CHAPTER 44 ALTHEA'S POV Nagmamadaling inimpake ko ang mga damit ko. Nakatingin sakin si Adonis na may suot-suot na backpack at handa ng umalis. Hindi naman siya nagtatanong kung bakit pero alam kong naguguluhan siya. I can't explain now. We need to get out of here. Pinahid ko ang mga luha na naglalandas sa pisngi ko. Nagmamadali ako. Nang makauwi kasi ako galing sa Craige kanina, nakatulog na ako sa kakaiyak. Kailangan naming umalis hangga't hindi pa namin nakikita si Craige. Ngumiti ako ng mapait habang naglalagay ako ng gamit sa bag ko. Bakit nga naman namin makikita si Craige? Sigurado akong nakahinga na siya ng maluwag dahil nasabi na niya sakin lahat ng gusto niyang sabihin. Hindi na nga naman pala niya ako kailangan.. Madalas naririnig natin na mabuti na daw na makas

