CHAPTER 27 ALTHEA'S POV Kagat-kagat ko ang chocholate bar habang nakatingin ako sa TV. Madilim na sa labas at kasalukuyan akong nanonood ng Titanic. Naayos na namin kanina ang tungkol sa Singko. Actually, kauuwi lang namin galing sa office ni Mateo para i-confirm ang tungkol sa meeting niya kahapon. Hindi naman siya nagtaka sa tanong namin sa kaniya. Craige and I both thought that it's a trap. Naalala ko pa ang sinabi kanina ng na kausap namin. 'Tama pala ako. Tama ang naging desisyon ko.' Ibig lang sabihin niyoon may ginawa siya...nakatunog siya na may gustong alamin kung sino siya. We have a theory, na tumawag siya mismo sa may Singko dahil alam niyang magsisimula kaming maghanap doon. And Craige and I are both waiting for him to drop another lead to someone. He's covering h

