Chapter 10

1206 Words
Tahimik na nakatanaw sa labas si Dale, kitang kita niya ang mga naglalakihang building sa labas. Hindi niya maiwasang maipagkompara ang opisina nila sa Dubai sa opisinang kinakatayuan niya ngayon hindi hamak na mas maganda ang opisinang kinakatayuan ng kanilang opisina sa Dubai kesa dito. Maganda naman at maayos dito mukang mga top engineers and top interior designer ang mga gumawa sa buiding pero wala ito sa ganda at sa advance ng mga building sa Dubai. Maybe he missed Dubai kaya nakakapag isip sya ng ganon hindi na talaga niya nakikita ang sarili na dito tatanda sa Pilipinas. Pagkatapos ng kanyang pakay ay babalik na agad siya kung saan siya nanggaling at aasikasohin ang kanilang negosyo, marami pa syang pangarap at goal na gustong makuha para sa kanilang kompanya. Maybe he is successful now but he wants more. Binasag ng isang boses ang kanyang pagmumuni muni. Napalingon sya sa pintoang pinagmulan noon. Hindi nga sya nabigo ang taong sinadya niya sa lugar na ito ang iniluwa ng opisina. "Okay let's start Mr. Evans sorry for the delay we are having our late lunch when you arrived" casual na turan nito habang binabagtas ang daan patungo sa mahabang lamesa na nasa loob ng conference room. Naupo ito sa dulong bahagi saka binuksan ang dala dalang laptop. Umupo naman siya at mataman na tiningnan ang dalaga. Mukang seryoso ito this time, hindi na niya nakikitang naaasiwa ito sa kanya gaya noong una at pangalawang beses sila nagkita. Kahit nakaupo na ay hindi pa rin siya nagsasalita at nakakatitig lamang sa dalaga. "You want to meet the whole team that will handle your project Mr. Evans?" ika nito ng mapansin na hindi siya nagsasalita at nakatingin lamang sa kanya "No. That's not necessary i mean we have to make our timeline to secure na magiging maayos ang takbo ng mga susunod na araw. Ayokong may masasayang na oras sa trabaho" maangas na wika nito habang nakahalukipkip ang mga braso. "Okay im the one who will make the timeline, after we visit the site. I can't make it kung hindi pa ako nakakapag roving sa doon. Would you like to visit there next week?" sagot naman nito, maaaring babae sya pero hindi sya naiintimidate sa mga ganitong klase ng tao sa dami na ng nakaharap nya ay kahit kailan ay hindi siya nagpakita ng kahinaan lalo na sa mga kliyente yoon ang nature ng kanyang trabaho kaya nasanay na siya. "Why you decline my offer earlier?" tanong ng binata imbis na sagotin ang kanyang tanong. "What for?" we are not here to hook up and remisniscing the past that we had trabaho ang ginagawa natin" seryosong sagot nito na hindi man lang siya tinaponan ng tingin nakatuon ang mga mata nito sa kanyang laptop. Napangiti si Dale sa sinabi ng dalaga. "When i saw you at the wedding nakita ko na malaki ang changes ng physical aspect mo, pero mukang hindi nagbago ang attitude mo you still have the strong personality na meron ka noon parang mas matindi pa nga ngayon" pag uungkat nito Tumingin sa kanya si Jade bago muling nagsalita. "so when are we going to visit the site Mr. Evans" pagbalik niya sa topic na dapat nilang pinag uusapan at hindi ang kanyang buhay. Sumandal sya sa swivel chair at matigas na tiningnan ang lalaking kaharap. Nakikita nyang may mumunting ngiti na nakasilay sa dulong bahagi ng labi nito. "what's funny?" dugtong ng isip niya. Hindi niya maiwasang mapahanga sa physical na anyo nito. Noon pa man ay gwapo na ito kaya nga nahumaling sya dito ng ilang taon. Pero hindi maiikaila na malaki ang pinagbago ng anyo nito, magandan