Separated Love
by larajeszz
Chapter 18
After buying our basic necessities for the camping, Asher and I decided to roam around the department store. Dito namin kikitain ang iba pa naming mga kasama.
I was walking with free hands, while Asher carried everything we bought. No’ng una ay nahiya pa ako dahil ‘di hamak na mas madami akong binili kaysa sa kaniya! But it wasn’t a big deal to him, kayang-kaya niya naman. Pero kahit na! Nakakahiya pa rin. Halata yata na first time ko mag-camping dahil sa dami ng mga gamit na binili ko.
My head was turned to the other side as we continued to walk. I was pouting to myself. Hindi na naman niya hawak ang kamay ko.
“Gutom ka na ba?” Maya-maya’y tanong niya.
Bumuntong-hininga ako bago humarap sa kaniya. “Hindi pa naman. Ikaw ba?”
“Not yet.”
I just nodded. Bakit ba ang awkward ko na tao? I didn’t know how to continue a conversation! Pakiramdam ko kasi lahat ng lalabas sa bibig ko ay mali o kaya naman ay katawa-tawa.
Habang naglalakad kami sa section ng mga picture frame ay napako ang tingin ko sa maliit na litratong nakapatong sa glass shelf.
I stopped on my tracks and stared at it. Asher immediately noticed that I was no longer walking beside him.
Naglakad ako palapit sa munting litrato na ‘yon at maingat kong hinawakan ‘yon. Hindi rin nagtagal at katabi ko nang muli si Asher.
For a minute, we were both quiet while staring at the photo. Blurry flashbacks reigned through my memory. Hindi na detalyado, pero may epekto pa rin. Kahit pa hindi na buong-buo sa memorya ko, parang hindi pa rin ‘to estranghero sa puso ko.
“Does this ring a bell?” I asked him as I bring the photo closer to us.
I almost sobbed when he slowly nodded. “Yeah.”
Ibinalik ko ang tingin sa hawak ko. “It looks like the one we had as kids.”
I heard him sighed. “Very much.”
It was our mini treehouse. Not exactly, but it really, really looks like it!
And just like me, it seemed like Asher was reminiscing beside me. There was a hint of smile on his face, as if a funny memory had come to mind.
“Iyakin ka noon,” he said with a laugh.
Kahit na nang-aasar siya ay hindi ako napikon. Imbis na mainis ay natuwa pa ako. He remembered.
We don’t really talk much about our past. Pakiramdam ko ay mas gusto na lang namin pareho na mag-focus sa kung ano kami ngayon.
“Sino lang ba ang magpapaiyak sa’kin, eh, ikaw lang naman ang dati kong kalaro?” sambit ko at hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahina niyang pagtawa.
After that was another moment of silence. We stared at the photo for a little longer.
I wondered who’s the artist behind this.
It was likely a coincidence, but I couldn't stop myself from believing the piece was made just for us.
“You want it?” he asked with his baritone voice.
I nodded like a kid.
“Alright.”
Before I could even say a word, he already got two pieces of that exact photo and headed to the cashier. One for me, and one for himself.
Mabagal talaga ang paglipas ng mga araw kapag may hinihintay kang mangyari. Kahit pa excited na kaming lahat para sa retreat camping ay kailangan pa rin naming pagdaanan ang mga linggo bago ‘yon.
Discussions, practice ng play, and quizzes. Halos d’yan umikot ang mga araw ko. It should’ve been exhausting. But surprisingly, it wasn’t. For someone na mabilis mapagod, I was able to survive those days without any issues. Because of a single reason…
Or maybe someone.
“Break? You want a chocolate rocher waffle?” Asher asked softly after our practice.
T*ngina. Kuhang-kuha niya ‘ko.
The day of the retreat camp, isang bus ang reserved para sa kada section. I was seated at the back row, between Syrine and Anddie. Si Asher naman ay malayo sa’kin; he’s seated at the third row in front. And behind his seat was Savanna’s. Hindi ka-close ni Asher ang katabi niya, so I figured that he was already asleep.
Hindi pa rin namin napag-uusapan ni Syrine ang tungkol sa kanila ni Kuya Jaywen. She had no idea about what we saw.
“This is going to be so much fun!” kinikilig na sambit ni Anddie. She even hugged my arm. “Finally at nakasama ka na rin, Buenaventura!”
I smiled. “Oo nga, eh. Kahit ako ay nagulat na pinayagan ako.”
She shrieked from excitement. “Tabi tayo, ah?” Bumaling siya sa katabi ko. “Sy, tabi tayong tatlo sa tent!”
Tumango si Syrine sa kaniya. “Oo naman.”
She was smiling, but it didn’t reach her eyes.
I wonder if nag-away sila ni Kuya.
I reached for her hand on her lap. “Okay ka lang?”
She gave me a reassuring smile before placing her other hand on top of mine. “Antok lang ‘to, Jay.”
I let her rest her head on my left shoulder. By doing so, pakiramdam ko ay pasan ko na rin ang kung ano mang dinadala niya. I sighed. Asher was right, kung mahirap para sa’kin, mas mahirap ‘to para sa kaniya.
“Tulungan mo nga akong mag-isip ng yell,” aniya habang nakapikit ang mga mata. “Ako kasi ang naatasan ni Sir Albert.”
“Okay,” I replied.
She smiled with her eyes closed. A few moments later, she dozed off to sleep.
Ibinaling ko ang tingin sa unahan and saw a pair of brown eyes looking straight at me. He was seated beside the aisle. Napaisip ako kung gaano katagal niya na akong pinapanood.
I put my hands together; praying-like, and rested them against my cheek. Mimicking a sleeping position.
“Sleep,” I mouthed.
The side of his lips rose. “You too,” he replied.
Bumalik na siya sa pagkakasandal kaya hindi ko na siya nakita ulit. His words worked like magic; with those two simple words, darkness filled my vision.
“Jaycee, gising na…” It was my friend’s voice that woke me up.
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ang ngiti niya. Si Syrine pa mismo ang nag-ayos ng buhok kong nagulo dahil sa pag-idlip ko.
“Matagal ba akong nakatulog?” tanong ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko.
“Matagal. Nandidito na tayo, eh,” natatawang tugon ni Anddie.
Agad na nabuhay ang diwa ko nang makita ko sa labas na naka-park na ngayon ang sinasakyan naming, pati na rin ang iba pang buses na sinasakyan ng ibang strand.
Ibinaling ko ang atensyon sa unahan nang tumayo si Sir Albert mula sa first row. Itinapat niya ang hawak na megaphone sa bibig niya.
"Please naman, guys. Malalaki na kayo. Ayokong ma-stress na para bang mga elementary students ang mga batang binabantayan ko ngayon, okay? Kapag may nangyari sa inyo ay tatandaan niyong kargo ko kayo. Pinayagan kayo ng parents niyo at ibinigay nila sa akin ang tiwala nila, kaya please, sana hindi masira 'yon kapag may nangyari sa inyo dahil hindi sa lahat ng oras ay mababantayan ko ang galaw ng bawat isa." Hinagod niya ng tingin ang buong klase. "Understood?"
"Yes, Sir Albert!” we answered in chorus.
He gave us a warm smile without showing his teeth. “This would probably be the last encampment that you’ll have as high school students, at bilang magkakaklase na rin. Sulitin niyo ang lahat ng mangyayari rito dahil alam kong babaunin niyo ‘yan hanggang sa pagtanda niyo.”
Dahil sa sinabing ‘yon ni Sir ay napuno ng iba’t ibang reaction ang loob ng bus. May mga nagkunwaring naiiyak, at mayro’n ding naiyak na talaga!
Pinababa na kami at pinapasok sa loob ng isang malaking gate. Sumalubong sa amin ang isang masukal, pero mukhang alagang lugar. May bakod ang kabuuan ng lugar na pagdadausan namin ng camping para masigurado ang kaligtasan namin at para hindi kami mapuntahan ng mababangis na hayop.
Habang patuloy kami sa paglalakad ay unti-unti naming natanaw ang isang malaking structure na ayon sa waiver na ibinigay sa amin ay may canteen at gymnasium. May mga kwarto rin do’n pero hindi naman namin ‘yon magagamit dahil parte ng gagawin namin ang pagbuo ng sariling tent na magkakasya ang buo naming klase.
"This place is huge!" manghang sambit ni Anddie habang sinusuyod ng tingin ang buong lugar. She was still clinging to my arm. "Modern structure sa gitna ng gubat?!"
Anim na section sa Grade 12 ang naririto ngayon at kita kong halos ang lahat ay abala sa paglilibot ng tingin sa lugar. Pati ang mga naroroon na kasama namin ay tiningnan ko at hindi sinasadyang napunta ang tingin ko kay Asher, which to my surprise, was also looking at me. Ako ang unang umiwas ng tingin. Savanna was beside Cedric at masaya silang nagbubulungan, Anddie saw it too kaya nakangusong napakapit na lang siya sa braso ko. Nang madako naman ang tingin ko sa mga STEM ay masayang kumaway ang tatlo naming kaibigan sa strand na ‘yon.
Ang nakatayong modern building sa gitna nito ay kahon ang hugis. Pinapila kami per section at by height. Nasa unahan ko si Syrine habang sa likuran ko naman si Anddie. Nakuha ng nagsalita ang atensiyon ng lahat.
"Good day, campers!" I was surprised to see who it was. "I am Isaac Beltran, your camp master for this year's encampment."
I was surprised to see him there. We were informed na hindi lang students and magkakaro’n ng activities sa lugar na ‘to. Even shareholders ng AIS; which was unusual, but still, it makes sense. Nagbigay lang si Isaac ng ilang mga paalala at sinabi sa amin na ang kada section ay mayroong points na mababawasan sa t’wing hindi namin magagawa ang mga iaatas sa amin na gawain. Doon ko lang din nalaman na sa kanila pala itong lugar na ito.
Nang madako sa akin ang tingin ni Isaac ay bahagya siyang ngumiti at tumango. I also did the same, but my smile wasn’t as wide as his.
Bigla ko na lang namalayan na nasa tabi ko na si Asher. Kinuha niya ang dala kong mga gamit nang walang kahirap-hirap. He didn’t say anything. Tahimik na lang akong sumunod sa kaniya at hindi na nagreklamo.
Ang una naming task ay ang pagtatayo ng sarili naming tent. Boys ang nanguna ro’n habang kami namang mga babae ay naging abala sa paggawa ng flag, yell, at costume para sa mangyayaring Mr. and Ms. Camping mamayang gabi.
Sa paggawa ng flag ako tumulong. Hindi kami na-inform beforehand pero mabuti na lamang at ang isa naming kaklase ay may-ari ng catering services ang pamilya kaya mayroon siyang dalang tela. In-expect na raw niya ito dahil no’ng huling camping nila ay may ganito ring activity. Aniya, hindi naman daw ‘yon pandaraya. Hindi naman daw niya kasalanan na ready siya ngayong year dahil sa past experiences niya sa camping.
Nagpaalam ako sa mga kaklase ko ay nagtungo sa CR na nasa loob ng building.
"Jaycee..." Pinigilan ako ni Syrine sa braso ko nang makapasok na ako sa loob.
"Oh?" Hinarap ko siya at nakitang nagpipigil siya ngayon ng mga luha niya. "Ano'ng nangyari?"
She reached for my hand and squeezed it. Nanatili ro’n ang tingin niya. "Sorry... I'm sorry, Jay."
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya. "Bakit ka nagso-sorry?"
Mariin siyang pumikit at kinagat ang pang-ibaba niyang labi. "I, uh…” She took a deep breath; hands trembling. “I’m seeing your brother..." pag-amin niya. I was so relieved. "Hindi ko ginustong itago... Humahanap lang ako ng tiyempo. Sorry."
All I did was hugged her tight. She didn’t have to explain. Sapat na sa’kin na narinig ko ‘yon mula sa kaniya.
“I’m happy for the both of you,” I sincerely whispered.
-----
-larajeszz