CHAPTER 39 ALTHEA'S POV Iniikot-ikot ko sa forefinger ko ang ilang hibla ng buhok ko habang nakatingin ako sa kamay ko. Kanina pa ako nakatitig doon at sumasakit na ang mata ko dahil halos hindi ako kumukurap. Ikakasal na talaga ako? Hindi naman sa kinakabahan ako. Hindi din naman ako masyadong na e-excite. Kaso marami lang akong gustong itanong. Anong day ba ang kasal? Sang simbahan? Kaninong maganda mag pagawa ng gown? Nakataas ba ang buhok o nakababa? Anong motif? Sinong maid of honor- Hindi ako excited. "Ang ganda talaga. Parang ako lang." "Avery-" "San nga kayang magandang simbahan magpakasal? Whatever. Sa simbahan, sa beach, sa ilalim ng dagat, sa airport, sa gitna ng zombie invasion, alien invasion, o kahit sa gitna ng gera, pakakasalan ko ang Boss, Sir, Among t