ang hatid ng Dubai sa physical na anyo nito. Lalo itong kuminis at pumuti, ang mga labi nito ay namumula na parang naka lip gloss pero kitang kita naman na natural ang pagkapula noon. Lalong na emphasize ang matangos nitong ilong. "Akala ko ay ayaw mong may nasasayang na oras para sa trabaho, so let's start this as soon as possible" dugtong niya ng wala syang matanggap na sagot dito kahit pa tinitigan niya ito nakikipag paigtingan ito ng tingin sa kanya. At hindi sya magpapatalo. "Okay let's visit there next week, i have to prepare some stuff and we can go" suko nito "Okay, just contact my secretary 3 days ahead para hindi ako magkaron ng conflict sa schedule ko and to prepare the documents that we will be needing pag nandon na tayo Mr. Evans. If that's all i'll be leaving i have more work to" saka sya tumayo at gumilid kung saan nakapwesto si Dale. Doon ay nilahad niya ang kamay sa kausap. Mabilis naman itong tinanggap ng binata. Binawi nya agad yun ng parang makaramdam siya ng kuryenteng nagmumula sa kamay ng binata. Hindi niya yun pinansin at dumistansya sa kausap. Inantay nya itong tumayo para magpaalam sa kanya. Hindi na niya gagawin ang nangyari ng huli silang magkita na basta na lamang niya itong iniwan. Nandito siya sa opisina nila kaya kailangan niya itong pakitaan ng maayos gaya ng ginagawa niya sa mga kliyente nila. Tumayo ito at inayos ang suot na long sleeve inabot nito ang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa bago naglakad patungo sa direksyon pintoan. "Have a good day Mr. Evans" binigyan niya ito ng isang pekeng ngiti "Thank you Ms. Madrigal im looking forward for harmonious work with your team" seryosong turan nito bago muling tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makasiguradong wala na sa kanyang paningin si Dale ay pabagsak siyang umupo sa couch na nasa loob ng opisina. Napapikit siya, kaoting oras lang ang itinagal ng kanilang pag uusap ay parang maghapon ang pagod na dala nun sa kanyang katawan. Napamulat sya at tumingin sa digital clock na nasa pader ng silid. Marahas syang tumayo at nag inat ng katawan. "10 minutes before 5, uuwi na ko" usal ng isip niya saka inabot ang laptop na nasa lamesa saka naglakad palabas ng silid. Paglabas niya ay nakaupo sa gilid ng isang office table si Michael habang nakatingin sa kanya. "How is it?" tanong sa kanya nito ng makita syang papalabas ng pintoan. "Papasakay na siya ng elevator ng abotan ko hindi ko na siya nakausap e" Bilang boss niya ay may karapatan namang tanongin ito sa mga nangyayaring bagay bagay sa mga trabahong sakop ng kompanya nito. Pero parang may ibang nahahagip na kakaiba si Jade sa tanong na iyon ni Michael sa kanya. Tumigil siya sa tapat nito sumagot sa binata. "Next week kami aalis para bisitahin yung site" casual na sagot niya. Hinid na niya pinansin ang kung anong ibang naiisip nyang ibang sagot na gustong marinig sa kanya ng kanyang boss. Tumango lang ito saka siya nagpatuloy sa paglalakad papunta sa pintoan ng kanyang opisina. "Let's drink. Kristal called nakauwi nandito na pala sila sa Manila nagyayaya lumabas" alok nito sa kanya bago siya makapasok sa kanyang opisina Marahas na lumingon sa kanya ang dalaga na nakasimangot. "wow ha, ikaw na pala ang bestfriend niya at sayo na siya unang tumatawag kesa sa akin" Maaang na napatawa ang binata sa tinuran sa kanya sa kanya ni Jade. Mabilis syang naglakad at sinundan ang nagmamaktol na si Jade. She's like a jealous teenager.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD