit- ulit. Napatingin ako sa mga bisita. Pati sila ay nagkakagulo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakatingin sila sa akin, lahat sila ay pinagtatawanan ako. Lahat sila kinukutya ako. Puno ng luha ang aking mga mata, at medyo nanlalabo ang aking paningin. Kahit saan ko ibaling ang aking mga mata, lahat sila ay nakatawa na parang tuwang- tuwa sila sa nangyari sa akin. Hindi ko alam ang nangyari. Parang pinag- iikutan ako ng mga nakatawang tao. Kaya ako napasigaw. "Solace, solace----" Ani ng isang babae na humawak sa akin. Itinulak ko ang babae humawak sa akin. Saka ako napatakbo, pero nakasunod parin sa akin ang mga taong nagtatawanan, kahit nakalabas na ako ng simbahan. Napatawid ako sa kalsada at.....naramdaman ko ang pagsalpok, biglang humandusay ang aking katawan sa lupa. Ang huling naalala ko ay ang pagsigaw ng kung sino sa pangalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD